Prologue

100 25 6
                                    

Tristan blasted his new loudspeaker with his copy of Arctic Monkeys' Do I Wanna Know—a hit song from years ago and one of his favorites while fixing his boxing wraps for another round of training for nothing.

Sweats formed, his body flexed, and his mind relaxed from punches after punches.

Malakas ang bawat pagsuntok niya sa punching bag. Ramdam pa niya ang pananakit ng kamao niya dahil sa parehong situwasyon kahapon, pero hindi niya iyon ininda. He worked better whenever he was in pain. He was sane when feeling something painful and boxing worked for him.

The entire room was dark, but the lights from the boxing ring illuminated the whole area.

Maaga pa naman at wala siyang masyadong gagawin sa maghapon kaya naisipan niyang bumisita sa Olympus mamayang hapon. Mayroon din siyang gustong ipakipag-usap kay Ares tungkol sa ilang order nitong armas na hindi gumagamit ng mga bala ng baril na mayroong gunpowder.

One of their projects recently was to make a weapon that won't instantly wound a person unless they had to. Gusto nilang gumamit ng mga armas na hindi kikitil sa buhay ng ibang tao at para na rin hindi magkaroon ng ibang dahilan na muli siyang sugurin ng mga rebeldeng gustong makuha ang mayroon siya.

May mga pagkakataong naiisip niyang mukhang mali siya ng produktong tinahak sa mundong ito dahil siya ang punterya ng lahat. Every rebels they knew tried, but couldn't. Malaki rin ang tulong mga kaibigan niya sa proteksyon sa kaniya ngunit may mga pagkakataong hindi maiwasang mayroong mga makalusot.

Malakas na sinuntok ni Tristan ang punching bag na nasa harapan niya. Paulit-ulit hanggang sa kapusin siya ng hinga. Ramdam niya ang pawis a tumutulo mula sa ulo niya pababa sa mukha, leeg, hanggang sa dibdib. Malamig naman ang buong kwarto dahil sa naka-install na aircon mula sa Escarra at malaking tulong din ito sa kaniya lalo na at dito na siya namamalagi.

Halos nakalalabas lang naman siya ng kampo sa tuwing pupunta siya sa mga kaibigan niya. It would be the only time he would let himself out of this basement—his home.

After working out, Tristan took a bath and under the shower, he let himself feel the warm water from the shower. Halos mapaso siya sa sobrang init, pero gusto niya ang pakiramdam na kahit paano, may nararamdmaan pa siyang physical pain.

Days had been long the past few days. It had been five years since Cesca, his girlfriend, died. Araw-araw pa rin siyang nagbibilang. 1,826, to be exact. Araw-araw pa rin niyang iniisip ang posibleng buhay nila kung sakali mang hindi nagulo ang mundo. Malamang na kasal na sila, masayang mag-asawa, at mayroong mga anak.

He had been grieving and longing her Cesca since he lost her. Sinisisi niya ang kaguluhang nangyari. Medically speaking, Cesca wouldn't survive this world. Kahit na kaya namang ibigay ni Tristan ang lahat o gawin ang kahit na ano, ito ang isang bagay na hindi niya magagawa.

Mahigpit siyang humawak sa gilid ng lababo sa bathroom at yumuko. Pumikit siya habang paulit-ulit na inaalala ang mukha ni Cesca. Masaya, tumatakbo palayo sa kaniya bago muling babalik para halikan siya. It was one of their last happy memory—during their 5th anniversary—before everything went dark.

Kaagad niyang nakita ang kwintas na regalo sa kaniya nito. It was a dogtag with their names. Not a gold, just a black stainless steel with engraving. Hindi niya ito inalis kahit na minsan. Kahit naliligo, natutulog, o kahit ano mang gagawin niya dahil halos ito na lang nag-iisang alaala ni Cesca sa kaniya.

Nang matapos maligo, isinukbit niya ang towel sa balikat niya at hinayaang tumulo ang tubig mula sa buhok niya. Suot niya ang simpleng itim na jogger pants at naisip na tingnan ang ilang armas na katatapos lang gawin kahapon. He also wanted to show Ares the knives he designed.

When he stepped inside his basement, a familiar woman stood by Josiah—his commander. He squinted and stared at the woman.

"Hi, Tris." Kumaway ito sa kaniya.

"Margarette." Nilagpasan niya ang babae at dumeretso sa working table na nasa gitna ng basement. "Long time no see."

Lumapit si Josiah sa kaniya. "Pinapasok ko na siya dahil kakilala mo naman. Wala naman siyang ibang dalang kahit na ano. Sinabi niya sa 'kin na anak siya Major General Lee. Ninong mo siya, 'di ba?"

Isang tango ang naging sagot ni Tristan bago nilingon si Margarette na nanatiling nakatayo at nakatalikod sa kanila ni Josiah. Mukhang inililibot nito ang tingin sa buong basement.

"Ako na ang bahala sa kaniya. Wala ba siyang ibang kasama? Ano'ng sinakyan niya?" tanong niya.

"Inihatid siya ni Ares, Boss. Umalis din kaagad si Ares dahil pupunta raw sandali sa Beta, pero babalikan mamaya 'tong anak ni Major General," paliwanag ni Josiah.

Tumango siya. "Sige na. Ako na ang bahala sa kaniya."

Bahagyang yumukod si Josiah bago magpaalam sa kaniya. Binuksan naman niya ang ilaw sa buong basement at pasimpleng tinitigan si Margarette. Of course he knew her. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila.

"How's Tito Eldrick?" Tristan broke the silence.

Margarette faced him and stood straight. "He's okay. Weak, but still alive."

Patagilid niyang nilingon si Margarette at napansin ang paggala ng mga mata nito sa basement. Pati na rin ang mga nakalatag na baril sa gilid at hindi nakatakas dito. Pero mas napansin niya ang malaking pagbabago. Ilang taon na rin niya itong hindi nakikita dahil nasa ibang grupo kasama ang sariling pamilya ng ama. Wala rin siyang ibang balita tungkol dito dahil hindi niya napagtutuunan ng pansin. But he heard things from Ice since the two were super close.

"What happened?" Tristan chuckled lowly. "You look like an old maid."

He saw how Margarette's brows furrowed, mouth dropped open, and looked pissed. "Grabe ka sa 'kin, ha?"

His lips curled upwards. It was true. Mukha itong matandang dalaga. Nakasuot ng dress na kupas na ang floral print at parang luma na. Simpleng flops na goma, mahaba ang buhok, at medyo may kapayatan lalo sa bandang braso.

"Tristan." Margarette frowned. "Hindi ako nagpunta rito para asarin at insultuhin mo, ha. Seryoso ang rason kung bakit ako nandito."

Tristan stood up straight and faced Margarette. He exhaled and shrugged. "So, what brings you here?"

For some reason, Tristan saw hesitation from Margarette's face. He stared at her, trying to read her every reaction. Mukhang malalim ang dahilan nang pagpunta rito dahil ilang taon na silang hindi nagkikita and out of nowhere, she showed up without warning.

"Are you single?" Margarette squinted and crossed her arms.

"What the fuck?" Tristan responded, and shock was written on his face. "Why?"

Margarette exhaled loudly, trying also to read his emotion. And with deep hesitation, she asked. "Will you marry me?"




T  H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Puwede Pa Ba Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon