CHAPTER 15

0 0 0
                                    

Chantel's POV

Linggo ngayon, at nandito ako sa plaza, naghihintay kina Kyrie at Isolde. Tinawagan nila ako dahil gusto daw nila akong makita, lalo na’t matagal na kaming hindi nagkikita simula noong nangyari sa amin ni Zeid.

"Giiirl!" sigaw ni Kyrie habang tumatakbo palapit sa akin.

Pagkalapit nila, agad akong niyakap ni Isolde.

"We really missed you, girl," sabi ni Isolde pagkatapos ng yakap.

"Ako na 'to e," biro ko sabay tawa.

"Ayy hindi, ako siguro 'yan," banat ni Kyrie na may halong pang-aasar kaya hinampas ko siya.

"Tara, jabi! Libre ko na!" yaya ni Isolde, kaya wala nang dalawang-isip at pumayag agad kami.

Sabi pa nila, huwag tanggihan ang grasya.

"Girl, remember Aiko? Birthday niya ngayon, invited us!!" masayang sabi ni Kyrie matapos niyang isubo ang spaghetti niya.

Si Aiko, kaklase namin noong Grade 9. Isa rin siya sa mga mayamang estudyante pero mabait. Balita ko, close din sila ni Glenn.

"Ayy? Wala naman akong natanggap na text mula sa kanya," sagot ni Isolde.

"Ako rin."

"Nooo, nag-chat kami kanina. Pinapapunta daw tayo."

Nagtinginan kami ni Isolde matapos sumagot si Kyrie.

Ngumiti si Isolde sa akin habang itinataas-taas ang kanyang mga kilay.

Wala na akong nagawa dahil halatang ganado ang dalawa, kaya sumama na lang din ako.

Hindi ko inakala na ganito pala kalaki ang bahay nina Aiko. Kaklase namin siya noong Grade 9, pero ngayon lang ako nakapunta sa kanila.

Nasa labas pa lang kami, pero dinig na dinig na ang malakas na tugtog mula sa loob.

"Guuyyss!!" tawag sa amin ni Aiko habang masayang lumapit.

"Happy birthday, giiirl!" bati ni Kyrie.

"Happy birthday! Tumanda na talaga tayo."

"Happy birthday, Aiko!"

"Thank youu! You guys are so late na. Let's go inside?" aya niya, kaya tumango lang kami at sumunod sa kanya.

Napanganga ako pagpasok namin sa loob—puno ito ng mga teenagers.

Mga ka-edad namin na nagsasayawan sa gitna habang may hawak na mga inumin.

Yung iba, kumakain sa gilid, at may ilan ding umiinom sa mga mesa nila.

"Hii, miss," bati ng isang lalaki habang humarang sa harapan ko.

Ngumiti ako nang awkward at tumingin ulit sa paligid.

Shit, nasaan na sila Isolde? May lahi ba sila ni flash at ang bilis nilang mawala?

Punong-puno ng tao, kaya hindi ko na makita kung nasaan sila.

"Excuse me, excuse me, excuse me," sabi ko habang naglalakad para hanapin sila Isolde.

Umabot ako sa dulo kung saan medyo kaunti na lang ang tao, kaya nakahinga ako nang maluwag.

May nakita akong mesa na walang tao, kaya pumunta ako roon para itext sina Kyrie. Binuksan ko ang cellphone ko at nagsimulang mag-text sa kanila.

Tumingin ako sa paligid — lahat parang nagkukumpulan at nag-iinuman.

Hays, nasaan na kaya yung dalawang ‘yun?

"Ma’am?" may narinig akong boses ng lalaki kaya napatingin ako.

May dala siyang tray na may mga nakapatong na inumin. Inalok niya ang tray, at sa hiya, kinuha ko na lang ang isa kahit nagdadalawang-isip ako.

Diretso ko itong ininom at napapikit sa sobrang pait. Binalik ko ang baso sa tray, at umalis na siya sa harapan ko.

