Pagkatapos kung suotin ang jacket ko ay kinuha ko na ang aking gitara, dala-dala ang aking tinimpla at nagtungo na pabalik sa pwesto namin kanina.
pinagmasdan ko ang magandang babae sa aking harapan palipad-lipad ang buhok nito at tila malamin ang iniisip.
"hm" sabay bigay ko sa kanya ng baso.
"what took you so long?" kuot noong nyang kinuha ang binigay ko.
nang makita nya kung ano ang laman ay nawala ang pagkanuot ng noo nito at napalitan ng ngiti na napakatamis.
sa hindi malaman dahilan ay bigla na lamang tumibok ng mabilis ang aking puso.
ito ang napapansin ko kapag nagkakaroon kami ng interaksyon ni claire, tuwing hinahawakan ako nito, tuwing ngumiti sya at napapangiti din ako kagaya ngayon at lahat ng kanyang ginagawa na para sa akin ay-
kinikilig ako?
"thank you, talia" parang bata na ininom nya yun.
hot choco kasi.
umupo na ako at ng mapansin nya na wala akong dala na para sa akin ay nangunot ulit ang noo nya.
"bakit hindi ka nagtimpla ng iyo?"
"dun na ako sa loob iinom"
"here, we can share" ngiti-ngiti nito sabay lahad.
"hindi sayo yan, tinimpla ko para sayo"
napatingin ako sa kanya at para akong matatawa ng may kulay brown yung taas ng kanyang labi galing sa iniinom.
"hey, bakit parang natatawa ka dyan?"
"eh kasi naman may chocolate po ang taas ng labi nyo oh"
"oh, really?" kinuha nito ang tissue na dala ko rin kanina saka pinunasan ang labi nito.
ngunit ng makita ko ay may natira pa ay lumapit ako ng kaunti para punasan ang natira.
nagulat ito pero hindi nya sya umangal kaya nagpatuloy lang ako.
habang pinapunasan ko iyon ay bigla ako napahinto dahil ramdam na ramdam ko ang titig nito kaya napaangat ang aking tingin sa kanya.
kakaiba ang titig nito ngayon na tila may sinasabi ang mapupungay nyang mata.
nagkatitigan pa kami ng ilang minuto at maya-maya bigla bumaba ang tingin nito sa aking labi, hindi ako makagalaw ng unti-unti itong lumapit sa akin hanggang kunting galaw na lang ay magdidikit na ang aming mga labi.
pero bago pa man mangyare yun ay nakarinig kami ng ingay dahilan upang mapalayo kami sa isa't-isa.
"nasaan na ba yung bata yun, sinasabi ko talaga kapag nakita ko sya makakatikim yun ng pikto sa akin"
"nay wag po kayong sumigaw nakakahiya"
dumaan ito sa aming likod kaya rinig na rinig namin ang kanyang mga sinabi.
nang makalayo na ito ay napatingin ako kay claire na nakayuko kaya kunyari ay umubo ako para makuha ang kanyang atensyon at tumingin nga ito sa akin pero agad din iniwas.
"u-uhm claire-"
"we should forget what happened" pagputol nito sa akin.
tumango ako dahil hindi ko din alam kung bakit o ano ang gagawin.
nakakabingin katahimikan ang sumunod na nangyare kaya para maibsan ang tensyon ay kinuha ko ang aking gitara na nasa tabi ko.
"uhm ano na pong gusto nyo kanta" dito na napatingin ito at lumiwanag ang mukha.
YOU ARE READING
One Step Away From You [GL]
RomantikTalia Lorraine Garcia, High School Graduate lamang ang natapos nito dahil simula ng mamatay ang kanyang itay ay kinakailangan nyang magtrabaho dahil sya na lamang ang inaasahan sa kanila, hindi sapat ang pagbebenta ng pandesal ng kanyang ina kaya la...