-
nasa gym kami ngayun dahil ay p.e namin, naka p.e narin kami, ang ginawa lang naman namin-- ni pala ay nag practice ng basketball, nakatunganga lang ako.
ang boring rito, binuksan ko nalang ang cellphone ko at nanonood sa tiktok.
maya maya ay umupo na sila sa tabi ko, paikot sila at ang iba ay naka upo sa lapag, habang ako nagseselpon nag uusap usap naman sila.
"sa susunod na ang laban natin we still need a muse" sabi ni kevin
"no need nandyan naman si shaine" sagot ni gaven kaya napatingin ako sa kanila, nakatingin pala sila sa akin.
"huh?" tanong ko.
"ikaw ang magiging muse namin sa labas sa susunod na araw, so be prepared" sabi naman ni kiv--si damian yun mas okay ng kiv para maikli lang.
"luh, hindi ako marunong rumampa" sagot ko tumaas naman ang kilay nya.
"paturo ka" sabi nito kaya napakamot ako, tumayo si gav
"ganito lang shai, tignan mo ako" sabi nito at nag kembot kembot.
"bading!" sabi ko kaya natawa naman sila, sumimangot naman sya.
"papaturo nalang ako kay amara" sabi ko, slayables kasi palagi yun si amara, kaya alam ko marunong syang rumampa.
"good" sabi nito.
"anong susuotin ko?" tanong ko napatingin naman sila kay kiv.
"kaylangan mo mag jersy, may jersy kaba?" tanong nya
"wala ba kayong taga gawa ng jersy? ganon yun diba tuwing liga?" tanong ko umiling sya.
"naka pagpagawa na kami, matagal nato kaya hindi na kami nagpapagawa pa, ikaw? wala kabang jersy?" tanong ni gaven umiling ako.
"nag b-basketball ka wala kang jersey??" tanong ni kevin, umiling naman ako.
"mukha ba akong nasali ng mga liga?" tanong ko pabalik "yung jersey ko kasi pang athletes yun, hindi basketball" sagot ko.
"nag a-athletes ka? bakit hindi ka sumali may athletic sa atin ah?" tanong ni gian
"hindi ako naka abot" sabi ko intrams kasi namin sa susunod na araw kaya siguro may laro na sila.
"ako na bahala sa jersey mo" sabi ni damian kaya tumango ako at ngumiti.
"may bayad bayun?" tanong ko.
"oo" sabi nya kaya nabawi ko ang ngiti ko
"luh? wala akong pera at tyaka pinilit nyo lang naman ako libre nyo na" sabi ko kaya natawa naman sila "magkano bayad?" tanong ko.
"one kiss"sagot ni damian kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"ayoko hoy!" sabi koi kaya natawa sya at nailing iling.
"kidding, huwag kana mag bayad, jersey ko naman susuotin mo" sabi nya
"eh? edi malaki sa akin yun, ang laki kaya ng damit mo" sabi ko kaya tumango tangilo sya.
"mas better kesa naman nakasuot ka ng jersey na sexy yung susuotin" sabi nya, sabagay oo nga naman.
"sige " ngumuti ako.
tumayo na ako at naisip ko munang mag libang habang naguusap usap sila, napatingin ako sa mga athletic, nag p-practice sila, malamang mauuna ang laban nila bago ang basketball.
umupo ako sa bleacher's malapit sa kanila dahilan para mapatingin ang isa sa kanila sa akin.
"hi" sabi nito at ngumiti, nginitian ko rin sya dahil wala ako sa mood para maging masungit.
"hello" sagot ko, tumabi sya sa akin.
"hanna" sabi nya at nakipagkamay sa akin, ngumiti ako at sabing "shaine".
"interesado ka sa athlete's?" tanong nya, tumango naman ako.
"oo, ang kaso ngalang hindi na pwede no?" sabi ko
"oo e, maglalaban narin kasi kami, sa badminton mayroon pa, pwede pa" sabi nito napatingin naman ako.
pwede?
"kelan mag pwede?" tanong ko.
tatlo kaya sport ko, basketball, athletic, at badminton, ewan ko rin kung bakit magaling ako roon.
"oo, ang alam ko mamaya pwede mag register, ang maganda pa ay magiging varsity ka" sabi nito "ang alam ko hindi lang sa intrams maglalaro, pwede ring ibang school ang makalaban nyo" dagdag nya.
exciting!
"ah.." sagot ko "doon nalang ako sasali" sagot ko ngumiti sya at tumayo.
"sige na, may practice pa kami e" sabi nya at ngumiti ako bago tumango, umalis na sya at nag practice na, paminsan minsan ay napapatingin sya sa gawi ko.
napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin, hindi ko sya kilala pero pogi rin ang isang to, hindi ko sinasabing type ko sya, ang sinasabi ko pogi sya.
"sasali kang badminton?" tanong nya tumango naman ako "I'm mathew, pwede kita ipasok roon, nag practice lang ako kanina" sabi nyaokay, familiar yung mathew, saan koba yun narinig?
"ah? okay sige, I'm--"
"shaine, i know you already" sabi nya at ngumiti "tara laro tayo?" tanong nya ngumiti ako at pumayag.
pumunta kami sa badminton-an, magkatabi lang ang sa basketball at badminton,nasa gitna kasi ang practice-an ng badminton sa kabila ay basketball at sa kaliwa ay athletic.
binigyan nya ako ng raketa.
pumyesto na kami at nag umpisang mag laro, natatawa pa ako pag hindi nya natatamaan.
"shaine." napatingin ako sa likoran ko nandito na silang lima.
si damian, gaven, gian, rem, at si jiero.
"bakit?" tanong ko at napatingin narin sa amin si matt.
"lets go" sabi nito hindi ko maalam kong ano bang nasaisip nito, ang hirap nyang basahin, seryoso ang mukha nya.
"naglalaro pa kami--"
"hindi kaba napapagod? kakalaro mo lang ng basketball tapos ngayun nakikipaglaro ka nanaman" medyo inis nyang sabi, umiling naman ako.
"hey dude, tama naman sya naglalaro pa kami, diba?" sabi ni matt at kinindatan pa ako.
"I don't care, tara na" sabi nya at napakamot "akin nayan" sabi nya at kinuha sa akin ang raketa, inis nyang inabot yun kay matt "tara" sabi nya.
tumango nalang ako, ngumiti ako kay matt "sorry" i mouthed.
"ang bagal" rinig kong reklamo ni damian kaya hinigit na nya ako paalis.
"hindi naman ako nakakaladkad, oo, hindi rin masakit" sarcastic kong sabi peri mukhang hindi nya ako naririnig dahil dirediretcho lang sya.
hindi na ako kumibo at nagpahigit nalang sa kanya, ramdam ko kasi galit nya dahil paminsan minsan ay nadidiinan nya ang kamay ko, pero binabawi nya rin.
G-OGS7
-----------
please vote!
YOU ARE READING
GANGSTER! | only girl series#7
Randomkagaya ko ay mahilig rin ako magbasa ng libro, librong nakakakilig oh hindi naman kaya ay nakakatakot, ganyan rin si kiesha, sya ang unang naka pasok na babae sa section na ito, sa section na punto ng varsity basketball player pero basabulero?