"SERENA, drink this ginger tea."Wala na yatang mas isasama pa sa pakiramdam ang magkaroon ng lagnat at dysmenorrhea nang sabay.
Masakit ang aking ulo at umiikot ang paningin ko. Dahil sa pag-iyak kahapon ay namamaga ang mga mata ko, barado ang aking ilong at lalamunan. Masakit din ang puson ko, balakang at nangangalay ang likod ko sa kakahiga buong araw.
Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang katawan ko para maging komportable at mawala ang sakit.
"A-Ang sakit..." Ang isa kong kamay humihilos sa aking ulo, habang ang isa'y nakahaplos sa aking hot compress na nasa aking puson.
"D-Don't worry, the pain reliever will take effect soon." pagkomporta ni Ezekiel sa aking tabi. "Drink this now, wala pang laman ang tiyan mo."
Naiilang kong tiningnan ang inaalok niyang ginger soup. "H-Hindi ko gusto lasa niyan."
"But this is good to relieve your tummy and muscle pain. You need to drink this."
"Ayoko."
Dahil hindi ko gusto ang pagiging marahan sa akin ni Ezekiel ngayon ay gusto kong mag-inarte. Sa ikli ng pasensya niya, tingnan natin hanggang saan aabot 'yan.
Isa pa, dahil sa nangyari kahapon, hindi pa maayos at magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Ayokong umakto na parang walang nangyari, gaya ng ginagawa niya ngayon.
Hindi ko nga alam kung bakit paggising ko kanina ay nasa kwarto niya na ako. Kaya pala hindi gano'n kasakit sa katawan dahil malambot na ang hinihigaan ko.
"Open your mouth." pinosisyon niya ang kutsara na may sabaw sa tapat ng aking bibig, umaasang bubuksan ko ang bibig ko.
"Uminom na 'ko ng gamot. No need for this." Iniiwas ko ang mukha ko.
"Please?"
Kunot-noo ko siyang tiningnan muli. "Why are you doing this?"
Habang tumatagal ay mas pinaninindigan niya ang pag-akto ng ganito. Hindi ako sanay."Because you're sick." deretsa niyang sagot.
"No. Ibig kong sabihin, simula nung sinubukan kong tumakas, nag-iba ang trato mo sa 'kin."
"Really?" tumaas ang isa niyang kilay. "Should I act nice, then?"
"What?" napamaang ako. "You ARE acting nice."
Nangunot ang noo niya. "I am not. This is a basic responsibility of..." nag-iwas siya ng paningin. "A responsibility of a husband."
"Anong sinasabi mo diyan? Kailan ka mo pa 'ko tinrato ng ganito simula no'ng nagsama tayo?"
"Hindi ka naman nagkasakit no'n."
Napaisip ako, inalala 'yung mga panahong natural lamang naming tinatrato ang isa't-isa. Hindi ako naagkaro'n ng sakit sa harapan niya, oo. Pero maraming beses din akong dinapuan ng lagnat at dysmenorrhea nang hindi niya nalalaman.
Wala na akong ibang masabi sa kaniya kaya nanahimik na lang.
Bumuntong-hininga siya at binaba ang kutsara. "What do you want to eat then?"
"Wala." ani ko ngunit agad ko ring binawi nang kumulo ang tiyan ko. "Gusto ko ng fried chicken, french fries, cheesy yumburger, t'saka sundae ng Jollibee."
Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya saka muling napakunot ng noo. "But those are unhealthy foods. They will not help you relieve your sickness."
"But it helps me relieve my mood."
"I..." nag-alinlangan siya. "Why Jollibee, though?"
"I'm craving."
"Then," muli niyang tinapat sa bibig ko ang ginger soup. "If you finish this, bibilhan kita."
Napaawang ako ng bibig. "Edi parang gano'n din—"
Ginawa niyang oportunidad ang nakabuka kong bibig para ipasok ang kutsara. Dumeretso sa lalamunan ko sabaw bago pa 'ko makapag-react. Magagalit na sana ako sa isiping pangit ang lasa niyon, subalit nabigla ako sa sarap ng lasa.
"Sino nagluto nito?" kuryoso ko pang tanong."The new chef. Do you like it?"
Tumango ako. Iyon siguro ang bagong chef na kinagagalitan din ng mga katulong. Hindi ko pa siya nakikita, pero marami na akong naririnig. Syempre, hindi ko lamang iyon pinaniniwalaan.
"Masarap." pag-amin ko.
Kaya naman muli siyang nagsubo sa akin hanggang sa maubos ang sabaw ay hinayaan ko siyang pakainin ako na parang isang pasyente.
Him doing this is very unfamiliar, but I was never treated like this before. kahit mama ko, hindi ako ginaganito tuwing may sakit ako.
"Anything you like to add?" tanong niya sa akin nang nag-oorder na siya sa Jollibee mula sa cellphone.
"Spaghetti, t'saka isang buckett ng chickenjoy gusto ko." makapal na mukha kong sabi.
"How unhealthy." bulong pa niya subalit sinunod parin iyon.
Awtomatikong tumaas ang magkabilang sulok ng aking labi. Nilaro-laro ko ang aking mga daliri. Pakiramdam ko'y unt-unti nang nawawala ang sakit ng katawan ko at may sumusulpot na kakaiba.
Gusto kong pagalitan ang sarili. All his mistreatment of me, only to be comforted by just doing this, is very unfair. How can I be so easy to get? How I wish... that my heart is made up of rock. Hindi iyong dadaanin lang sa pagkain, gagaan na agad ang pakiramdam ko.
It's unfair, Ezekiel.
I refused to forgive you. I refused to be with you and act as your wife once again.
Mayroon na akong kailangang proteksyunan ngayon. Hindi lang buhay ko ang nakasalalay sa relasyon nating dalawa.
I have my son now, whom I refused to let you meet in this lifetime.
"How's your fever? Let me see." seryoso niyang kinapa ang noo at leeg ko bago mukhang naginhawaan. "It subsided a lot."
Kahit na umaliwalas at luminawag na ang mukha niya ngayon ay hindi parin maitatago niyon ang maitim na bilog sa ibaba ng magkabila niyang mata. May bakas din ng pamamaga ang mga mata niya.
Napalunok ako. Kahit na pawala-wala ang malay ko kaninang madalaing araw, alam kong nagpuyat siya sa kakapunas sa katawan ko at pagpapainom sa 'kin ng gamot.
Hindi rin nawawala sa alaala ko ang pagtakas ng luha sa mga mata niya noong nagkasagutan kami sa ulanan.
Ngayon ko lang napagtatanto na magkaiba nag bersyon namin sa nangyari three years ago. Ibang-iba na para bang pinaglalaban namin kung sino ang tama sa mga paniniwala.
I only know that what happened in the past is not an illusion. It all really happened. Subalit kahit na malaki ang hinanakit ko sa kaniya, tila'y gusto kong pasukin ang sarili niyang bersyon at intindihin iyon.
Gusto kong malaman kung saan ako nagkamali at nagkulang sa kaniya. Gusto kong malaman ang nararamdaman niya para sa 'kin. Gusto kong malaman ang pinag-ugatan ng lahat sa bersyon niya.
Ezekiel, naghihintay lang ako kung kailan ka handang pag-usapan ang nangyari. Dahil matagal ko na ring hinahanda ang sarili ko para dito.
Either what happened in the past is all your fault, or if I play a role in breaking you too... I cannot love you again and risk my child in this.
Dahil ayos lang na masaktan ako ng paulit-ulit, basta't hindi ang anak ko.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Любовные романы"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...