Chapter 1
Her POV
"Why you're not telling this to us Binibining Celeste? This is death treat. Sa tingin mo mapapatawad namin ang aming sarili kapag ikaw ay nawala binibini. Hindi namin kakayanin ng iyong ina kapag kayong dalawa ng iyong kuya ay mawala" may diin na ani ng aking ama at mahahalata mo sa kanyang salitang binitawan na ito ay galit.
"Patawad aking ama. Sapagkat ayaw ko lamang na makadagdag pa sa iyong alalahanin pa ama." Maalumanay na tugon ko rito.
"Oh aking anak huwag mo na itong uulitin pinagalala mo kami ng sobra" malambing na ani ng aking ina.
" Oo ina hindi na po ito mauulit"
"Hindi na talaga binibining Celeste dahil ikaw ay lilipat na ng universidad. Hindi ka na safe rito pa sa labas kakailanganin ka na namin ilayo pa rito" nagulat ako sa sinabi ng aking ama sapagkat ito ay hindi ko inaasahan. Malalayo rin ba ako sa aking pamilya? Paano ako kapag sila ay malayo sa akin ito ay hindi ko kakayanin.
"Ano ang iyong ibig sabihin ama" nagtatakang tanong ko sa aking ama. Ito ay hindi ko inaasahan ang lumipat ng paaralan gayon patapos na ang unang semester sa taong ito.
" Ililipat ka namin sa ibang unibersidad Binibining Celeste kung saan alam namin na magiging ligtas ka." Sagot sa akin ng aking kapatid.
"Kung gayon ama,ina at kuya ay wala na akong magagawa basta ako ay ligtas. Pero gayon pa man nagtataka ako kung bakit may nakakakilala sa akin sapagkat hindi niyo naman ako pinapakilala sa publiko sa takot niyo na magawan ako ng masama hindi kaya may kasabwat ito ama dito sa bahay?" Kunot noong tanong ko sa aking ama sapagkat ako'y masyadong nagtataka kung bakit may natatanggap ako death threat kung walang nakakakilanlan sa akin maliban sa aking pamilya. Wala rin nakasabit na larawan ko sa mga dingding dito sa bahay. Natrauma na raw ang aking ina noong may mangyaring masama sa akin noong bata ako kaya magmula noon ayaw na nila akong pinapakita sa publiko dahil ayaw nilang manganib ang aking buhay. Iyon naman ay aking naintindihan dahil alam kong mahal nila ako at ayaw lang nila akong mapahamak sa mga masasamang kalaban sa negosyo ng aking ama.
"Bweno iha huwag mo ng intindihin iyon at kami na ng kuya mo ang bahala. Naihanda na namin ang mga gamit mo na dadalhin sa iyong bagong paaralan." Ani ng aking ama. Halatang may lungkot sa kanyang boses. Alam kong ayaw niyang malayo sa kanyang unica hija pero ito lang ang alam niya para hindi ako mapahamak.
" Kapatid ang iyong bagong paaralan ay Mafioso University. Ito ay pagmamay ari ng mga Sinflair. Ang namumuno rito ay ang pangalawa sa magkakapatid na si Aurelia Amora Sinflair. At dito rin nagaaral ang bunso nilang kapatid na si Thunderous Ace Sinflair. Hanggat maari ay lumayo at huwag mong babanggain ang grupo niya. He is DANGEROUS.
Nahahati sa apat na klasipikasyon ang unibersidad na iyon.
Una ang Alpha - grupo ng mga studyanteng nabibilang sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. Madalas sila yung hari at reyna sa unibersidad na iyon. Nakatira sila sa pinakahigh end na condo type sa loob ng unibersidad.
Hanggat maari huwag na huwag mo silang babanggain.
Pangalawa ang Beta - sila yung mga anak ng mga politicians, stockholders, investors, high ranking in army.
Pangatlo ang Charlie - mga anak na may matataas na position sa isang kompanya, at government employees.
At ang huli ay Delta- sila yung mga SCHOLAR sa school or should I say mga ALIPIN" mahabang paliwanag ng aking kuya.
"Kung ganoon saan ako nabibilang kuya?"kuryos na tanong ko rito.
"Charlie. Doon kita ilalagay. Ayaw ko naman na utus usan ka ng sino kaya ilalagay kita sa Charlie mas safe at medyo ayos naman yung matitirhan mo solo mo rin . Hindi katulad sa delta na dormitory. Lahat ng grupo ay may iba't iba kayong building kung saan kayo maglalagi pero hindi ibig sabihin iyon ay hindi mo na sila makakasalubong. Isa pa debit card at credit card lang ang dapat mong dalhin hindi na kita bibigyan ng black card dahil makahalata pa sila" tumango lang ako sa aking kuya at siya naman ay nagpatuloy.

BINABASA MO ANG
Mafioso University - Mafioso Series 0
RandomSa mundong ginagalawan hindi lahat ng kaharap mo ay kaibigan ang turing sa iyo lalo na sa mundo ng mga mafia, negosyo o bilang isang public servant. Sa MAFIOSO UNIVERSITY dito tinatago ang kanilang mga anak para sa kaligtasan nila dahil masyadong ma...