Craving Your Presence
“ One moment with you‚ please ”(Cezilion's P.O.V.)
Ngayong araw‚ pupunta kami sa isang business meeting ni boss sa mga pinsan nya at mga François‚ sure akong andun si Alizandra.
Pinagbihis na ni boss si Zerafina.
When she went outside‚ I saw her sexy slim body with her fitted red dress. Dark feminine na naman ang makeup nya ngayon.
Bagay sakanya...
Dahan-dahan syang naglakad papunta sa kotse‚ tumabi naman sya kay boss sa may likod ko. Sumilip ako sa salamin at nakita kong hinila ni boss ang baywang ni Zerafina papalit sakanya.
Pagkadating namin ay nakasunod lang ako sa dalawa‚ nasa likod nila ako. And I wish that I was the man that holding her waist...
Akala pa ni Zera na magpaparty lang kami‚ pero pinaliwanag naman ni bossing na para sa business lang ang gagawin nila. Dito din pala kami tutulog‚ may parang condominiums or hotels dito‚ it's VIP.
Nasa likod lang nila ako habang papasok sa isang VIP room‚ dito magaganap ang meeting na sinasabi nila. Sumunod lang ako sakanila at umupo sa isang tabi.
Akmang may hahawakan ng kamay ni Zera pero pinigilan naman ito ni Zera‚ iba talaga pagdating kay bossing...
Nagpakilala ang mga pinsan at François kay bossing‚ mukhang hindi pa nakakadating si Alizandra kaya walang mangiinis nang araw no Zerafina ngayon.
May ex-boyfriend si Zera?
Kilala ko ito‚ Isa ito sa karibal ni boss sa mga posisyon sa mundo ng mga Mafia boss. Magkaaway sila sa lahat‚ magkaklase din ata sila dati noong juniors‚ tapos palagi pa silang nagpapagalingan sa school. Mukhang magkakainitan ang isang Cezar at Marceau...
Here I am‚ just admiring that girl...
Oo‚ may gusto ako kay Zerafina. Pero isasarili ko nalang ito‚ kasi sa una pa lang‚ alam kong ang mahal at gusto ni Zera ay si bossing ko. Sino ba naman ako‚ diba?
Noong pagkabanggit pa lang ni Zera tungkol sa naging shota nya dati ay parang maba-badmood na si bossing.
Si Ishmael ba naman ang nagtanong... Isa din sa mga kaaway ni bossing sa mga pinsan nya. Hindi din sila magkasundo‚ ewan ko ba? Parang may gusto na wala si bossing kay Alizandra‚ kaya ata sila hindi magkasundo ni Ishmael dahil kay Alizandra o dahil sa first-girlfriend nya? She's ZeraFina.
Pero parang imposibleng si Zera yun‚ walang binanggit na apelido si bossing e. ZeraFina lang daw‚ wala nang apelido-apelido.
Nakabantay lang ako sa dalawa hanggang dumating na si Alizandra...
Kaagad syang dumeretso sa bossing ko‚ pinaalis pa nga nya si Zerafina sa tabi ni boss para sya naman ang katabi ni boss. Kaya ang katabi na ni Zera ay si Elizìandro‚ may pagka-babaero din ito.
Tiningnan ko nalang si Zerafina‚ halatang naiinis‚ nagseselos at malungkot sya. Halo-halong ekspresyong mayroon sya.
Dahil nga pala sa tanong ni Ishmael tungkol sa ex-boyfriend ni Zera ay hindi na napigilan ni bossing magalit. Nagsagutan si Zerafina at bossing‚ kakaibang babae... wala pang babae ang gumanyan kay bossing‚ sya lang. At ang isang Alizandra‚ nakikisabat kaya mas lalong nainis ang Zerafina ko.
Si Alizandra kasi sinisira araw ng baby ko.
Medyo nakakunot ang ulo ni Zera‚ kahit kapag kinakausap ni Florènzo ay halatang masungit sya nang kaunti kumpara sa ekspresyong pinapakita nya kanina na pangiti-ngiti pa sya.
YOU ARE READING
Yearning For Your False Allures (#1)
RomanceShe loves the color of the roses‚ the garden filled with wine red rose. Even it has thorns in its stem‚ she would still admire it's beauty‚ she likes when the thorns of the rose hurt her long-pale fingers. Zerafina Gutierrez‚ she's been living in Pa...