EZEKIEL was left paralyzed while staring at the TV screen.
Ang kanina niyang hawak na baso ng alak ay ngayo'y nagkalat na ang mga bubug sa malamig na tiles ng kaniyang opisina.
Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig, habang naririnig sa kaniyang tainga ang magagadang komento ng host habang kausap si Brantley Maxwell.
Ang kanila lamang na pinag-uusapan ay walang iba kundi ang 'anak' ni Serena at Brantley na siya pang sinamahan ng larawan upang maging proweba.
""Our child is quite a genius. He's only two years old, but he can construct one to two sentences and speaks clearly. He's also tall for his age and very, very brave, regardless of his limits. Sa tingin ko nga ay duplicate siya ni Serena pagdating sa ugali. I can't help but feel proud of our son.""
Binabandera ng lalaki ang sinasabing anak nila ni Serena. Habang hindi nawawala sa background ang larawang lumalamutak sa puso mo ni Ezekiel.
Kung panaginip lang ito ay gustong-gusto na niyang gumising at bumangon upang harapin ang kaniyang asawa.
Ang kaninang galit niya nang unang makita si Brantley Maxwell sa TV ay agad na nasapawan ng labis na pagkagulat at kakaibang pakiramdam.
He had never expected a move like this from this bastard. He never suspected anything about illegitimate children or anything about it.
Malinaw na sinabi ni Serena na ayaw nitong magka-anak. Serena clearly told him that she never wanted to have a child... with him.
Nahilo siyang bigla at napasabunot sa kaniyang buhok.
"S-She never wanted to have a child with me... that means..." It's because she has already had a child with another man whom she loved.
Halo-halo ang naging emosyon niya sa reyalisasyong iyon. Hindi siya makapag-isip ng tama at deretso. Napakaraming pumapasok sa isipan niya ngayon, at hindi niya malaman ang gagawin.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib at malakas iyong pinaghahampas upang pahintuin ang paulit-ulit na pagtusok ng maliliit na karayom doon.
He's feeling the same thing as he felt when he confirmed that Serena abandoned him.
"B-Boss..." nerbyoso paring nakatuon si Ramil sa kaniya. "Hindi namin napigilan si Brantley Maxwell sa ginagawa niya ngayon dahil sa dami ng nakapalibot at nakaprotekta sa kaniya. Naka-back up sa kaniya ay halos sangay ng gobyerno. Hindi madaling—"
Parang walang ibang naririnig si Ezekiel. Agad niyang nilampasan ang lalaki at nagmamadaling lumabas ng office saka pumasok sa elevator.
Wala siyang pakialam sa mga taong nakakasalubong niya at bumabati sa kaniya. Ang mga mata niya ay walang kasing dilim na tinatahak ang daan palabas ng kumpanya.
'Di kalauna'y minaneho niya ang kaniyang saksakyan. Halos liparin iyon at magdulot ng insidente para sa iba, para lamang marating niya ngayon ang kaniyang mansyon.
"Hindi ako makapaniwala na merong anak si Serena!"
"Oo nga! Nagkaro'n pala talaga sila ng anak ni Brantley!"
"Kayo ba naman, tatlong taong nagsama? Hindi ba kayo magkakaanak?"
"Eh bakit? Sila nga ni sir Heskel nagsama rin almost three years, pero wala namang binunga!"
"Baka ayaw lang talagang magpabuntis ni Serena kay sir, mas gusto si Brantley."
"Alam kaya 'to ni sir Heskel?"
Ezekiel overheard all the maids' conversations as he entered the living room of the mansion. Nang makita siya ng mga ito ay agad silang natigilan at gulat na napabaling sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romantizm"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...