Grabe ang epekto ng inumin, parang biglang umikot ang paligid ko. Nawala na rin ang hiya ko pagkatapos uminom kaya lumapit ako sa mesa kung saan may mga nakahain pang inumin.

Iba-iba ang kulay ng mga ito, kaya kumuha ulit ako ng isa. Una kong kinuha ay ang color pink dahil favorite color ko ito. Diretso ko ulit itong ininom, at tulad kanina, napapikit ako sa pait at naramdaman ang pag-ikot ulit ng paligid.

Parang naadik na ako kaya tuluy-tuloy lang ang pag-inom ko.

"Giirrll, let's dance!" malayo pa lang, narinig ko na si Kyrie na papalapit sa akin.

Hinila niya ako papunta sa gitna, kaya sumayaw na lang din ako. Kung makahila akala mo ay hindi ako iniwan kanina.

Nawala ang hiya ko at nadala ako sa mga sayaw at tugtog kaya nakisabay na rin ako sa mga tao sa paligid.

"Whoooo!"

"Go! Go!"

"Giiirll HAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na pagtawa ni Kyrie nang makita akong nag sexy dance.

Tagaktak na ang pawis ko kaya lumayo ako sa gitna at bumalik sa mesa kung saan ako tumambay kanina. Hawak ko ang ulo ko habang umuupo.

Pumikit ako saglit, pero lalo lang akong nahilo. Kaya agad akong tumayo dahil parang masusuka na ako. Plano ko nang hanapin sina Kyrie, pero biglang nag-crisscross ang lakad ko at nawalan ako ng balanse.

May biglang humila sa kamay ko kaya hindi ako natumba at diretso sa dibdib niya napunta.

"Aaawww!" reklamo ko habang hawak ang ulo ko.

Tumingala ako para tingnan kung sino iyon, at nakita ko ang isang lalaki na galit ang tingin sa akin.

"S-sino ka? Bitiwan mo ako! I'm going to dance!" sabi ko sabay pilit na bawi sa kamay ko.

Pero hinawakan niya ulit ito.

"Fuck, Chantel, you're already drunk!" Napatingin ako sa kanya nang mabuti at biglang nagklaro ang mukha niya sa isip ko.

"Let's go, ihahatid na kita pauwi," sabi niya habang hinihila ang kamay ko. Pero hindi ako sumama at nanatiling nakatayo kung nasaan ako.

He was obviously very angry — he clenched his jaw as he stared at me.

"You will come with me, or I will kiss you here in front of them."

I rolled my eyes at hindi pinansin ang sinabi niya. Umiwas ako, pero bigla niya akong hinila ulit at napaharap sa kanya.

It happened quickly, and I just felt his lips pressed against mine. Sabay naramdaman ko ang init sa pisngi ko at ang lakas ng tibok ng puso ko na parang may drum na pumapalo sa loob. Para akong nawala sa sarili—hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bumitaw siya at tumingin diretso sa mga mata ko. "That's enough, Chantel. You're going home," he said calmly.

Hindi ako makapagsalita. Ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko, at parang hindi na ako makahinga. Sa halip na sumagot, tumalikod ako at naglakad palayo, pero ilang hakbang pa lang, naramdaman kong hinawakan niya ulit ang braso ko. 

"Chantel, I won't let you stay here. You're in bad shape," madiin niyang sabi, ngunit hindi nawala ang lambing sa tono niya.

Para akong inaakit ng boses niya. Umiinit ang buong katawan ko.

"No, I can do it myself" sabi ko kahit na pumipikit-pikit ng ang mga mata ko.

He gently wraps his hands to my hips. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya. Ramdam ko ang init ng kamay niya. Dahan dahan niya itong hinimas na para bang inaalog ang buong kaluluwa ko.

"I know you hate me, but that doesn't mean I'm going to leave you here."

Natigilan ako. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Gusto ko pa sanang tumanggi, pero ang bigat na ng ulo ko, at parang umiikot na ulit ang paligid. Sa huli, wala akong nagawa kundi hayaan siyang akayin ako palabas ng bahay.

The Bet that Altered Everything Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon