Matinding kaba at takot ang lumukob sa buong kong sistema. Lukot na lukot ang mukha ni Raquel, bakas na bakas ang pagbalatay ng sakit sa kanyang mukha.
"Raquel!!"
Dali-dali ko siyang sinalo nang matumba siya, at pareho kaming napaupo sa malamig na semento.
Magkakasunod naman na putukan ng baril ang nanaig sa lugar! Gulong-gulo akong napalingon sa aking likuran at nakita roong nakikipag-barilan na ang mga tauhan ni Raquel sa kabilang grupo ng mga armadong lalaki.
"Miss Raquel!!" Si Danilo ay natatakot na lumapit sa gawi namin. Mabilis na namula ang mga mata niya na umalalay.
"STOP!" taliwas sa panghihina ay malakas na napasigaw si Raquel. "Put all your guns away!! KUYA!!"
Labis akong natigilan. Malamig na pawis ang siyang nagsisipaglabasan sa noo ko.
Sa sigaw na iyon ni Raquel ay natigil ang mga putukan at nanaig naman ang nakakabinging katahimikan.
Sa isang iglap ay ang kaninang saya sa aking dibdib ay napalitan ng matinding takot. Ayaw ko mang tingnan, agaran kong nakita si Ezekiel na lumabas sa isang itim na sasakyan.
Umaangat-baba ang dibdib ko sa paghahabol ng hininga.
Naglakad siya papalapit sa amin na animo'y nakakaangat sa lahat.
Taliwas sa nakakatakot na paraan na pinapakita ng kanyang mga mata ay ang pagsilay ng mga ngiti niya.
"It's funny how you think escaping from me is that easy." ang paningin niya ay nasa kay Raquel. "I mean, I know you were a smart kid, but what the fuck is that even called a plan?"
"K-Kuya..." Pilit na tumayo si Raquel, kaya't napatayo rin kami ni Danilo para alalayan siya. "B-Bakit mo ba ginagawa 'to kay Serena? Why can't you just set her free and be with another woman?! Serena doesn't want you nor does she regard you as a husband! Hindi mo ba nakikita, kung gaano na siya nahihirapan sa puder mo?! Maawa ka naman! Hindi naman kailangang humantong sa ganito ang lahat, eh!! How could you even hurt me with your own hands?! Do you think mother will forgive you?"
"I've warned you countless times, haven't I?" tila'y walang nararamdamang kahit ano si Ezekiel tuwing nabubura ang kanyang emosyon. "But you're the one who doesn't understand. It seems like you're intentionally testing my patience with you."
Napapigil ako ng hininga nang humugot siya ng baril at walang padalos-dalos iyong kinasa. Ang paningin niya ay lumandas kay Danilo at doon niya tinutok ang baril.
"Oh, look at that? Aren't you the one flirting with my wife while I've been away? Even having the balls to help her escape. What a hero of the year."
Nanlaki ang mga mata ko. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko na malapit nang kalabitin ni Ezekiel ang gatilyo ng baril!
Agad akong nakakilos, iniwan ko si Raquel para harangan si Danilo. Na siya namang nagugulat din sa inaasal ngayon ng kanyang amo. Marahil ay sa pagkakaalam niya na mabait si Ezekiel, kung kaya't nasaksihan ko rin kung paano siya mamutla.
"Oh wow," napakadilim ang mukha ni Ezekiel na napaisal. Ang paraan niya ng pagtitig sa akin ay nakamamatay. "Looks like you're attached to him already?"
"E-Ezekiel..."
Ang mga tuhod ko ay labis ang panginginig. Hindi ko rin malaman kung saan ako nakakakuha ng lakas para tumayo ngayon sa harapan niya, habang sinasanggala ang baril na dapat ay kay Danilo nakatutok.
"Don't fool with me, Serena. I might not be present in the mansion, but I have eyes and ears all over that place. How can you all be so fucking stupid thinking I'm a fool not to notice anything?"
"P-Please, Ezekiel! Ibaba mo na ang baril... nakikiusap ako..."
"S-Sir Heskel... W-Wala po kaming ginagawang kasalanan ni Serena..." uutal-utal man at bakas ang takot ay nagawa pa 'yong sabihin ni Danilo.
"Serena?" Muling lumandas ang paningin niya sa aking likuran, mas lalong nandilim ang kaniyang mga mata. "I see..."
Sa isang kurap lamang ng mga mata ko ay agad na kinalabit ni Ezekiel ang gatilyo! Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkislap ng kanyang baril at ang binuga nitong nakakabinging putok!
"Aaahh!" Umalingawngaw ang nasasaktang boses ni Danilo.
Napatakip ako sa aking bibig, gulat na gulat na napalingon sa kaniya, at nakita ang pulang likidong tumataakas sa kaniyang tagiliran. Namilipit siya sa sakit sa malamig na semento, habang umiiyak siyang sinaklolohan ni Raquel.
"Kuya!! Anong ginawa mo?!"
Umapaw ang mga luha sa mga mata ko, puno ng emosyong humarap kay Ezekiel. "Ezekiel, ano ba?!! Nababaliw ka na!! Pa'no mo 'to nagagawa?!"
Dahil sa matinding panginginig ng mga tuhod ko ay unti-unti akong napaluhod sa semento, labis na nanghihina.
"It's your fault though." narinig ko ang mapakla niyang tawa. "I'm tired of you seeing me as a joke, Serena. For fucking three years that I was finding you, how can you still think of escaping from me? I don't care whoever's life will be at stake, and that wasn't just a threat. What can't you understand?"
Humahagulgol ko siyang tiningala. Walang bahid ng kahit anong emosyon ang mga mata niya. Para siyang walang kaluluwa, walang kabuhay-buhay! At iyon ang mas nakakakilabot sa katauhan niya, na masaksihan kung gaano siya kawalang puso!
"Don't worry, once he's dead, he can no longer feel the pain." Muli niyang tinutok ang baril sa gawi nina Danilo. "Raquel, do you want to accompany him too?"
"KUYA!!"
Nahugot ko nang malalim ang aking hininga. Napapigil ako sa paghagulgol at mabilis akong nakatayo. Binuhos ko ang natitirang lakas sa aking katawan para takbuhin ang pagitan namin ni Ezekiel.
"Get out of the way—"
Mabilis ko siyang niyakap nang sobrang higpit. Ang mga braso ko ay pumulupot sa baywang niya at labis kong dinikit ang katawan ko sa kaniya. Saka ko sinubsob ang aking mukha sa kaniyang leeg.
"H-Hindi ko na uulitin! P-Patawarin mo 'ko, Ezekiel... h-hindi na ulit ako tatakas. Lahat ng gusto mo, susundin ko, h-hindi na 'ko manlalaban sa'yo. H-Hindi na 'ko magpapakita ng angas o kayabangan... w-wala na 'kong ibang gagawin kundi ang maging sunod-sunuran sa'yo... K-Kaya please... nakikiusap ako na 'wag mo na silang saktan. K-Kasalanan ko ang lahat! H-Hindi na 'ko uulit, Ezekiel."
Ito na yata ang pinakamahigpit na yakap ang binigay ko sa kaniya sa tanang buhay ko. Subalit hindi dala ng pagmamahal sa kaniya... kundi ng matinding takot. Buhay ang nakataya ngayon. Hindi ko kakayaning mabuhay habang may mga taong namatay nang dahil sa 'kin.
"H-Hindi na ako tatakas..." Mas pinag-isa ko ang katawan ko sa kaniya.
Naramdaman ko nang ibaba niya ang kaniyang baril. Marahan niyang hinagod ang buhok ko sa likuran.
"Promise me." seryosong bulong niya sa aking tainga.
Tinango ko ang aking ulo. "I promise, I-I will not escape again."
Ang kamay niya na may hawak ng baril ay yumakap sa aking baywang. "Let's go home, then."
"SERENA!!" narinig ko ang umiiyak na pagtawag ni Raquel.
Natigilan ako subalit hindi ako lumingon.
"You better bring that one to the hospital if you don't want him dead." Saad ni Ezekiel, tinutukoy si Danilo.
"Hayop ka talaga, Kuya!!"
Hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay biglaan akong binuhat patagilid sa kaniyang mga braso. Humihikbi akong napakapit sa kaniyang leeg upang hindi mahulog.
"You're too light, Serena. You'll have to eat with me from now on." aniya na parang walang nangyari habang buhat-buhat akong naglalakad patungo sa kaniyang sasakyan.
How... just how can he be this cruel?
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romansa"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...