Sofia's Pov
Nakita kong paano kawawain ni Jarren yung lalaki pero hindi maalis sa akin ang pag aalala dahil sobrang laki nong lalaki.
Umiiyak na ako dahil napuruhan na si Jarren.
Ayaw na ayaw ko pa man din na nakikipag away siya nang dahil sa akin.
Hindi kona matiis lahat ng nakikita ko humihingi din ako nang tulong na pahintuin na sila pero walang pumigil sa kanila kaya agad agad kong nilapitan si Jarren saka siya yinakap at pinahinto.
Buti nalang at nakinig na siya this time.
"You okay?" tanong niya makainis naman tong lalaking to ako pa ang tinatanong kung okay lang ako e siya nga tong may mga sugat.
Nagsorry ito pero iniwan ko lang sila ni Hayden
Hanggang maka uwi kami sa bahay ay hindi ko ito pinansin.
"sorry na" sabi nito "ate tignan mo oh may sugat siya" sulsol naman ni Hayden "isa ka din, sabi kong awatin mo tong taong to, kaya niya yan kaya niya yan, ikaw gumamot nang sugat niyan" sabi ko sabay pagsarado sa pinto.
Jarren's Pov
Hindi niya ako pinansin pagkarating namin kanila, nag sorry naman na ako pero galit talaga e.
Nagpatulong na ako kay Hayden na kunin mga gamit ko.
Habang nilalagay ko yung mga damit ko sa lagayan ay bigla naman may nagbukas ng pintuan.
"Hindi mo pa rin ginagamot sugat mo?" tanong niya at umiling lang ako.
"Umupo ka" utos niya pero tuloy tuloy lang ang pag-aayos ko sa mga gamit ko at hindi siya pinapansin.
"Jarrens may naririnig kaba" sabi niya
Gusto ko pa siya inisin e.
Wala siyang magagawa.
"Isa" bilang niya, paabotin ko kaya mga sampu "dalawa" sabi niya ulit "tatlo" sigaw niya at agad agad na akong umupo.
"Bakit ba napaka pasaway mo ha?" tanong niya at nginitian ko lang siya.
"Alam mo naman mga ayaw ko diba?" tanong niya at tumango ako "oh naman pala" sabi niya "eh bakit ka padin nakipag away?" tanong niya.
"Alangan naman hayaan ko nalang na bastosin ka" sabi ko naman "pwede ba next time, wag kana mag susuot nang mga maiikli tignan mo nangyari kanina" sabi ko sa kanya.
Tinitigan niya lang ako "wag ka magsusuot nang mga ganon, lalo na kapag wala ako" dagdag ko pa pero hindi ito nagsasalita.
Ginamot niya na ang mga sugat ko pero wala siyang imik.
Narinig ko nalang na umiiyak na siya "o-okay k-ka lang ba?" tanong ko sa kanya pero hindi ito nagsasalita.
I hugged her "shhh don't cry" pagpapatahan ko sa kanya after I few minutes na magkayakap kami ay tumigil na din to sa pag iyak "why did you cry?" tanong ko "n-nasaktan ka kasi" sabi nito "tapos ako pa ang dahilan" dagdag niya pa pero tinawanan ko lang siya "may nakakatawa?" pagmamaldita niya.
She's back
"Wala po" sabi ko naman.
Ginamot niya na ang mga sugat ko "wag mo nang uulitin ha" sabi niya "opo" sagot ko naman.
Sofia's Pov
Nakalipas na ang ilang araw and it's already friday.
Lagi na ulit kaming sabay umuwi na Jarren baka kasi makipag away na naman to e.
Nakita ko si Jm na nakatayo malapit sa bintana.
"Hi" he greet me ilang araw siyang hindi pumasok as in ngayon friday lang.
Nginitian ko naman siya "sorry" sabi niya "okay lang" sabi ko naman.
Kagaya nang dati nagkwentuhan lang kami and naalala ko na pupunta pala kami sa beach.
"Pwede kaba next week?" tanong ko sa kanya "oo naman bakit?" sabi nito "gusto mo bang sumama sa amin, pupunta kami sa resort nila Jarren good for 5 days" sabi ko "okay lang ba sa kanila?" tanong niya "Oo naman" sabi ko naman "Sige pupunta ako" sabi niya.
Sa Sunday ang alis namin, nagpaalam na din kami si Jarren siya ang nagpaalam kila mommy, for sure kasi hindi nila ako papayagan at ako naman ako ang nagpaalam sa parents ni Jarren na don kami sa resort nila.
Oh diba baliktad...
Pauwi na kami ni Jarren ngayon at dumaan kami sa bilihan ng milktea.
Habang naghihintay kami ng order namin ay nabanggig ko na inaya ko si Jm.
"Ja, I asked Jm, if he want to come with us" sabi ko sa kanya "did he agree?" tanong niya at tumango ako.
"Kunin ko lang yung order" sabi niya at kinuha yung order namin.
Napansin ko na tahimik lang ito habang pauwi kami.
"Okay lang ba kung sasama siya" tanong ko sakanya.
Hindi ko din alam kung tama bang sinabi ko sa kanya e.
YOU ARE READING
Chasing What's Not Mine
RandomFriendship and hidden feelings intertwine as Jarren and Sofia share a promise, unaware of the heartbeats that will forever change their bond.