Kailan ba nagsimula ang lahat? Saan at paano? Sabi nila na ang pinakanakakatakot sa mundo ay ang katutuhanan na sumasampal sa‘yo—at ang bingit ng kamatayan. Ngunit may ibang tao naman na hindi takot harapin si kamatayan at ang kanilang reyalisasyon. Pero para dalawang taong pinagtagpo ng tadhana, pinaglapit at sandaling ipinaramdam at ipinakita kung gaano ka sarap at ganda ng buhay kasama ang taong mahal mo, mahirap ito ng tanggapin para sa kanila—Ngunit ano ang magagawa nila kung ang lahat ng bagay ay may limitasyon, lahat ng pinahahalagahan mo, bagay man yan o tao ay mawawala‘t kukunin rin sa‘yo.
“Jae-hyun,” tawag niya, ang boses nito ay mahina, at parang pagod.
Agad itong lumapit at naupo sa tabi niya, inaalalayan siya sa bawat galaw. “What is it, love?” tanong ni Jae-hyun, pilit na ngumiti kahit na ramdam niyang mahirap ang kalagayan ng kanyang kasintahan.
Nag-angat si Hong-Chae ng tingin at matamis na ngumiti, ang mga mata niya ay puno ng iba't ibang emosyon. “Jae-hyun… gusto ko lang sanang magpasalamat sa lahat ng oras at pagmamahal na binigay mo sa akin. Hindi ko kayang sabihin lahat ng nararamdaman ko, pero sana alam mong mahal na mahal kita.”
Puno ng lungkot ang mga mata ni Jae-hyun, pero nagpatuloy siya sa pagpapakita ng suporta at pagmamahal. “Wala ka nang kailangang ipag pasalamatan. Gagawin ko lahat para sa’yo. Kasi mahal kita, Hong-Chae.”
Muling nagtaas ng ulo si Hong-Chae at ngumiti, pero bakas ang lungkot sa mga mata niya. “Jae-hyun, hindi ko na kayang labanan pa. Hindi ko na kaya pang magpatuloy…”
Tumingin si Jae-hyun sa kanya, ang mga mata ay puno ng sakit at pangako. “Huwag mong sabihin ‘yan. Hindi kita iiwan.”
Ngumiti si Hong-Chae, ang ngiti na minahal ni Jae-hyun mula sa simula. “Alam ko… at gusto kong malaman mo na… masaya ako kasi ikaw ang naging isa sa pinaka masaya at magandang bahagi ng buhay ko. Thank you for loving me the way you did.”
Pumatak ang mga luha ni Jae-hyun, pero pinilit niyang ngumiti. “Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi pa tapos ang laban natin. Kasama mo ako, lalaban tayo, tandaan mo 'yan okay?”
Umiling si Hong-Chae, pero ang ngiti sa kanyang mukha ay nanatili. “Hindi mo kailangang labanan ang bagay na hindi mo kayang baguhin, Jae-hyun. Sometimes, letting go is part of loving. Kaya gusto ko… gusto kong magpahinga ka na rin.”
Humigpit ang hawak ni Jae-hyun na nakahawak sa kamay ni Hong-Chae, at kahit alam niyang totoo ang sinasabi nito, masakit pa rin tanggapin. “Hindi ko alam kung kaya ko, Hong-Chae. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang wala ka.”
Ngumiti muli si Hong-Chae, kahit mahina na ang kanyang mga mata. “Kaya mo. Kasi ikaw ang pinakamalakas na taong nakilala ko. Promise me, Jae-hyun, you’ll keep going. You’ll find happiness, even if it’s...without me.”
“I-i love you, Jae-hyun. Mahal na m-mahal kita,”
YOU ARE READING
Ya amar (يا قمر)
RomanceKailan ba nagsimula ang lahat? Saan at paano? Sabi nila na ang pinakanakakatakot sa mundo ay ang katutuhanan na sumasampal sa'yo-at ang bingit ng kamatayan. Ngunit may ibang tao naman na hindi takot harapin si kamatayan at ang kanilang reyalisasyon...