TAOW 10

349 18 18
                                    

Matching

"Goodmorning, Amias!" Maligayang bati ni Rheyn sa lalaki kinaumagahan.

Maaga kami ngayon pumunta sa campus. At dahil nga medyo may pagkamadaldal si Rheyn, medyo naging ka close niya kaagad ang propesor kahapon kaya sa kanya ibinigay ang susi ng classroom.

Ihinabilin niya rin na kung pwede bang kami na ang maglinis ng classroom para wala ng gagawin. Wala naman iyong problema sa amin dahil palagi namang malinis ang room at kakaunting walis lang ang gagawin.

Kami na rin ang nagbukas ng aircon. Pero isang aircon lang ang binuksan ko lalo na't kami pa lang naman ang narito.

"Goodmorning..." Bati ni Amias sa mahinang boses na kararating lang at agad na bumaling sa akin.

I suddenly felt like I also needed to greet him so I shifted on my stand and cleared my throat. "Goodmorning, Amias." pormal kong bati at itinuon ang atensyon sa bintana.

Naramdaman ko na lang ang pag upo niya sa tabi. Agad akong nakaramdam ng kaba ng maalala ang nakita kahapon. Baka isipin niyang sinusundan ko siya dahil nakita niya ako nung araw na iyon.

Alam ko naman hindi dapat iyon big deal pero iba kasi talaga siya kung manitig. Parehong-pareho sila ni Faron. Medyo nakakatakot ang dating kaya rin siguro hindi ko magawang kausapin siya kahapon.

"Malinis na 'yan, Rylle. Tigilan mo na ang pag pupunas ng bintana." Rinig kong sabi ni Rheyn mula sa kabilang pintuan.

Dahan-dahan akong tumango at bumaba sa upuang tinatapakan. Sinara ko ang bintana bago tuluyang pumunta sa likod para ilagay ang mga nagamit naming panlinis ng silid.

Inabala ko ang sarili sa pag aayos hanggang sa naramdaman kong muli ang presensya ng isang tao sa likod ko. I stopped and looked at that someone. Muntik pa akong matumba ng makita kung sino iyon.

"Amias..."

"What can I help?" Walang emosyon niyang tanong na agad na nagpataas ng balahibo ko.

Inayos ko ang sarili at tuluyan nalang na umupo sa sahig. Tiningala ko siya bago sumagot.

"W-wala naman na... tapos na kami maglinis. Salamat na lang."

Mas lalo akong kinabahan ng magdilim ang titig niya. Napakurap ako sa nakita. Is he mad? Pero wala naman akong ginagawa.

"Are you sure? Or you just don't want me to help?" Hindi ko alam pero parang nahimigan ko doon ang katarayan sa boses niya.

Despite his sudden mood of change, thinking that he just had a bad morning, I still answered him in a calm voice.

"Oo, Amias. Kanina pa kasi kami dito kaya maaga naming natapos ang mga linisin." Sagot ko sa kalmadong boses kahit na nakakaramdam na din ako ng inis.

"Sinasabi mo bang sinadya kong matagalan kaya hindi ako nakatulong sa paglinis?" Taas kilay niyang tanong.

Umawang ang labi ko at gulat siyang tiningnan. He just looked at me emotionless, but can still see the madness in his eyes. Ang kaba sa dibdib ko ay mas lumala pa ng tuluyan ng magtama ang mga mata namin. Napakurap ako, ramdam ang init ng sulok ng mga mata.

"Ano? Totoo ba, Rylle?" Tumaas na ang boses niya, ang kahinhinan ay nawala.

Gasping for air, it took me a second to process what he asked. Mabilis akong umiling ng paulit-ulit sa kanya at tumayo na. Nag level ang mga mata namin, hindi akk humakbang palapit sa kaisipan na baka may gawim siya lalo na't galit ang mga titig niya sa akin na hindi ko maintindihan kung bakit.

"H-hindi naman gano'n ang gusto kong sabihin-"

"O baka naman kasi gusto mong mag bida dito para magustuhan ka agad ng mga propesor."

The Art Of WinningWhere stories live. Discover now