(Claire outfit ⬆️⬆️⬆️)
Kinabukasan ay maaga pa ako pumasok kaya dumiretso ako ulit sa cafeteria upang dun muna tumambay.
"pabili po ng hot choco"
maaga pa kaya wala pa dito katao-tao.
ilang minuto din ang tinagal ko ng makarinig ako ng sigaw ng kabayo- este tao
"talili kooo" patakbong pumunta ito sa akin.
"talili san ka noong biyernes ha, namiss kaya kita"
"may pinuntahan lang K" dikit na dikit ito sa akin na para bang ayaw na nito humiwalay, hinayaan ko na lamang namiss ko din kasi sya.
"ms. santos, stop doing that" bigla na lamang humiwalay sa akin si K at tumayo.
ako naman ay tumayo din upang magbigay galang.
"ah ms. montenegro kayo po pala hehe, magandang umaga po"
"good morning po ma'am" tumitig ako dito pero agad din yumuko.
yung titig na yun napakadilim.
"why are you still here, ms. garcia?"
"ah ma'am maaga pa naman po kasi at tyaka hindi pa naman po kayo dumadating"
kanina.
"I'm here na so let's go" kinuha pa nito ang aking kamay bago tumingin sa aking katabi "ms. santos you can go now"
"o-opo ma'am" yumuko ito.
"let's go ms. garcia" nagpahila na ako kay claire.
tumingin ako sa likod at nakita ko dun si K na sumusunod sa amin.
"ms. santos sa kabilang elevator ka na sumakay"
"hala bakit po?" pati ako ay nagtatakang tumingin sa kanya.
bakit nga ba? eh wala naman sakay yung elevator na to.
"because- just do what i said ms. santos"
"okay ms. montenegro"
tumingin pa ito sa akin na may ngisi sa labi bago kami pumasok sa loob.
"ms. montenegro, bakit naman po sa kabila pa po sumakay si K"
"edi dun ka, sumama ka dun" napaone line ang aking labi dahil sa sinabi nito.
sabi ko nga ba dapat tumahimik na lang ako.
Napatingin ako sa suot nito ng lumabas kami ng elevator.
naka black coat ito na may puting panloob at tyaka black din na pants.
ceo na ceo.
"come to my office, ms. garcia"
sumunod naman ako dito.nang makapasok kami ay umupo na ito ako naman ay tumayo lang sa kanyang gilid.
"i missed you" sabay yakap nito sa aking bewang.
ako naman parang hihimatayin sa biglaang pagyakap nito.
"m-ma'am?" umaangat ang tingin nito sa akin habang nakayakap pa rin.
"yes?" hmp. nagpuppy eyes pa talaga!
ang cute!!
"namiss-"
hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng makarinig kami ng tunog mula sa pinto kaya napahiwalay kami sa isa't-isa.
YOU ARE READING
One Step Away From You [GL]
RomanceTalia Lorraine Garcia, High School Graduate lamang ang natapos nito dahil simula ng mamatay ang kanyang itay ay kinakailangan nyang magtrabaho dahil sya na lamang ang inaasahan sa kanila, hindi sapat ang pagbebenta ng pandesal ng kanyang ina kaya la...