Chapter 8

72 2 0
                                    

Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay naghanda na ako para mamaya.

"anak kain na muna"

"opo inay sandali lang po" inaayos ko pa kasi ang aking buhok.

nang matapos ako sa aking buhok ay kinuha ko ang damit na bigay ni claire nagulat pa ako ng makita ito, heto kasi yung tinanong nya sa akin kahapon.

nang masigurado ko na okay na ako sa aking itsura ay bumaba na ako.

"napakaganda naman ng aking anak manang-mana sa akin"

"ate ang ganda po ng suot nyo bagay na bagay"

nahiya tuloy ako.

"salamat"

(nasa taas ang picture)

malapit ng mag alas otso ngunit wala pa rin claire ang dumadating.

"anak aakyat na ako't magpapahinga, mag-iingat ka mamaya"

"opo inay" umakyat na ito at naiwan na lamang ako sa sala.

maya-maya pa ay nakarinig ako ng sasakyan sa labas kaya dali-dali kong kinuha ang aking bag at lumabas.

"claire- ms. roxanne?" nagulat ako ng hindi si claire ang lumabas galing sa kotse kundi si ms. roxanne.

kailan pa sya nakabalik?

"pasensya na ms. garcia natagalan medyo naligaw kasi ako" tumango ako.

"uhm si ms. montenegro po?"

"she need there, kaya ako na ang pumunta dito"

"ganun po ba"

"let's go?"

sinarado ko na muna ang pinto sa bahay bago kami umalis.

"kamusta ka ms. garcia?"

"ayos lang naman po"

"kamusta ka kasama si railey?"

"po?"

"i mean kamusta ang iyong trabaho? hindi ka ba pinapahirapan ni railey?"

inalala ko ang lahat ng nangyari, hindi naman talaga kung sa trabaho, palagi lang itong galit sa akin.

"hindi naman po"

"that's good to hear then, sinunod nya talaga yung sinabi ko sa kanya"

nakakabinging katahimikan ang kasunod nito kaya hindi na ako mapakali at nagtanong na ng bumagabag sa aking isip.

"uhm ms. roxanne"

"bakit?"

"u-uhm kaano-ano nyo si ms. montenegro? ayon nasabi din.

chismosa ka taila!!

narinig kong tumawa ito "curious?" parang nahiya na tuloy ako iiwas na sana ako ng tingin ng magsalita ito ulit "we're cousin in our mother side" tapatango ako.

"eh bakit po kayo naging P.A ni ms. montenegro?"

kitang-kita ko ang gulat nito sa aking natanong.

"I'm afraid i can't answer that"

"a-ah sorry po"

hindi na ako nagsalita pa buong byahe ganun din si ms. roxanne.
maya-maya pa ay nakita ko si claire sa labas ng gate parang hindi mapakali at nung huminto ang kotse mukhang nakilala nya ito kaya lumapit ito sa aming pwesto.

One Step Away From You [GL]Where stories live. Discover now