CHAPTER FOUR

5 3 0
                                    

--

naisipan kong huwag mona mag uniform tutal baka pagtripan nanaman ako kaya nagdala narin ako ng damit na pwede ipang palit.

"bakla, ano bang nangyari at suot suot mi kahapon ang uniform ni damian? kinikilig ako ha!" sabi nito at may pa hampas pa sa akin

"kung ikaw kinikilig, ako naiinis" sagot ko kaya napatingin sila sa akin.

"ano bang nangyari?"tanong ni bading sa akin kahit si amara ay nagaalala na rin.

"nabasa ako ng tubig, kaya ganon, huwag na kayong mag alala" sabat ko

"alam kasi naming gangster ang mga nasa loob ng section six, binabalaan lang kita at baka madamay ka" sabi nito.

totoo, dahil una palang may mga nararamdaman na akong nakamasid sa akin mula sa malayo.

instinct ko kaya yun!

okay lang, hanggat hindi ako gumagawa ng masama sa kanila, walang mangyayari sa akin.

kung sakaling may mangyari at hindi ako tinulungan ng section six, edi madali lang naman mangkulam no eme!

Umupo ako sa upuan ko at binuksan ang cellphone ko nag s-scroll lang ako sa facebook dahil wala pa naman kaming ginagawa.

naka black jacket ako at baggy pants, kahit babae ako ay hindi ako sanay sa mga girly things, mas sanay ako sa mga malalaking damit na sinusuot ko.

"hi" napatingin ako sa tatlong lalaking lumapit sa akin, kaklase ko rin yun.

"I'm kevin"
"jeiro"
"rem"

nagkakilala lang sila at ngumiti ako sa kanila, umupo si jeiro sa harapan ko katabi nya si rem, sa tabi ko naman ay si gaven at sa kabila ay si kevin.

"dito na muna kami uupo" sabi ng isa kaya tumango ako, okay narin yun para hindi ako lonely tignan, masyado namang ang lungkot ng buhay ko.

nagumpisa na ang klase at natapos rin ka agad, mapeh na ang p.e na.

sari-sarili kaming pumunta sa locker para makuha ang p.e namin, kinuha ko lang ang akin at nagpalit ako sa cr.

pagkatapos ay lumabas narin ako at pumunta na kami sa gym may mga ibang section rin rito.

napatingin ako sa paligid, may mga babaeng nakatingin sa akin, bakit ba ang sama nila kung makatingin?

nag babatuhan bola kami ngayun kakampi si si gaven at kevin, kalaban namin si jeiro at rem.

maya maya ay may tumamang bola sa balikat ko kaya tinignan ko kung sini ang may gawa non, pero mukhang wala naman.

hinayaan ko yun ngunit ang pangalawa ay tinamaan na ako sa mukha kaya napaupo ako.

tangina anong bola iyon?....basketball?

Agad akong nahilo at napatingin sa kanila, isa isa silang may hawak na bola, iba iba ito at mayroon pang may hawak na baseball bat.

putangina.

"Section six, in a count of ten" nasi ayusan sila ng tayo umiiling ako sa kanila nag magumpisa si damian magbilang.

1...2....3..4..5..6..7..8..9....

saktong ten ay napaulanan ako ng ibat ibang bola, pero mas masakit parin ang bola ng basketball kaya talagang nahilo ako.

"a-aw..."

ngumisi pa sa akin si damian, dumugo ang ilong ko at pinunasan ko ito, agad akong tumayo kahit nahihirapan ako, nagdadalawa na ang paningin ko pero gusto kung bumawi.

GANGSTER! | only girl series#7Where stories live. Discover now