KABANATA 41

2 0 0
                                    


"Serena?" unti-unti akong nagising sa pagtawag ni Ezekiel, ngunit pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata dala ng antok. "You're still asleep?"

Naramdaman ko ang paglubog ng kama, nahiga siya sa aking likuran habang nakatagilid naman ako sa pagkakahiga. Pumulupot ang isa niyang braso sa aking baywang.

Mas napalukot ako sa pagkakahiga, mas naging komportable sa init na naramdaman kong hatid ng katawan niya.

Naramdaman ko ang masuyo niyang paghaplos sa aking pisngi mula sa likuran.

"I'm glad you're feeling much better than last night." bumaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Unti-unti akong napamulat ng mga mata, nang sobrang bagal niyang nilanghap ang amoy ng aking katawan.

Dahil hindi pa ako nakakaligo ngayong araw ay awtomatiko kong iniwas ang aking katawan at bahagyang gumapang palayo sa kaniya.

"Serena?" hinila niya akong muli pabalik sa katawan niya saka mahigpit akong niyakap. "Did I wake you up?"

"Yes." Napahikab ako. "Stop sniffing me. Para kang aso."

"Why not? I like your natural scent."

"Hindi pa 'ko naliligo... isa pa, may period ako ngayon kaya 'wag kang dikit nang dikit sa 'kin."

Kahit na kanina pa gumaan ang pakiramdam ko ay ayaw ko paring magpakapit sa kaniya.

Subalit dahil din nagkaroon ako ngayon, mas napanatag ang loob ko sa isiping hindi niya ako nabuntis. Lalo pa't ilang beses kaming nagtalik nang walang ginagamit na proteksyon.

"You don't smell bad." inamoy niya ulit ako. Bahagya niyang inangat ang katawan niya para ibaba ang kaniyang ulo sa aking dibdib at doon umamoy muli. "Your breasts have the strongest scent."

"E-Ezekiel! Umalis ka nga!" naghalong hiya at inis ang naramdaman ko sa ginawa niya.

Hindi siya nakinig. Sa halip ay tinihaya niya ang katawan ko para bahagyang ihilig pa ang ulo niya sa 'king dibdib.

"It's addicting." mas lumanghap pa siya roon at nagpakawala ng mainit na hininga.

Pinamulahan agad ako ng mukha. "Ang bigat mo!" Pilit kong inaalis ang ulo niya. "Ezekiel!"

"Just for a minute. Papahinga lang ako."

Natigilan ako saka naalalang wala pa siyang tulog. Napakalma ako at tumikhim. "Pwede ka namang magpahinga, kama mo naman 'to. 'Wag lang mismo sa katawan ko."

"Alright." pagsang-ayon niya.

Napahinga ako ng maluwag at hinintay siyang umalis. Subalit lumipas na ang ilang segundo ay hindi naman siya kumikilos.

Muli akong nairita. Akma ko na siyang itutulak nang marinig ko ang maliliit niyang paghilik.

"Wow. Nakatulog ka na agad?" napaasik ako at wala namang naging tugon mula sa kaniya.

Sino ba kasi nagsabing magpuyat ka para alagaan ako? I never called for you. Why didn't you just let me be mad at you forever?

Sa huli ay hinayaan ko siyang magpahinga. Nanatili ako sa ganoong posisyon para hindi siya maistorbo.

Subalit lumilipas pa lamang ang trenta minutos ay hindi ko na kinaya ang pabigat na pabigat ng katawan niya sa 'kin.

"That's it! I sacrificed enough." Pilit kong binangon ang katawan ko, saka maingat na iniangat ang ulo niya upang ihiga sa kalapit na unan.

Nang mapagtagumpayan iyon ay saka ko inayos ang posisyon ng katawan niya upang itihaya nang hindi siya mangawit.

Sandali ko pang pinagmasdan ang perpekto niyang mukha, na walang kupas kahit sa pagtulog.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon