KABANATA 27: Trauma

2 0 0
                                    


'Serena, I hope this letter will find you well. I miss you so much, and there's no word that could describe how I'm heartbroken right now, knowing Kuya kidnapped you while guessing what actually happened between you and Brantley. 'Wag ka ng mag-alala. Ngayong nakita muli kita, hindi ako papayag na api-apihin ka lang diyan sa loob. Sinabi sa 'kin ni Danilo ang kalagayan mo, kung pwede lang ay susugod ako diyan para mag-eskandalo! Pero hindi, meron akong plano. Sisiguraduhin kong makakalabas ka diyan ng buhay at hindi ka na makikita pa ng baliw kong kuya! Please, take care of yourself while I'm executing our plan. I love you so much, and I miss you!'

Halos mapaluha ako sa makadamdaming bagaman simpleng sulat sa akin ni Raquel.

Walang duda, sulat-kamay niya ang nababasa ko ngayon!

Wala pang dalawang araw ay natanggap ko agad ang sulat niya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari na pagbabawal sa akin ni Ezekiel na magtapon ng basura, ay mayroon kaming napag-usapan ni Danilo.

Sa tuwing Biyernes at Lunes ng alas kuwarto ay iiwan ko ang sulat malapit sa garden. Agad niya 'yong dadamputin, at pagkatapos ng isang araw ay saka ako muli akong babalik para tanggapin naman ang sulat ni Raquel sa akin.

Ito ang unang sulat na natanggap ko mula sa kaniya. Mahigpit ko iyong niyakap habang nagpapagulong-gulong sa matigas kong kama.

Sobrang saya ko sa isiping swerte ako sa mga kaibigan ko---Si Raquel at Haleanna. Sila lang talaga ang kaya kong pagkatiwalaan.

Dali-dali akong bumangon para magsulat muli ng sulat kay Raquel. Ngayon ay binuhos ko na ang damdamin ko, sa paghahangad na makaalis dito at kahit ilang buwan o taon pa ang lumipas ay handa akong maghintay sa kaniya.

Bukas ko pa maaaring ilagay ito sa sikretong lugar na napag-usapan namin ni Danilo. Kaya naman, tinabi ko muna ulit sa ilalim ng aparador ang notebook at ballpen.

Masyadong sensitibo sa amoy si Ezekiel. Kaya naman hindi posibleng magkalapit pa kami ni Danilo. Nung hindi na kami nagkikitang dalawa ay wala na ring naging reklamo sa akin si Ezekiel.

"Nababaliw ka na ba? Bakit kanina ka pa ngiti nang ngiti diyan?" may pagdududang tanong sa akin ni Eza.

Siya itong nagsumbong kay Baby, kung bakit nila nalaman na ako ang nagnakaw ng cellphone. Pakiramdam ko'y malakas ang pakiramdam niya. Sumusulpot nga lang siya para pagdudahan ako minsan eh.

"Pakialamera." banat ko pa sa kaniya, saka tinuloy muli ang pagwawalis ng mga natuyong dahon sa front yard ng mansyon.

Kahit na nasa frontyard na ako ay hindi ko parin matanaw-tanaw ang main gate. Ilang kilometro din ang kailangan mong lakbayin bago 'yun marating. Hindi ko na tinatangkang gawin, dahil nakakatakot ang mga guwardiyang nakabantay at pakalat-kalat sa banda roon. 'Pag nakita pa nila ako ay naka-report na agad kay Ezekiel panigurado!

"Ha! Kaya ka naman pala nabugbog nila Davina at Baby nung isang araw, eh! Totoo nga ang sinasabi nila. Napaka-arogante mo! Kahit sino mapipikon diyan sa asal mo! Para ka na ngang kalapating mababa ang lipad, ang taas parin ng tingin mo sa sarili mo! Ang magpakababa, iyan man lang, gawin mo."

"Talaga ba? Ba't 'di mo 'yan subukang ikwento sa iba? Paniguradong pakikinggan ka---ako kasi? Hindi!"

"Tse!"

Lumipat siya ng pwesto para doon magwalis ng pagalit. Pero hindi pa lumilipas ang isang minuto ay muli siyang bumalik patungo sa gawi ko nang may nagsusupetyang itsura.

"Alam ko na! Alam ko na kung bakit kanina ka pa ngumingiti-ngiti na parang krung-krung." masigla niya pang anas.

"Bakit mo ba pinoproblema ang bagay na 'yon? Wala ka bang sariling buhay–"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon