TALIA POV
Nagising ako sa malakas at sunod-sunod na katok galing sa pinto ng aking kwarto
umiba ako ng higa at tinakpan ang aking tenga ng unan.psh kulit.
"ate talia, late kana 7:20 na po at ngayon ang unang araw mo sa trabaho"
dahil sa sinabi ng kapatid kong yun ay dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto.
"maraming salamat cha sa pag-gising, papasok kana ba?" tumango ito kaya kinuha ko yung aking wallet upang bigyan ito ng baon "eto, mag-ingat ka, okay?"
"salamat po ate, aalis na po ako" ginulo ko lamang ang kanyang buhok at pinaalis na.
nakangiti kong tinignan ang aking kapatid, labintatlong taon na ito.
nakauniporme at proud ako sa sarili ko dahil napaaral ko ito, pero bigla rin nawala ang ngiti ko ng maalala ko na late na pala ako kaya dali-dali na akong pumasok ng banyo.pinasadahan ko ang aking sarili sa harap ng salamin, nakapolo lamang ako na kulay maroon galing pa ito sa aking lola at itim na pants naman sa baba, tinali ko din ang aking buhok, nang masigurado kong ayos na ako sa aking magiging itsura ay bumaba na ako.
"hija hindi kaba kakain muna?" saad ng aking inay ng makita akong nagmamadali "sayang naman itong niluto kong itlog"
"hindi na po siguro inay" nakita ko ang pag-lungkot ng mukha nito, late na ako pero nakakapanghinayang, tama ang inay sayang ang niluto nya.
"nay pabalot na lamang po at mamaya ko na kakainin" kita ko naman ang pagliwanag ng mukha nito at sinumulan na ang pagbalot.
8:35 na pero sasakay pa lamang ako ng elevator ang alam ko ay nasa 35th floor pa ang office ng aking magiging boss late na ako ng limang minuto. tinatap ko na lamang ang aking paa at humawak sa aking kwintas para papaano maibsan ang aking takot.
nang bumukas ito ay bumungad agad sa akin si ms. roxanne.
"ms. roxanne, pasensya na po medyo traffic po kasi" nakayuko kong saad.
totoo naman na traffic pero mas late lang talaga ako ng gising.
narinig ko na bumuntong hininga ito, siguro kanina pa sya dito.
psh bakit kasi late ako nagising.
"follow me ms. garcia" sumunod nga ako dito at habang naglalakad kami ay palinga-linga ako sa paligid. walang katao-tao dito mukhang para lamang talaga ito kay ms. montenegro.
kilala ko na rin si ms. roxanne dahil sya ang naginterview sa akin, napahiya pa nga ako dun kasi bigla ko itong niyakap ng ibalita nito na tanggap na ako at sa pagkakaalam ko ay sya ang dating P.A ni ms. montenegro hindi ko alam ba't aalis ito.
"ayaw na ayaw ni railey ng late, dito ka muna ako na ang kakausap sa kanya"
tumango ako at tumigil kami sa isang pinto na malaki, pumasok dun si ms. roxanne at ako naman ay naghintay lang sa labas may nakita akong mauupoan sa aking gilid siguro ito yung magiging office ko.
nakalipas ang ilang minuto ay lumabas na si ms. roxanne kaya napatayo ako ngunit nilagpasan lamang ako nito at tuloy-tuloy na pumasok sa elevator, mukhang nagmamadali.
nagtataka man ay hinayaan ko na at naupo ulit kita ko naman na medyo bukas ang pinto pero isinawalang bahala ko lamang.
ngunit ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarinig ako ng kalabog mula sa loob ng opisina kaya dali-dali akong pumasok at nakita ko ang isang babae na sa pagkakakilala ko ito ay si ms. montenegro.
nadatnan ko itong nasa sahig katabi nito ang upuang nakatumba at isang water bottle, basa na rin ito.
eh? natumba ba ito?
"aish, ouch" rinig kong daing niya.
"ms. montenegro? ayos lang po ba kayo? lumapit ako dito at ng mahawakan ko sya sa braso ay ramdam na ramdam ko na nagulat ito.
"who the hell are you?" malakas na sigaw niya matapos iwaksi ang aking kamay at tumayo, muntik pa ito matumba.
nang magtagpo ang aming mga mata sa hindi malamang dahilan ay parang wala akong naririnig nakafocus lamang ito sakanya mula sa kanyang kilay papunta sa mata nyang kulay hazel, matangos na ilong at mapulang labi, bumaba ang tingin ko sa kanyang kasuotan, nakaputing coat ito na may itim na pangloob at pencil skirt na kulay itim, bumalik rin ang tingin ko sa maalon at mahaba nyang kulay brown na buhok.
damn!! anghel ata ito.
"stop staring and answer my damn question" muli ako napabalik sa aking sarili ng sumigaw ulit ito "who the hell are you? bakit pumasok ka sa office ko, alam mo ba na ayaw na ayaw ko ang may pumapasok dito?" taas-baba ang kanyang dibdib, ramdam ko na rin ang inis sa kanyang boses.
dahil dun hinawakan ko ang aking kwintas dahil sa takot.
"m-ma'am pasensya na po pero nakarinig po kasi ako sa labas ng kalabog kaya dali-dali po akong p-pumasok dito"nakayuko kong saad.
gusto ko lang naman tumulong.
"get out!!" turo pa nito sa pinto.
"po?"
hindi lamang ba ito magpapathankyou?
"are you deaf? I said get out!!"
"hey railey why are you shouting what- oh my gosh bakit basa ka at at ang sahig?" tumingin ito kay ms. montenegro at sa akin para bang prinoproseso ang nadatnan "are you okay, ms. garcia?" tumango ako bilang sagot wala akong masabi nanghihina ako sa nangyayari.
"the hell roxania, you know this girl?"
"hey don't call me that and yes i know ms. garcia kasi sya ang papalit sa akin bilang P.A mo ngayon dahil ngayon din ang alis ko, don't tell me hindi ka nakikinig sa akin noong nakaraang araw?" nilapag nito sa mesa ang isang folder "tinawag lang ako ng iyong papa tapos ito na madadatnan ko?
"what? you told me next week pa ang alis mo. what's the rush roxania, huh?"
tumingin ako sakanya at nakakrus na ang kamay nito sa dibdib ng umangat ang tingin ko ay nakatingin na pala ito sa akin nakataas ang kilay nito kaya bumalik ako sa pagkakayuko.
"something important came, now change we need to talk"
"right, but i want you to get her out" turo niya sa akin at umalis na ito papunta sa isang pinto dun na ako nakahinga ng maluwag.
"ms. garcia, pasensya ka na"
"okay lang po, uhm sa labas na po muna ako" ngumiti ako at umalis na rin sa harap nya.
nang makalabas ako ay napasandal na lamang ako sa pinto at malakas na napabuntong hininga.
great talia, sa first day mo pa talaga.
makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto ngunit walang lumalabas kaya naupo pa rin ako.
"just be nice to her" boses iyon ni ms. roxanne
"i will try, okay? I'm just shock pano na lang if wala akong suot na coat kanina, huh?"
"i know how worried you are but talia doesn't know anything, just forget it"
"okay"
"i have to go now, please take care"
nang makarinig ako ng yapak ay tumayo na ako, naunang lumabas si ms. roxanne sa likod naman nito ay si ms. montenegro.
"ms. garcia i have to go, here call me if you need anything" sabay bigay nito ng calling card nya, tinanggap ko yun at ngumiti.
"opo, mag-ingat po kayo"
tinap lang niya ang aking balikat at umalis na sinundan ko ito ng tingin papuntang elevator hanggang sa mawala ito sa aking paningin.
"ehem, ms. garcia follow me"
YOU ARE READING
One Step Away From You [GL]
RomansaTalia Lorraine Garcia, High School Graduate lamang ang natapos nito dahil simula ng mamatay ang kanyang itay ay kinakailangan nyang magtrabaho dahil sya na lamang ang inaasahan sa kanila, hindi sapat ang pagbebenta ng pandesal ng kanyang ina kaya la...