In exchange for eternal love, I can throw everything away… — Tapestry, Snowman
xxxxxx
[Brent]
Huminga ako ng malalim as soon as I sat on the edge of the bed. Kararating ko lang galing sa Oceanside at nag-enroll kasama sina Mayu at Relaina. Well, kami lang pala ni Relaina dahil nagkaroon na ng sariling mundo sina Mayu at Neilson pagkakita nila sa isa’t-isa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na inabisuhan ako ni Relaina sa plano nitong pagpapalit ng kurso. Kung tutuusin, hindi naman na nito kailangang gawin iyon. But she still mentioned it to me. Kung alam lang nito kung gaano kaimportante sa akin iyon. She never excluded me and kept it a secret from me.
Hindi na ako nagdalawang-isip na baguhin ang ilan sa mga schedule ko para kahit papaano ay makasama ko pa rin si Relaina sa ibang oras. Lalo na sa mga minor subjects at vacant periods. Of course, it made me happy na kahit papaano ay umaayon sa akin ang tadhana.
But I had another motive kung bakit ko naisipang gawin iyon. I had to make sure that Relaina would be okay. And most of all, out of danger.
It didn’t surprise me when I learned that my past was trying to catch up to me. Kumbaga, inaasahan ko na iyon. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang posibleng maging involvement ni Relaina. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganoong posibilidad.
Until someone gave me an unexpected call two days ago…
xxxxxx
Abala ako sa binabasa ko noong araw na iyon nang biglang mag-ring ang Call Alert ng cellphone ko. It was 10 in the evening. Kaya naman ganoon na lang ang pagtataka ko nang marinig ko iyon. When I looked at the screen, I frowned at the sight of the unknown number.
“Sino naman kaya ito?” naitanong ko na lang sa sarili ko.
Pero sa huli ay sinagot ko pa rin ang tawag na iyon.
“Hello?”
“Mabuti naman at gising ka pa, Brent Montreal.”
Lumalim naman ang pagkakakunot ng noo ko sa narinig ko. But I couldn’t sense anything foreboding about that statement.
“Sino ‘to?”
“Oliver Santiago. Sa palagay ko, nabanggit na ako nina Relaina at Mayu sa ‘yo at one point.”
Okay… This was unexpected. Paano nalaman ng taong ito ang contact number ko? Posible kayang hiningi nito iyon kay Relaina o kay Mayu?
“Ano’ng kailangan mo?” diretsahang tanong ko rito. Ayoko nang magpaliguy-ligoy dahil baka kung ano na naman ang pumasok sa isipan ko.
“Something I’m asking you to do for Relaina’s sake.”
Doon na tuluyang nakuha ang atensyon ko. Ang antok ko kanina lang ay nararamdaman ko ay naglahong parang bula. “Teka, ano’ng ibig mong sabihin?”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito nang malalim, indikasyon na parang inihahanda nito ang sarili sa anumang gusto kong sabihin sa akin.
“Kilala mo si Rachel Sandoval, ‘di ba?”
Hindi ko napigilang pangunutan ng noo nang marinig ko ang pangalang iyon. Of course, I knew that name. Isa iyon sa mga pangalang ginusto kong burahin sa balat ng lupa noong mga panahong balot pa sa matinding galit ang puso ko.
Pero bakit itinatanong sa akin iyon ni Oliver?
“You have to be careful. May nakarating na balita sa akin at kay Vivian na nandiyan siya sa Altiera. Hindi ako magtataka kung ikaw lang ang magiging target niya. Pero… naroon pa rin ang posibilidad na pati si Relaina ay madamay sa anumang kalokohang maisip ng babaeng iyon,” paliwanag ni Oliver.
Siyempre pa, bigla akong kinabahan sa narinig ko. Bakit kailangan pang idamay si Relaina? Nito lang naman kami naging malapit ng babaeng iyon. Or was that supposed to be the only reason?
“T-teka… Hindi kita maintindihan. Ano’ng kinalaman ni Relaina sa plano ng sira-ulong iyon? Hindi pa ba sapat na ginatungan na niya ang krimeng ginawa ng kapatid niya nang patayin ng Carol na iyon ang kaibigan ko? Ano pa ba ang gusto niyang mangyari?”
Damn it! Why was I complaining as Relaina’s ex-boyfriend was listening on the other line? Pero siguro naman ay maiintindihan nito ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Not to mention, Relaina was once important to him. And as much as I hated that thought, isa iyon sa mga katotohanang kailangan kong tanggapin.
“Walang koneksyon ni Relaina sa kaso ng pagkamatay ni Vanz Esguerra at pareho nating alam iyan. Pero konektado siya sa taong minsang nanakit ng damdamin ni Rachel Sandoval. At kay Relaina niya gustong ibaling ang galit niya sa taong iyon.”
Ha? Ano’ng pinagsasasabi ng taong ito? “Sino ang taong sinasabi mo?” Tutal, marami naman nang binanggit sa akin ang lalaking ito, mabuti nang samantalahin ko na.
“Si Evon Joseph Ranilla, ang nakatatandang kapatid ni Relaina.”
Okay. That was a revelation. Hindi ko yata alam na may kapatid si Relaina. Then again, wala namang binabanggit sa akin si Relaina at wala rin akong nakikitang bakas tungkol sa bagay na iyon.
“Huwag kang magtaka na wala kang alam tungkol doon. Nalaman ko lang ang tungkol sa half-brother ni Relaina nang umalis na ang mga Avellana sa Aurora,” pagpapatuloy ni Oliver na pumutol sa pag-iisip ko. “Isa pa, wala rito sa Pilipinas ang kuya niya. Matagal nang naglalagi iyon sa Amerika kasama ang nanay nito.”
Well, that made sense. Pero hindi pa rin sapat iyon para kumalma ang tibok ng puso ko. And I knew that it wasn’t meant for me. Para iyon kay Relaina.
“Wala na akong ibang puwedeng pakiusapan tungkol sa bagay na ‘to kaya ikaw na ang tinawagan ko. Nakarating na rin sa akin ang balita na kayo ang malapit ni Relaina mula noong huling beses kaming mag-usap. I hope you don’t mind.”
Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa sinabing iyon ni Oliver. Pero ramdam ko ang pag-aalala nito kay Relaina. Kahit na may reservations pa rin ako sa taong ito dahil sa nakaraan nito kay Relaina, handa akong isantabi iyon kung para rin sa kaligtasan ng babaeng mahalaga sa akin sa mga sandaling iyon.
“Walang kaso sa akin iyon,” sagot ko kapagkuwan. “Mabuti nga’t inabisuhan mo ako tungkol sa bagay na iyon. Pero… may binabanggit ka na ba kay Relaina tungkol dito?”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Ilang sandali rin ang inabot bagot ito sumagot. “Pinag-iisipan ko pa rin hanggang ngayon kung sasabihin ko nga ba kay Relaina o hindi. Though I know it would help, nag-aalangan pa rin ako. I know she could be reckless at times, lalo na kung may masasaktang ibang tao na mahalaga sa kanya. At iyon ang ikinakatakot ko. May mga taong handang samantalahin iyon just to let her guard down.”
Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga dahil alam kong tama ito. But there had to be something I could do to stop that. Or at least, protect Relaina from whatever danger was looming around.
“Brent…”
Ang pagtawag na iyon sa pangalan ko ang nagbigay sa akin ng ideya kung ano ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...