I don’t want to think that I’m going to lose you after this. I don’t want to feel the pain that’s going to surge through once it truly happens… — Florence Joyce
xxxxxx
[Brent]
Huminga na lang ako nang malalim pagkatapos kong alalahanin ang naging pag-uusap namin ni Oliver Santiago dalawang gabi bago ang unang araw ng enrollment week. Kinausap ko naman si Mayu kinabukasan n’on para kumpirmahin kung anong araw mag-e-enroll si Relaina. Pagkatapos niyon ay nag-umpisa na akong mag-isip ng maaari kong gawin para hindi malayo sa tabi ko ang babaeng iyon.
Yes, I knew I was acting desperately. Pero alam ko ang panganib na kaakibat ng Rachel Sandoval na iyon. Kaya ganoon na lang ang naging suhestiyon ko kay Relaina nang sabihin nito sa akin na magpapalit ito ng kurso.
Oo, malungkot ako na hindi na kami papasok sa iisang department. Pero mas mahalaga pa rin sa akin na irespeto ang anumang magiging desisyon nito. Kulang na lang ay palakpakan ko ang sarili ko nang magawa kong makaisip ng puwedeng alternative para makasama ko pa rin si Relaina sa loob ng university. Mabuti na lang talaga at pumayag ito sa gusto kong mangyari.
“But it doesn’t mean that she’s out of danger…” naibulong ko at marahas na napasuklay ako ng buhok ko gamit ang kamay ko.
The next day after I heard the news from Oliver, may kinausap ako na isa sa mga agents ni Papa na puwedeng tumulong sa akin na kumpirmahin kung nandito nga sa Altiera ang Rachel Sandoval na iyon. Mabuti na lang at pumayag ito, as long as wala akong gagawing anumang may bahid ng kabrutalan pagkatapos kong malaman ang kailangan ko. Sinabi ko rito na hindi ako maaaring magpakita ng kabrutalan sa harap ni Relaina at wala akong planong makita ang disappointment sa mga mata ng babaeng iyon.
Back to the topic, hinihintay ko na lang ang report na iyon. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap iyon. Pero ang magagawa ko na lang sa ngayon ay ang maghintay. At ang mas mahalaga, ang mabantayan si Relaina. Whatever danger was lurking around, I had to do my utmost best to keep her safe.
“Tulog na kaya siya?” tanong ko sa sarili ko nang maalala ko ang babaeng iyon.
Nang tingnan ko ang oras sa digital clock na nasa bedside table, nakita kong pasado alas-nuwebe na. Mukhang pinalipas ko na naman ang oras sa pag-iisip lang ng nangyari noong gabing tumawag sa akin si Oliver. Pero baka puwede ko pang tawagan si Relaina at kumustahin ito. Baka sakaling makatulong iyon para magawa kong pakalmahin ang matinding kaba sa dibdib ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na pinindot ang contact number ni Relaina nang makita ko iyon sa call logs ko. Torture din sa akin na maghintay kung sasagutin ba nito ang tawag kong iyon o hindi.
That is, until I heard a click on the other line.
“Hello? Laine? Gising ka pa?”
I heard her chuckle. “Obvious naman, ‘no? Sinagot ko nga ang tawag mo, eh.”
Natawa na rin ako sa naging sagot nito. Mukhang hindi ko naman ito naistorbo. “Sorry for disturbing you. Gusto ko lang talagang tawagan ka.”
“Kasama mo lang ako kanina, ah. Na-miss mo na ako kaagad? Paano na lang kapag bigla akong nawala sa ‘yo, ha?”
Agad na nawala ang ngiti ko sa tanong na iyon ni Relaina. Hindi ko na naman napigilan ang pagsugod ng kung anu-anong scenario sa utak ko ng mga sandaling iyon. Gruesome scenarios that once appeared in my nightmares, at maging ang mga naisip ko noong ibinalita sa akin ni Oliver ang tungkol kay Rachel Sandoval.
Damn it! Bakit ganito kalakas ang tibok ng puso ko ng mga sandaling iyon? The reason I called Relaina was for me to stop this heart from beating too fast for thinking negatively about the possible dangers for Relaina’s life.
No! None of that was going to happen. Iyon lang ang kailangan kong siguraduhin.
“Brent? Natahimik ka na riyan. Tinulugan mo na yata ako, eh.”
Relaina, seriously… I couldn’t thank you enough for distracting me from going down that nightmare lane. “Nandito pa ako. But please don’t ever say that you’re going to disappear, lalo na kapag tayong dalawa ang nag-uusap.”
Wala akong narinig na sagot kay Relaina pagkatapos kong sabihin iyon. Pero sana maintindihan nito ang dahilan kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. The fear I had from that nightmare still lingered. At hindi ko alam kung mawawala pa nga ba iyon hanggang alam kong nakapalibot lang sa akin — at pati na rin kay Relaina — ang panganib.
Sa pagtataka ko, narinig kong tumawa si Relaina. Napakunot-noo ako. That chuckle wasn’t something I’d consider condescending or done out of amusement. To add more to my confusion, it was laced with… sadness? Or was it bitterness?
Teka! Bakit naman iyon ang naisip ko?
“Brent, sabihin ko man o hindi, alam mo na may posibilidad na mangyari iyon. Ganoon naman ang buhay, ‘di ba? There would come a time na posibleng mawala ako sa buhay mo.”
Mariin akong napapikit habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi ni Relaina sa kabilang linya. Oo, alam kong tama ito. Pero ayokong tanggapin iyon. Hindi ko alam kung kaya ko.
Pambihira naman, o! Kailan pa nangyaring naging ganito kasakit kahit sa isip ko lang ang posibilidad na mawawala nga ang babaeng ito sa buhay ko?
“Brent… nandiyan ka pa ba?”
I heard her, but I didn’t say anything for now. Huminga muna ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Ayokong may masabi ako kay Relaina na posibleng ma-misinterpret nito.
“Huwag kang mag-alala. Nandito pa ako. At ito ang ipinapangako ko sa ‘yo, Ms. Relaina Elysse Avellana.”
“At kailangan mo pa talagang kumpletuhin ang pangalan ko, ‘no?”
Tinawanan ko lang ito habang inihahanda ko ang sarili ko sa susunod kong sasabihin dito — ang pangako ko.
“Sisiguraduhin ko na hindi ka mawawala sa buhay ko kahit na ano’ng mangyari. Masyado ka nang importante sa akin,” seryosong pagpapatuloy ko.
Inasahan ko nang hindi makakasagot si Relaina dahil sa deklarasyon ko. Pero walang kaso iyon sa akin. Ang mahalaga ay narinig nito ang gusto kong ipaalam dito.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga nito makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan namin. And here goes my heart again for thumping in my chest like crazy because of that. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa epekto sa akin ni Relaina dahil lang sa simpleng pagbuntong-hininga nito. But there was one thing I was sure of — I didn’t hate it.
I didn’t think I could ever do so.
“Honestly speaking, Brent…” umpisa nito. “Dapat ba akong matuwa sa sinasabi mo sa akin ngayon?”
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nitong iyon. I knew what I said was overwhelming in more ways than one. Pero ayokong magsinungaling dito. Wala akong makitang dahilan para gawin iyon, lalo na sa babaeng ito.
“Hindi ko alam. Pero sana tandaan mo na hindi ako nagsisinungaling at lalong hindi ako nagbibiro nang sabihin ko iyon sa ‘yo. Losing you would definitely give me unbearable pain. Iyon lang ang nakatitiyak ako.”
“Pero bakit? Sino ba ako para sa ‘yo?”
It was a desperate question. Pero sa tingin ko, kailangan ko pa ng ilang panahon bago ko masagot ang tanong nitong iyon sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon para kay Relaina.
Then again, I didn’t want to rush things between us kung tama nga ang unang hinala ni Neilson sa akin na may gusto ako kay Relaina.
I took a deep breath before speaking. “Someone extremely important to me. Kaya sana… lagi kang mag-iingat para hindi ako nag-aalala para sa ‘yo.”
BINABASA MO ANG
I'll Hold On To You
Romance【Written In Filipino】 A love story that started with the innocent falling of a gloxinia flower...