Chapter 18: Kasal, kasalan
3rd P.O.V
Mainit na pakiramdam ang dumadampi sa balat ng batang babae. Hindi niya maiwasang mapa ngiti habang sinusuot ang puting bestida. Pagka tapos niyang isuot ay agad din siyang lumabas galing kwarto.
Bumungad sakanya ang mga kalarong halos naka puti rin. Lumapit sakanya ang isa, bago ini abot ang isang kumpol ng bulaklak. Kinapitan niya ito ng mahigpit bago sumunod sa mga ito na kasalukuyang naglalakad papunta sa likod ng simbahan. Kita ang ngiti sa mga labi ng mga ito, maging ang batang babae at ang bumungad sakanyang batang lalaki.
Hindi nila maiwasang mapa ngiti sa isa't isa.
Naka suot ng puting damit ang batang lalaki at isang magandang bestida namang puti ang suot ng batang babae. Matagal na silang magkakilala. Halos araw-araw silang naglalaro at nagkukulitan.Napatigil sila sa pagti-titigan ng rumating na ang gaganap bilang pari, si Kyle. Kita sa mata nito ang pag aalinlangan kong tama bang sumama siya sa laro ng mga ito.
"Ano na Kyle. Bilisan mona. Naghihintay ang ikakasal" utos ni Bea kay Kyle, matapos hindi ito magsalita ng ilang minuto habang naka tingin sa dalawang ikakasal. Si Leah at Jerome. Napa hinga ng malalim si Kyle.
Pinsan niya si Leah, at kahit hindi niya gustong gawin ito ay wala na siyang magagawa pa, dahil nandito narin naman siya."Magandang Umaga sa inyong lahat. Narito tayong lahat upang saksihan ang pag iisang dibdib ng dalawang tao" panimula ni Kyle. Napa pikit pa ito bago nagpatuloy sa pag sasalita. "Ms. Angeles, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso si Mr. Fuentes?" tanong ni Kyle bilang pari. Marahang tumango si Leah ng may ngiti sa labi.
"Opo, father." abot langit ang ngiti nito habang nakatuon lamang ang tingin sa mga mata ni Jerome. Itinuon naman ni Kyle ang kanyang tingin kay Jerome. " Ikaw naman Mr. Fuentes, tinatanggap mo bang maging kabiyak ng iyong puso si Ms. Angeles?" tanong naman ni Kyle kay Jerome. Sumilay ang malaking ngiti sa labi ni Jerome. "Opo, father." tugon nito habang hindi parin inaalis ang malawak na ngiti at deretcho lamang ang tingin kay Leah.
"Now we are pronounce you two, a husband and wife. Mr. And Mrs. Fuentes. You may now kiss the bride, Mr. Fuentes" anunsyo ni Kyle sa malamlam na tuno na tila isang tunay na pari at totoong kasal talaga ang nagaganap. Nag hiyawan ang lahat ng bisita. "Kiss na!" udyok ng halos lahat ng kalaro nila. Nagkatinginan ang dalawa bago unti-unting inilapit ang mukha ng isa't isa, hanggang sa magsalubong ang kanilang mga labi. Lalong lumakas ang tilian. Agad nilang pinaghiwalay ang magka dikit na labi.
"Mabuhay ang bagong kasal!!!" hiyawan ng mga kalaro ng dalawa. Napa ngiti si Leah ng may bahid rin ng hiya. Samantalang, kita naman ang malapad na ngiti ni Jerome habang si Leah ay naka hawak sa kanyang bisig at dala ang kumpol ng bulaklak na pinitas lang nila sa kapitbahay.
* * *
Leah P.O.V during uwian
Kanina pa kaming walang tigil sa pag tatawanan nina Layla. Gaya ng dati inaasar parin nila ako.
"Oh ba't natahimik ka Lai? Siguro na alala mo si Jerome noh" asar nito dahilan para
makaramdam ako ng hiya. Hanggang ngayon malimaw parin sakin ang lahat. Si Jerome ang first kiss ko."Ano ba kayo!? Laro lang yun" depensa ko. Napa nguso nalang ako ng marinig ang hagikhik ng dalawa. Mukhang wala talagang patutunguhan ang usapang ito.
Naglakad ako papunta sa upuan ko habang nakasimangot parin bago umupo. Kinuha ko ang cellphone ko at dumerecho sa Wattpad, just like before.
YOU ARE READING
You Write, I Read
Short StoryFalling in love at first sight? Common called when you saw someone then you accidentally inlove with him. How creepy, right? A love story between Writer and Reader? This story dedicated of all teenager who accidentally falling in love in author on...