Chapter 5

72 1 0
                                    

Umuwi akong pagod dahil sa nangyare kanina wala din akong ganang kumain gusto ko na lamang ay matulog.

"nyare, ate? napatingin ako sa kapatid kong kakalabas lang ng bahay.

nandito kasi ako ngayon sa labas nagpapahangin si inay naman ay tulog na din.

"bakit gising kapa ha?" umupo ito sa aking tabi.

"dumaan kasi ako ate sa iyong kwarto, eh wala ka dun"

"okay lang ako matulog ka na" matapos ko sabihin yun ay napabuntong hininga ako.

"lalim ate ha" natatawa kong ginulo  ang buhok nito.

"cha?"

"bakit po?"

kumuha mo na ako ng lakas ng loob bago sabihin..

"pano mo malalaman kung gusto mo ang isang tao?"

"ate?" nagtataka ito, nabigla ko siguro.

napatawa ako "wala, kalimutan mo na" kay cha pa talaga ako nagtanong? sa 13 years old? eh 20 ka na talia hindi mo pa din ba alam?

eh sa hindi ko pa naranasan eh, busy kaya akong magtrabaho tapos noong nag-aaral ako wala naman akong may nagugustohan.

"siguro po kung nasasaktan ka po sa kanyang ginagawa at salita?" patanong na sagot nito parang hindi rin sigurado.

may naalala tuloy ako ilang beses na ako masaktan dahil sa salita ni ms. montenegro. psh sadyang hindi lang siguro ako sanay pagsalitaan ng ganun.

napatingin ako dito kita-kita ko sa ang kinang sa kanyang mata mula sa butuin, unang tingin mo pa lamang sa kanya ay magkakamalan talaga kaming magkapatid.

ang amin mga mata ay namana namin kay itay, chinito kasi ang tatay namin bukod dun ay puro kay nanay na yung ilong at labi.

natagalan pa kami sa labas pinakwento ko kasi ito sa nangyayari sa kanyang buhay.

"pasok na tayo sa loob, cha" tumango ito.

Kinabukasan sobrang aga ko nagising madilim pa sa labas ng tignan ko yun,  hindi na makatulog pa kaya naman bumangon na ako at naligo.

sumuot lamang ako ng black vest at black din na pants, hindi ko na tinali ang aking buhok.

patapos na ako sa aking niluluto ng bumaba na si inay at binubuksan neto ang maliit na tindahan namin dito nagbebenta si inay ng napakasarap nyang pandesal.

"ang aga ata anak ha" ngumiti ako dito at tinuloy ang pagluluto.

"good morning, nay at ate" pahikab-hikab pa ito halatang kulang sa tulog.

nang sumapit ang 7:30 ay umalis na ako kasi baka traffic pa.

"wahh siswahh" napatingin ako sa sumigaw, si K iyon tumatakbo papunta sa akin.

grabeng takbo yan, tao pa ba ito o kabayo?

"siswah ngayon lang kita nakasalabong ng ganitong oras ha ano yan new you? hindi pa nag nnew year uy" nung dati talili, ngayon siswah? ano ba yan.

"ewan ko ba sa katawan koto K paiba-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng halikan ako ni K sa pisngi.

"K!! anong ginagawa mo" medyo pasigaw kong saad dahil sa gulat.

pigilan nyo ko, hindi ako nanapak pero baka ngayon matry ko.

"hehe alis na ako talili ha" tumakbo ulit ito.

anong trip nun sa buhay?

"get out of my way, ms. garcia" napalingon ako mula sa aking likod ng marinig ko ang boses na iyon.

"ms. montenegro" ang dilim ng titig nito.

parang mangangain lang ih? joke.

"are you deaf?"

napatingin ako sa paligid, eh? ang laki naman ng space pwede naman sya dumaan sa kilid ko.

"tsk" dahil dun ay tumabi na ako.

"sorry po ma'am"

nang malagpasan ako nito ay bigla na lang ito tumigil sa hindi ko malaman na dahilan, unti-unti rin ito lumingon sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

teka naman.

bumalik ulit ang titig nito sa aking mukha.

"why not you go to the comfort room and try to look your self in the mirror, ms garcia?"

"po? bakit?" bakit nga ba? may dumi ba sa mukha ko?

tumingin ako sa kanya nakasuot ito ng fitted black dress at coat na kulay brown nakabun din ang kanyang buhok.  ganda.

ngunit bumalik ako sa aking sarili ng inikotan ako nito ng mata at umalis na, ako naman ay pumuntang banyo upang tignan ang sarili.

"psh kainis ka talaga, K!!" may lipstick kasi natira natural galing ito sa bibig ni K, boang talaga yun.

Nang maalis ko ito ay tumungo na ako sa taas, umupo ako at humiga sa aking mesa.

"hays bakit kaya pagod na pagod ako eh wala naman akong ginagawa?"

"P.A ba talaga dito?

"maayos ko bang nagampanan ang aking trabaho?" napatawa ako bigla mukhang hindi kaya nga ang init ng ulo sa akin ni ms. montenegro.

"psh ang sakit ng katawan ko, pagod nga yata ako"

"ms. garcia"

"ay pagod" napatakip ako sa aking bibig ng masabi ko iyon.

"what?" tumingin ako dito at parang mag-iisa na ang kilay nito.

"m-ma'am, w-wala po nagulat lang ako"

"well, that's not my fault kanina pa kita tinatawag you look stupid na kinakausap mo ang iyong sarili"  kanina pa sya dyan? bakit hindi sya tumawag?

"sorry po" kahiya ka talaga talia.

"may ipapagawa po ba kayo?"

tinignan ko ito pero wala akong mabasa, naalala ko tuloy ang nangyare kahapon. psh!!

"do i have a meeting today?"

"uhm wala po, bukas-"

"come with me then" napaayos ako ng upo dahil sa sinabi nito as in yung tuwid na upo talaga.

"po?"

"I don't repeat words, ms. garcia" lumakad ito papuntang bintana tumitingin ito sa baba bago nagsalita ulit "later, after lunch you will come with me" tumingin ito sa akin "but now let's go to the cafeteria and buy me a hot choco at sandwich"

lumakad na ito papuntang elevator samantala ako ay napatulala sa kanyang mga sinabi.

eh?

ELLA GROSS AS THERESE CHARITY "CHA" GARCIA (TALIA'S LITTLE SISTER)

One Step Away From You [GL]Where stories live. Discover now