"Jake, you have to fight!"
Paulit-ulit ko ito sinasabi sa kanya mula pa kanina.
Nagkagulo ang hospital nung sumigaw ang parents ni Jake kasi di raw makahinga si Jake.
Ito na ba yun? Akala ko ba hahabaan mo pa, Lord?
"Jake, you have to fight. We will fight okay? Please!"
pagmamakaawa ko habang nirerevive sya.Wala na syang malay nung dumating kami. Sabi ni Tita Macel, sumasakit na raw ang dibdib nito kanina pero sabi nya wag daw mag alala kasi normal lang naman daw yun kaya akala nila wala lang but to their surprise bigla na lang nila itong nakita na nahihirapan huminga at tinatawag sila.
His heart is not as normal as we have. Gaya ng sinabi ko his illness has no cure. Habang tumatanda sya lumiliit ang puso nya.
Okay pa sya nung mga nakaraang araw. He is very jolly pero alam ko nahihirapan na sya pero lumalaban.
We always pray together. Nililigawan nya na ako kaso sabi nya even I will not accept him, liligawan nya parin ako. Di naman ako tumutol kasi masaya ako sa kanya.
We do some things that couples do. We watched movies, we also date pero dito lang sa kwarto nya. We are so happy together. And I thought, hahaba pa at makakasama ko pa sya nang matagal but I think the time has come.
Alam ko lumalaban sya, gusto nyang lumaban. Alam ko di madali ang byahe ng buhay niya pero Jake is a very strong person.
This is my first time reviving a patient while crying. I want him to be alive.
Ayokong mawala sya.
I love him. I do love him.
Please...
"T-time of d-death, 2:00 am."
sunod-sunod ang buhos ng mga luha ko."J-Jake.." napaluhod ako.
Am I a useless cardiologist? Wala ba akong kwentang doctor at kahit ang mahal ko sa buhay di ko mailigtas? I know na konti na lang talaga mawawala na sya. Based on what we have tests, sobrang liit na lang ng puso nya pero why does it feel so unexpected? It pains me knowing that he is now gone.
"I l-love you so m-much, J-Jake."
YOU ARE READING
Lalaine x Jake
RandomThis story is about a patient falling inlove with his Doctor I hope you like it, pretties!✨