Kabanata 1

24 2 0
                                    

Savior




Para sakin isa itong araw na 'to sa pinakasinumpa sa sanlibutan. Sobrang nakakastress lalo pa nung naka encounter ko yung the greatest terror person daw dito sa university, walang iba kundi si Professor Zevana Louis Mercado.



Kilala siya sa sobrang strict at pagiging terror hindi lang sa klase kundi sa buong university. Ang daming nangyare sa araw ko dagdag mo pa yung sermon niya sakin kanina sa loob ng detention hall.



Halos umalingawngaw na nga ang buong room dahil sa inis niyang sigaw sakin at puro sambit ng masasakit na salita kesyo bakit daw ako ang naging president e wala naman daw akong galang.



Wow! Para sabihin ko sa kanya, how can someone respect her kung siya mismo ay hindi marunong irespeto ang student niya.



Naalala kopa yung huli niyang sinabi before she leave the room.



"You'll pay for this Ms. Imperial." Huli niyang sabi bago padabog na isarado ang pinto at iwan akong mag-isa ron sa loob.



Dba? dyan palang sa pagdabog dabog niyang yan pano siya rerespetuhin? gosh! hindi ko alam bakit at pano siya naging professor without even knowing na bawal magsungit sungit sa student.



"Ms. President!" Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay siya namang pagsigaw ng kung sino. Inilihis ko ang katawan ko para makita ko kung sino ito pero parang mali yata yung ginawa ko.



"Uy Sanya teka sandali!" Humahabol pa nitong tawag ng humarap akong muli sa dinadaanan ko at naglakad muli.



Bwiset na bwiset na nga ako tapos eto dadagdag pa tong isang kupal na hindi ko alam kung bakit ba binuhay ng mga magulang niya dahil wala namang dulot sa mundo kundi ang inisin at tanungin ako ng tanungin.



"Huy sabi ko sanda—"



Hindi lang ako, pati siya ay napahinto sa pagsasalita at parang tangang nakatulala sakin. Hindi ko alam kung nasan ako pero dahil sa katangahan ko at hindi pagtingin sa dinadaanan ay may nabunggo ako sa pagliko ko sa may hallway.



Hindi ko malaman kung pader o sahig ba yung nabagsakan ko o sadyang ulap lang sa sobrang lambot dahil imbis na sa sahig ang bangga ng mukha ko e hindi kundi sa taong nakabungguan ko.



"Hala gagi"



"gosh; si press lagot na naman!"



"Picturan niyo dal—"



Handa na sana akong umapela sa mga batikos na nagmumula sa mga tao sa paligid pero naputol agad ang sasabihin nito maski ako ng may magsalita na sa ilalim ko.



"Don't you dare."



Yun, yun yung sinabi niya kaya naman lahat sila ay nagsinghapan at hindi pa natatapos yan dahil kanya kanya silang atras at karipas ng takbo papalayo.



Anong meron?



Bakit parang kinakabahan din ako? Tapos yung amoy parang may kaamoy din siya? Teka nasan bako? Wait—



"What are you waiting for?"



Napaangat ako at kusang umikot yung ulo ko sa may gilid para lang tignan kung sino yung taong kanina pa kasing init ang ulo dahil sa pagsasalita.



Na sana hindi ko nalang ginawa.



Paano? Si Ms. Mercado lang naman yung taong nasa ibaba ko habang ako ay ang nasa ibabaw niya. Kaya naman pala ganon nalang yung takot ng mga estudyante sa pagsasalita at paninita niya dahil siya pala itong kinatatakuran raw kuno ng lahat.



Secret Recipe [ Ongoing ]Where stories live. Discover now