PROLOGUE
~~Alarm rings~~
"omg! i forgot to turn off this alarm kagabi! long weekend beh! walang pasok ang prinsesa ngayon!" pagrereklamo mag-isa ni Zyl habang hinahanap ang phone sa kama na naka pikit parin ang mga mata.
Zyllaine "Zyl" Louisse Ortega, 3rd year college in Sapphire University.
Nang mahanap na ni Zyl ang phone niya ay agad na nag open siya nang messenger. Ang daming message! or we better say na ang daming unread messages niya sa gc nila.
"ow, what the hell is going on here?" sabi niya tsaka binuksan ang gc
~ON CHAT~
@Aine: @everyone wake upppp!
@Shan: ang aga-aga namumulabog ng baklang toh
@Gab: ano na namang kalokohan nahagilap mo aine?
@Aine: grabi naman kayo, kalokohan agad?
@Razi: so, ano nga?
@Aine: let's have a vacation! dun tayo sa j&d resortttt
@Lei: bagong bukas yung resort na yun diba? maganda nga dun
@Aine: see? agreed na si Lei! sino pa?
@Razi: agree ako
@Anne: ako rin, sasama ako
@Gab: me too!
@Shan: gorabellssss si me!
@Aine: Asan si Zyl?
@Anne: @Zyllaine gising na beh, tanghali na
@Zyl: it's only 7am in the morning Anne, don't be such an exaggerated person
@Razi: ayown! nabuhay na AHAAHAHHA
@Lei: mag babakasyon daw dun sa J&D resort, yung bagong bukas
@Zyl: Ow, ngayon na?
@Aine: yesyes! be prepared na guys
@Anne: okidoki!
@Shan: okeyy
~END~At nag prepare na nga sila for their vacation sa J&D resort, 9am ang alis nila kaya kailangan na nilang magmadali.
Matagal na silang magkakaibigan since second year highschool, and till now 3rd year college na sila. Sa kanilang pito ay si Aine Fionnah Diaz ang pinaka makulit, si Shan Kierra Fuentes ang pinaka mapagmahal, si Anne Dianne Perez naman ang pinaka mabait, si Lei Dane Evasco naman ang pinaka maldita, si Gab Dionne George naman ang pinaka mahinhin, si Razi Michelle Maximo naman ang pinaka masayahin, at si Zyllaine Louisse Guarin naman ang pinaka strict. Palagi naman silang nagkaka intindihan sa mga bagay, pero di talaga maiiwasan ang pagaaway. But according to Aristotle "True friendship can afford true knowledge."