~

1.2K 2 0
                                    

ALAMAT NG PUSANG ITIM

Isinulat ni Christian Rangas

Noong unang panahon, sa nayon ng Lao tzu sa bansang china. May Isang diwata daw na kayang ibigay ang lahat ng iyong hihilingin. Sinasabing ang diwatang ito ay naga-anyong pusa na kulay puti at Nagpapakita lamang daw ito sa mga mabubuti ang puso. Ang kwento ay agad na pinaniwalaan ng mga mamamayan ng lao tzu. Ang mga matatanda ay palaging nangangaral na maging mabait para daw magpakita sakanila ang sinasabing pusa.

"kaya kayo, maging mabait kayo ha? Para matupad ang mga hiling nyo" paalala ng isang matanda na nakaupo sa putol na sanga na kahoy. Sya si mang khazou. Malimit syang magkwento ng kung ano-ano sa mga bata lalo na kapag hapon.

"opo! Magpapakabait po ako!"

"ako rin!"

"di ko na aawayin si jiang para matupad na yong hiling ko!"

Sunod-sunod na sagot ng mga bata. Sa sulok naman ay tahimik na nakikinig lamang si huan ho. Malimit syang magsalita ngunit malambing. Tapos na ang kwento ng matanda kaya naman ay nagsiuwian na ang ibang bata at pati na rin si huan ho. Isang maliit na kubo lamang ang tirahan ni huan ho. Kasama nya rito ang kanyang lolo. Singkwenta anyos na ito kaya naman ay bihira ng gumalaw kaya naman ang batang si huan ho ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Ulila na sya sa ama at ina kaya naman ang kanyang lolo ang kasama nya sa araw-araw. Hindi maalis sa isip nya ang kwento ng matanda. Ilang beses nya man itong narinig ay umaasa syang makikita nya ang pusang puti na syang tutupad ng kanyang kahilingan.

"lolo, sa tingin nyo po ba... magpapakita sa akin ang diwata?"

"ang puting pusa ba kamo?"

"opo.."

"alam mo apo, alam kong mataas ang pangarap mo pero, talagang ganto ang buhay.. maging kuntento na tayo sa kung anong meron tayo.."

Tumango na lamang ang bata at tumungo. Alam nya ang tinutukoy ng kanyang lolo. Mahirap lang kasi ang kanilang buhay. Kaya naman ay sinisikap nitong pagbutihin ang kanyang pag-aaral para maiahon nya sa hirap ang kanyang lolo.

Isang tahimik na gabi ang nabasag ng makarinig si huan ho ng kaluskos mula sa bintana. Malapit kasi ang kanyang tinutulugan sa bintana kaya naman ay rinig na rinig nya ang kaluskos na talagang nakapagpatayo ng kanyang balahibo. Agad nyang hinila ang kanyang kumot at ikinumot sa kanyang buong katawan.

"krrrssssssshhhhh.."

Ang ingay ay mas lalong lumakas at animoy papalapit sakanya kaya naman ang batang huan ho ay agad na sumilip sa labas ng kumot. Napatakip sya ng kanyang mata ng maaninag sa kanyang harapan ang napakalaking liwanag. Sobrang liwanag.

"s-sino ka?"

"hindi mo ba ako kilala?"

Malambing at maganda ang boses nito. Tila isang dalaga. Ang liwanag ay unti-unting nawala at lumabas ang napakagandang binibini. Nakaputi ito at nababalutan ng puting tela na may mga rosas.

"kaya kong tuparin ang anumang gusto mong hilingin"

"t-talaga?"

"alam kong may ginintuan kang puso kaya bibigyan kita ng tatlong kahilingan.. tawagin mo lang ako at ako'y magpapakita"

Unti-unting nawala ang dalagang diwata at hini makapaniwala ang batang si huan ho kung totoo nga ba ang kanyang nakita.

Nagpatuloy ang mga araw.. nagamit na nya ang kanyang dalawang kahilingan. Nagging mayaman sila huan ho kasama ang kanyang lolo. Ang dating kubo nila ay nagbago. Mala-palsyo ito sa ganda kaya naman ay kilalang-kilala sila. Ang pangalawa nyang kahilingan ay madagdagan ang kanyang tatlong kahilingan ngunit hindi ito pinayagan ng diwata bagkus binawas na ito sa kanyang tatlong kahilingan. Isang hiling nalang ang natitira.

"p-pero.. bakit? Gusto ko pang madagdagan ang kahilingan ko!"

"sobra-sobra na ang lahat huan ho. Ngayon, isa nalang ang natitira.. ano ito?"

"sige na nga! Ang huling kahilingan ko ay maging tulad mo! Tulad mong makapangyarihan! Mas malakas pa sa iyo! Pinakamalakas sa lahat para kung ano man ang hilingin ko ay matutupad!"

Halos pasinghal nya itong sinabi.

"kung gayon, mattutupad na ang iyong kahilingan.."

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Pati ang katawan ni huan ho ay lumiwanag. Lumutang sya at maya maya lang ay nawala na ang diwata at ang batang huan ho ay naging pusa ngunit kulay itim. Kabaliktaran sa diwata ay imbes na matupad ang gusto nyang hilingin ay hindi ito nangyayari bagkus kabaliktaran rin ang nangyayari. Simula nun ay gumala na ang batang si huan ho na isang itim na pusa at nilalayuan ng mga tao dahil sya raw ay malas. Naging kwento-kwentuhan narin na kaya kulay itim ito ay dahil pinarusahan daw ito dahil sakim at masama. Hindi raw ito nakuntento. At hanggang ngayon ay pinaniniwalaan na kapag may dumaan dawn a pusang itim ay mamalasin ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALAMAT NG PUSANG ITIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon