"Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking 'yan para magpakita pa sa TV, ano? Maghintay ka lang sa oras na mapanood 'to ni sir Heskel!" Nangggagalaiting banta ni Panying habang tutok na tutok sa screen.
Nananatili akong nakatulala roon. Habang tumatagal ay siyang paabilis nang pabilis na pagtibok ng puso ko dahilan upang habulin ko ang nanlalamig kong hininga.
""Napakatagal na rin magmula nung huli tayong nagkita, Brantley! Grabe! Mas lalo kang pumogi, mas lumaki ang katawan mo! Kumusta na ba? Sa tagal na panahon, panigurado akong marami kang baon na kwento para sa mga madla!""
Makikita ang labis na pananabik ni Mami Vic. Hindi naman nawawala ang malaking pagkakangiti ni Brantley sa kaniyang mga labi na umaabot pa hanggang sa tainga niya.
""It has been a very long time, so I thought hindi na ako kilala ng mga tao. Pero para makita ang pagdagsa ng mga audience ngayon, hindi ko talaga 'to inaasahan!""
""We love you, Brantley!""
""Whoooooo!!""Ganoon na lang ang paglukot ng mga mukha ko. Imposibleng may makaalala pa sa'yo at dagsain ka diyan! Paniguradong binayaran mo 'yang mga tao diyan!
""For the past three years, hindi naging madali ang buhay namin dahil na rin sa pag-alis sa showbiz. We have missed a lot of things, including our families and friends. That's why I'm very grateful for today's opportunity to appear again in public.""
""Wow!"" mas lumaki ang ngiti ni Mami Vic. ""You keep saying 'we', sino ba 'yang tinutukoy mo, Brantley? Please tell us about everything! Kasi talagang nagulat din ako nung kinontak mo ako for an interview! Halos mahulog ako sa kama ko, oo! Totoo nga ba ang haka-haka---kasi eto ah? Hindi lang ikaw ang nawala sa showbiz three years ago... hindi lang ikaw!""
""Kyaaaaaah!! Serena!!"" napakaingay na sigaw ng audience sa studio.
""Oh! Alam nating lahat 'yan kung sino ang tinutukoy ko!"" mas lalong nanabik si Mami Vic. "So wala nang paligoy-ligoy, ano ang kwento?""
Muling tinapat ni Brantley ang mikropono sa bibig niya at natatawang tumugon. ""You guys! Alright, alright! I've been with Serena for the past three years, and we've been together as a couple.""
Mas umakas ang hiyawan at palakpakan sa studio. Magingg si Mami Vic ay napatalon sa kaniyang upuan upang makipagsabayan sa 'kilig' ng mga audience.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa vacuum at doon na lamang kumuha ng lakas upang hindi mahulog sa sahig.
Napaka-kapal ng mukha mo, Brantley!!!
Ang kapal ng mukha mo para idamay mo pa ako diyan sa kalokohang ginagawa mo!! Napakawalang-hiya!! Matapos ng ginawa mo sa 'kin umaakto kang wala lang iyon sa'yo!
"Gago! Hoy! Nandito 'yung Serena mo!!" Muling pagalit na sigaw ni Panying.
"Kunin mo na 'to, mukhang proud ka pa na nagsama kayo, eh!" ganundin ang reaksyon ni Davina.
Kanya-kanya nang usapan ang mga nakikinood kasama namin sa sala. Iba rin ang paraan ng pagsulyap nila sa akin.
Habang ako ay pinanghihinaan ng katawan, subalit ang loob ko ay kanina pa nagsusumigaw. Kung kaya ko lang magwala ngayon ay gagawin ko na!
""Couple, as in you and Serena got married in real life?"" pagkumpira pa ni Mami Vic kay Brantley.
Magkakasunod naman itong tumango. ""Yes! Right after we decided to leave the showbiz life to build a family, nagpakasal na agad kami.""
We never got married! Hindi 'yon totoo!
""Pero 'yung time na 'yon. Kumalat na sa lahat ng news outlets na kasal si Serena Laurel sa isang kilalang businessman sa bansa, si mister De Silva.""
""Yeah, gusto ko ring i-clear ang news na 'yon na wala 'yong katotohanan. Ever since the leaked video spread on social media, sumunod na 'yong balita na kasal talaga ang asawa ko sa lalaking 'yon. Pero ako na ang nagsasabi na wala 'yong katotohanan. Dahil sa nangyaring 'yon, Serena's reputation fluctuates a lot, and it was hard for her during that time since bago pa lang din kami no'n. But alam naman namin ang katotohanan, so after matapos ang series na ginagawa namin noon, talagang nagdecide na kami na magsama."
Muling umigay ang palakpakan at lumiwanag ng husto ang mukha ni Mami Vic. ""Ayun naman pala!""
"Anong hindi kasal?!" muling napabulalas si Panying. "Kasal! Kasal si Sir Heskel at Serena! Napakasinungaling! Gagawin pang masamang tao si sir Heskel!!"
"Edi ano nang nangyari? Bakit nandito si Serena, ha? Brantley?!"
"Jusko! Naguguluhan ako sa nangyayari!"
"Ang hirap talaga kapag nag-two timing ka!"
"Hindi kaya niloloko lang din siya ni Serena noon?
"Baka naman sinabi ni Serena na hindi pa siya kasal noon kaya siya pinatulan ni Brantley?"
"Hala ka! Iba talaga kapag lumandi!"
Sa akin nabaling ang sisi. Sa akin agad silang lahat nagalit dahil sa mga panghuhulang iyon. Ni hindi nila ako mismo tinanong. Marahil ay ayaw nilang paniwalaan ang mga 'kasinungalingang' lalabas sa bibig ko.
""So kumusta naman ang married life ninyo ni Serena?"" kuryosong tanong pa ni Mami Vic. ""Napakatagal na rin na wala kaming ni-ha, ni-ho ng babaeng 'yon! Nakakatampo dahil iniwan ako ere! Wala man lang paalam. Miss na miss ko na kaya siyang makasama rito sa show ko! Sana naman nakasama mo man lang siya ngayon. Kumusta na ba siya?""
Muling tumawa si Brantley. ""I'm sorry that she's not able to be here with me. Sadyang may nangyari lang at ngayon ay nasa 'pamilya' niya siya. We were happily married; sadyang parte na lang talaga siguro ng pag-aasawa ang palagiang away at tampuhan. Actually, ngayon nga ay may alitan parin kaming dalawa. But I promised her that I would 'get her back' and 'bring her home' with me. No matter what happens, I still 'love her', and I'll 'do everything' to see her again.""
Bawat diin niya ng mga salita ay siyang nanginginig ng damdamin ko. What does he mean by that? W-What... what is he trying to do!
I know him enough to know by now that he's planning something.
""Ano 'yun? So hindi kayo magkasama talaga ngayon ni Serena?""
""Unfortunately, no, dahil kinuha siya ng 'pamilya' niya. Pero gaya nga ng sinabi ko, magiging magkaayos din kami. Lalo pa't alam kong namimiss na rin ako ng 'anak' naming dalawa.""
""Whoa!! May anak na kayong dalawa? Oh my god!""
Hindi lamang sa studio ang napasinghap ng hangin, kundi ang mga taong kasama ko ngayon. Lahat sila ay nagugulat na napalingon sa akin. Halos hindi maipinta ang kanilang mga mukha.
Subalit hindi lamang silang lahat, kundi maging ako.
Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng dugo ko sa katawan. Napakapit ako sa sofa sa labis na panghihinga dahil lamang sa sinabi ni Brantley. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.
""May picture? Ayan! Ipakita niyo sa screen! Wow!!""
May mas ikakadabog pa pala ang puso ko nang sumakop sa buong screen ng TV ang picture ko habang karga-karga si Duziell. Iyon ay stolen picture, subalit nagmukhang inadya dahil sa tamis ng aming pagkakangiti sa larawan.
N-No... NO!!!
Hindi mo alam ang ginawa mo, Brantley!!!
Nandilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para buhatin ang vaccum at walang anu-ano'y ihagis iyon sa TV!!
Kaagad na nagtilian ang mga nakapaligid nang bumagsak iyon at mabasag dahilan upang tuluyang nawala ang kanilang pinapanood.
"Serena!!" hindi makapaniwalang bulyaw ni Panying. "A-Anong..."
"Oh my gosh! May anak sila ni Brantley! Ayaw niya 'yong ipalandakan sa 'tin!"
Pinanginigan ako ng katawan. Pakiramdam ko ay wala akong naririnig. Nagmamdali akong tumakbo patungo sa aking kwarto at doon nagwala ng husto!
It's over! It's over!!
S-Si Ezekiel... Malalaman na ni Ezekiel!!
"B-Brantley... bakit mo ba 'to ginagawa?" halos isumpa ko ang pangalan niya sa pag-apaw ng damdamin ko.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romansa"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...