Wasting Times (Tagalog One shot story)

2.6K 22 36
                                    

Wasting Times (Tagalog One shot)


Etoh na naman eh. Lagi nalang. Nakakasawa na. Wala na bang iba diyan?

Andito na naman ako tumatakbo papalayo sa bahay, sa kawalan. Basta makalayo lang ako ng kahit kaunti, ayos na. Para naman mawala man lang kahit saglit tong kirot sa puso ko.

Pfffft. Ang drama naman ng dating ko ngayon. Pagpasensyahan niyo na ha.

Madalas naman na tong nangyayari sa akin. Sanay na sanay na ata ako kaya kaya ko na toh! Hindi naman ako gaya nung ibang mga babae na iiyak na parang bata eh. Nasasaktan lang. Hindi naman siguro masamang magpahangin muna diba?

Teka, san na nga ba ako pupunta? O__O

Eh gabi na din. First time ko atang magwalk out ng ganitong oras ah. Mga 7:30 PM. Bagong record na din toh. Kadalasan kasing maaga ang pagbagong mood sa bahay at hindi na ako lumalabas ng bahay kapag gabi na nangyayari yun.

Waaaaah!!! Umuulan na naman!!

I’m gonna run run run—

SPLASH!!! BOOGSH!!!!!!!!

Ayan kasi. Kakanta-kanta pa  kasi si ako. Di niyo alam yung kanta? Eh basta, andyan naman si genius friend nating si google. Gamitin niyo nalang noh.

Nabangga ata ako…?

Sino ba tong nakatayo sa harap ko? Ang gwapo naman atang nilalang. Baka anghel?

Ang ganda naman kung nasa langit na ako. Wala nang proproblemahin pa.

Ahy hindi.  Hindi pa. Wag pa naman sana. Hindi ko pa kayang mamatay.

Aray! Ano ba tong basa sa ulo ko? Baka ulan lang. Pero bakit ang dami naman ata. Tsaka bat parang masmalapot sa tubig.

Ouch! Lalong sumakit. Parang naipit sa dalawang naguumpugang bato ang buong katawan ko. Idagdag mo pa ang ulang yan. Grrr. Ang lamig.

Ang labo talaga ng paningin ko. Nagblack na lahat ng nasa paligid. Parang mahihimatay na ata talaga a—

*Flashback*

Umuwi ka ng maaga mamaya. Baka kung saan saan ka na naman nagsisipunta.” Sabi sa akin ni mama sa hapagkainan.

Hindi naman po ako kahit saan saan nagsisipunta. 5:30 po dismissal naming araw araw at secretary din po ako kaya mga 6 na nakakaalis ng school.” Magalang na depensa ko.

Ayan ka na naman nagpapalusot.” Sagot ni mama.

Wasting Times (Tagalog One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon