Hit On The Spot

2 1 0
                                    

I want to protect you one more time, before tears run down your face… — Crystal Snow, BTS

xxxxxx

[Relaina]

May isang linggo na ang nakalipas mula nang magpalit ako ng kurso at pati na rin ang weird na tawag na iyon ni Brent sa akin kinagabihan. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi ko pa rin nalilimutan ang pakiusap nito sa akin. Na huwag kong babanggitin ang salitang “mawawala” o “nawala” kapag kaming dalawa ang magkasama o nag-uusap.

Alam ko na ang bangungot pa rin nito tungkol sa akin ang dahilan kung bakit nito nasabi iyon. The fear that was in his voice that night… I could still hear it. At hindi na ako nabigla kapag tumitibok nang mabilis ang puso ko dahil lang doon. Iba ang hatid ng takot na nasa tinig nito sa puso ko.

And I wasn’t liking any of it at all.

Gusto kong matakot, sa totoo lang. Kahit sabihin pang panaginip lang iyon, malaki pa rin ang posibilidad na mangyari nga ang kinatatakutan nito. Hindi malabong mangyari iyon, lalo na kung iisipin ko ang mga binanggit sa akin noon ni Oliver. Gusto ko pa ring maging positibo kahit papaano.

Pero hanggang kailangan ko kayang panindigan iyon?

Wala akong naging balita kay Brent pagkatapos ng pag-uusap namin sa cellphone ng gabing iyon. Kahit alam ko namang posibleng busy ito, hindi ko maitatangging medyo malungkot ako. Mukhang nakasanayan ko na yata ang pangungulit nito, kaya sa mga sandaling iyon ay hinahanap ko naman ang kakulitan ng lalaking iyon.

Ang weird, ‘di ba?

“Wala na naman sa sarili ang magandang dalaga.”

Napaangat ako ng tingin pagkarinig ko sa mga salitang iyon. Hindi ko napigilang mapangiwi nang ma-realize ko na nasa coffee shop nga pala ako ng mga sandaling iyon at bumibili ng kapeng maiinom.

“Sorry, Kuya Ted. May iniisip lang,” nasabi ko na lang at saka ko na binayaran ang in-order kong kape. To be specific, hazelnut coffee.

“Ang layo ng takbo ng utak natin, ah. Love life ba?”

Hanggang ngiti lang ang naging tugon ko dahil ayokong sagutin ang tanong nitong iyon. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa. Nagpasalamat ako rito at saka umalis doon. Baka sa bahay ko na maisipang inumin ang binili kong hazelnut coffee dahil mukhang wala akong mapapala sa paglalakad ko ng mga sandaling iyon.

May ilang minuto na rin siguro akong naglalakad sa sidewalk pagkalabas ko sa coffee shop. Pero hindi nawawala ang pakiramdam ko na parang may nakatingin yata sa akin. Napatigil ako sa paglalakad para iikot ang tingin ko sa paligid ko. Pero wala naman akong nakitang kakaiba maliban sa mga sasakyang alam kong kanina pa nakaparada malapit sa coffee shop at kainan doon.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang napansin ko at nagpatuloy sa paglalakad nang sa gayon ay makauwi na ako dahil sandali lang ang ipinaalam ko sa mga magulang ko. Ayokong mag-alala naman ang mga ito kapag nawala ako nang matagal.

Pero hindi pa ako nakakalakad nang malayo paalis sa kinatatayuan ko ay nakarinig ako ng pag-andar ng kotse. This time, I heard tires screeching that made me turn to the sound of it. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong papasalubong sa akin — na naglalakad lang sa sidewalk — ang mabilis na pinapatakbong kotse na iyon.

Huli na para umiwas. Hindi ko na naikilos ang katawan ko para umalis doon. Naramdaman ko na lang ang pagbangga ng katawan ko roon at ang malakas na pagkakauntog ng ulo ko sa kalsada as soon as I felt my body rolled from the car and landed there.

I was still conscious after that. Pero alam kong ilang sandali lang ang itatagal niyon. Umatras kaagad ang kotse at pinaharurot ng driver iyon paalis sa lugar na iyon. My breathing started to become labored as my eyelids slowly drooped.

Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, iisang bagay lang ang nasa utak ko ng mga sandaling iyon.

“Brent…” nagawa kong sabihin kahit pabulong. Kahit malabo ay nakita kong may ilang tao rin ang lumapit sa kinahihigaan ko pero wala na akong magawa kundi ang tingnan lang sila sa kabila ng nanlalabo ko nang paningin.

After that, darkness filled my consciousness.

xxxxxx

[Brent]

Ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ko. O mas tamang sabihing ilang araw na akong hindi mapakali. Kaya hindi nakakapagtakang ilang araw na rin akong nagbubuhos ng frustration ko sa punching bag na naroon sa kuwarto ko. Nasa isang sulok lang iyon at hindi ko talaga masyadong ginagamit, maliban na lang kung gusto kong maglabas ng inis o galit. Mas madalas sa hindi, nakatago lang iyon sa sarili nitong closet.

Given the situation at the moment, wala na talaga akong ibang pagpipilian kundi ang ilabas ang inis ko sa ganitong paraan. Mas mabuti na ito kaysa naman ibaling ko sa ibang tao ang inis at galit na nararamdaman ko. Pero kahit gawin ko ito, naroon pa rin ang hindi maipaliwanag na takot na nararamdaman ko at patuloy akong kinakain mula sa loob. Honestly, it was frustrating. Pero wala akong ibang mapagbalingan.

Kaya sa ganitong paraan ko na lang iyon magagawa.

If someone would ask kung bakit ganito ang pinagkakaabalahan ko ng mga sandaling iyon, maybe I won’t answer them. Pero alam ng mga kapatid ko. Lalo na ng bunsong kapatid ko na si Carl.

That woman — the one that Oliver warned me about — was indeed in Altiera. Nalaman ko iyon sa report na ibinigay sa akin ng agent na pinakiusapan kong mag-imbestiga tungkol sa Rachel Sandoval na iyon. Bagaman hindi ito nagpapakita sa madla, nakatitiyak ako na may hindi ito magandang pinaplano.

At least, that was what my instinct told me. Not once had my instinct failed me.

Ang problema ko lang sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung ako, para kanino, at kung saan magaganap ang kung ano mang pinaplano nito. It was a crazy dilemma, but it was also something  I intended to solve nonetheless. Kung para kay Relaina at sa kaligtasan nito, gagawin ko ang lahat para malayo ito sa kapahamakan.

Hindi ko na mabilang kung nakailang suntok na ako sa punching bag nang biglang tumunog ang Call Alert ng cellphone ko. Ipinagtaka ko iyon dahil wala naman akong inaasahang tawag ng araw na iyon. Maliban na lang kung —

Lumalim ang pagkakakunot ng noo ko nang makita kong si Carl ang tumatawag sa akin. Honestly, it was a rare thing for my youngest brother to do. Tatawag lang talaga ito sa akin kung may emergency dahil madalas na nagte-text o chat lang ito. Kaya ano ang emergency na itinatawag nito sa akin ng mga sandaling iyon?

For some reason, bigla akong nakaramdam ng kaba at hindi ko alam kung para saan iyon. Pero alam kong kailangan kong sagutin ang tawag nito. Huminga muna ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag na iyon.

“O, Andz. Himala yata’t napatawag ka. May problema ba?” umpisa ko. Hindi ko na lang pinansin ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ko pa rin maisip kung para saan.

“Kuya, pumunta ka rito sa ospital. Kadadala lang rito kay Ate Relaina pagkatapos siyang sagasaan kahit nasa sidewalk na siya.”

Pakiramdam ko, tumigil ang lahat sa paligid ko pagkarinig ko sa sinabing iyon ng kapatid ko. At the same time, warning bells kept on ringing in my mind upon recalling Oliver’s warning.

Ito na kaya iyon?

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon