"Isang chapter nalang"mahinang bulong ko sa sarili ko,natawa pa ako ng marealize na ilang beses ko ng nasabi yon sa sarili ko.
Kaka isang chapter ko nalang inabot na ako ng alas tres at kung hindi pa tuluyang nalobat ang cellphone ko,mag-iisang chapter nanaman ako.
Mag aalas otso na tuloy akong nakapasok sa first period namin kinaumagahan.
"oh aga mo para sa second period pril"tinapatan ko lang ng middle finger si angel bago tuluyang pumasok sa room,nag good morning din ako sa teacher namin at mukang sanay naman na sya sa oras ng pasok ko.
Sa kalagitnaan ng pag-upo ko sa chair ko bahagya akong napatingin sa kabilang side ng mga hirerang upuan at ayon sya,mahinang nakikipag-usap sa katabi nya.Napangiti na lang ako at napaiwas ng tingin.
Gumanda na agad ang araw ko kahit kulang ang tulog.
He's really my motivation,my inspiration kahit tingin ko hindi nya alam na nag-eexist ako.
Kahit hindi nya ako magustuhan pabalik sapat na sa aking nakikita ko sya palagi.
Kung para sa iba ordinaryong tao lang sya pero sakin taas taas nya para sa paningin ko,ang hirap abutin at hindi ko rin pinangarap na maabot dahil kontento ako pagmasdan na lang sya mula sa malayo at wag ng subukan pang lapitan.
Just like a star,I always look and admire it, but that's all I can do,dahil para sa katulad ko imposibleng tignan at hangaan din ako pabalik ng taong tinuturing kong bituin ng buhay ko.