Mother And Son

1 1 0
                                    

I don't know what my life will be like if I don't have you… — I Now Just Realized My Own Heart, Tono and The Dust

xxxxxx

[Brent]

Mahigit isang araw na ang nakalipas mula nang ideklara ni Mama na maayos na ang resulta ng operasyon ni Relaina at wala nang panganib sa buhay nito. Ganoon katagal na rin kaming naghihintay na magising si Relaina at makumusta ito.

Kami ni Mayu ang nagboluntaryong magbantay kay Relaina nang tumawag ang mga magulang nito at nalaman ang tungkol sa nangyaring insidente. Na-stranded kasi ang mga ito sa pier kaya hindi pa makauwi kaagad dahil na rin sa banta ng bagyo. Sinabi naman ni Mayu sa mga ito na wala silang dapat na ipag-alala dahil marami kaming nakabantay kay Relaina.

But all those times na hinihintay naming magising si Relaina, hindi mawala-wala ang kaba sa puso ko. Yes, I knew she was safe. She was out of danger. Pero mukhang hindi ko yata magagawang kumalma hanggang hindi nagigising si Relaina.

At ngayong ako ang nagboluntaryong magbantay kay Relaina at hinayaan ko munang umuwi si Mayu, hindi pa rin ako mapakali. Nakatingin lang ako sa walang malay na si Relaina at pinapanood ang paghinga nito. Ang pagtaas-baba ng dibdib nito habang natutulog ito. They were indications that Relaina was still alive, that she was still with us.

Pero aminin ko man o hindi, sa iba patungo ang isip ko.

I couldn’t help wondering what it was like to watch her sleeping like this if we were… a couple. Hindi ko na napigilang matawa nang mapakla sa naisip ko ng mga sandaling iyon. Mukha nga yatang desidido na akong gawin ang lahat para lang mangyari ang pantasyang iyon, ah. Me and Relaina as a couple…

It wasn’t a bad thing, right? Alam ko, ayaw pa rin nitong pumasok sa isang relasyon pagkatapos ng nangyari rito at kay Oliver. But I really wanted to make it happen. Sa totoo lang, ayoko nang kuwestiyunin ang sarili ko kung kailan ba ako nag-umpisang mag-isip ng ganito pagdating sa nararamdaman ko kay Relaina. Hindi ko rin naman masasagot nang matino.

At this point, looking at her still unconscious figure at the moment, I wanted to be sure of something. Ayoko nang lokohin pa ang sarili ko pagdating sa anumang may kinalaman sa babaeng nasa harap ko ng mga sandaling iyon. The other thing I needed to do was to be truthful to the people around me who were most likely aware of the closeness between me and Relaina.

“Brent.”

Nakuha ng tinig na iyon ang atensyon ko. Agad akong napatingin sa pinagmulan n’on at nagtaka ako nang makita ko si Mama na pumasok sa loob ng hospital room na in-assign kay Relaina. Suot nito ang sarili nitong doctor’s coat at may dalang clipboard.

“Oras na ba ng check-up ni Laine, Ma?” tanong ko rito nang umayos ako ng pagkakaupo.

Pero sa pagtataka ko, umiling si Mama at lumapit pa talaga sa akin. ‘Di nagtagal ay tiningnan nito si Relaina bago ipinatong ang kamay nito sa likod ng ulo ko. Napatingin tuloy ako kay Mama.

“Grabe siguro ang takot mo nang malaman mo ang tungkol sa nangyari sa kanya, ‘no?”

It was a statement and I knew that. Tumango na lang ako. “Parang bumalik po ako sa nakaraan nang sabihin sa akin ni Andz ang nangyari. Akala ko, mauulit na naman ang nangyari kay Vanz nang malaman ko ang nangyari kay Laine.”

Not many times did I choose to divulge what I felt about that particular part of my past to anyone. Kahit na sa mga magulang ko. So technically, this would be the first time I’ve ever mentioned what I’ve felt about that tragic night and what I did right after to my mom.

“Mabuti naman at hindi mo naisipang habulin ang may gawa nito kay Relaina.”

Natawa na lang ako nang mapakla. Mukhang wala pa itong masyadong ideya sa nangyayari sa akin at sa mga pinag-iiisip ko nitong mga nakaraang araw.

“But your dad mentioned to me na may pinakiusapan kang isang agent para mag-imbestiga. Related ba iyon sa mga nangyari kay Relaina?”

Hindi na ako nagulat na malamang may alam na pala si Mama sa mga pinaggagagawa ko. But I also appreciated the fact na nirerespeto nito ang privacy ko. Wala naman akong planong maglihim dito habang-buhay. Nagkataon lang na sanay akong isino-sort out ko muna ang lahat para maayos kong maipaliwanag sa mga ito ang lahat.

Bumuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita. “May palagay po akong may kinalaman iyon sa nangyari kay Relaina. Pero wala pa po akong matibay na pruweba na ang pinaiimbestigahan ko ang may kinalaman sa nangyari. Kailangan ko pa pong kumalap ng sapat na ebidensiya.”

I soon heard my mom chuckle. “Pagiging engineer ba o detective ang gusto mong kuhaning trabaho pagka-graduate mo? You’re acting like a detective with the way you’re saying all that.”

“Ma, detective ang tatay ko. Natural lang na may panggalingan ang detective instinct ko, ‘no?” Pambihira naman! Nakuha pa talagang magbiro ng nanay ko.

But… I was glad she did that. Kahit papaano ay nagawa kong kumalma.

“Pero tapatin mo nga ako, Brent,” sabi ni Mama makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan namin.

Noon naman ako napatingin dito.

“With all the effort that you’re doing to have this all solved, nangangahulugan ba na… sobrang importante na sa ‘yo si Relaina? To be honest, this is the first time I’ve seen you like this because of a woman. At sa nakikita ko, kahit kailan ay hindi siya naging pampalipas-oras sa ‘yo, unlike the other girls that you interacted with before.”

Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabing iyon ni Mama. Ibig sabihin lang ba nito ay hindi lang sina Neilson at Mayu ang nakakahalata sa mga pinaggagagawa ko mula nang dumating sa buhay ko si Relaina?

“Does this mean you’re already in love with her?” my mother asked not long after.

Man, did she actually have to drop the bomb like that? Then again, nanay ko ito. Dra. Fate Montreal might have been a busy doctor sa mata ng madla. Pero kahit kailan ay hindi ito naging pabayang ina sa aming magkakapatid. Ganoon din ang tatay kong si Cedric Montreal. Yes, both of them were truly busy and dedicated to their chosen profession. Magkaganoon man ay ramdam naming magkakapatid ang pagmamahal ng mga ito sa amin na kabila ng pagiging abala ng mga ito.

So my mother asking that question didn’t come as a surprise to me at all nang tuluyan ng rumehistro iyon sa isipan ko. Pero paano ko ba sasagutin ang tanong nitong iyon?

“Ma, bahagi ba ng pagmamahal ang takot na nararamdaman ko kapag naiisip ko kung bigla siyang mawala sa akin?” hindi ko napigilang itanong kay Mama bilang pagbasag sa katahimikang nakapalibot sa amin. “‘Yong sayang nararamdaman ko kapag nakikita ko ang mga ngiti niya, na gusto kong panatilihin habang nabubuhay kaming dalawa. ‘Yong kagustuhan kong gawin ang lahat para pigilan ang mga luha niya o ‘di kaya ay pawiin ang lungkot niya. Sinabi na sa akin noon ni Neilson na baka nga in love na ako kay Laine. At one point, nagawa ko namang aminin iyon sa sarili ko na baka nga. Pero, Ma…”

Tumigil ako sa pagsasalita at tiningnan ko si Mama. She was just looking at me intently. Itinuloy ko ang gusto kong sabihin. “Parang lumampas na yata sa simpleng pagmamahal lang, eh. It’s like —”

“You want to spend the rest of your life with her, loving her all throughout. Iyon ba ang gusto mong sabihin sa akin?”

My mom’s statement hit harder than ever. Does that mean, she knew all along?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Hold On To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon