CHAPTER THIRTEEN.

13 1 0
                                    

-

minsan talaga hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa utak ng batang kumag nato, pumunta sya sa bahay namin saktong kumakain kami ni kuya.

"hi shasha, pakain!" sabi pa nito at umupo sa tabi ko, hiya naman akong napatingin kay kuya, binigyan ni kuya ng kanin tapos itlog dalawa.

"bakit nandito ka?" tanong ko linggo kasi ngayun at walang pasok.

"gala naman tayo sha" sabi nito habang nakain "sorry, gutom lang hindi pa ako kumakain e" sabi nya, hinayaan ko nalang dahil nakakaawa naman sya .

nang matapos na kami ay ako na ang nagligpit, tinulungan nya ako at dalawa kami ang nag hugas ng pinggan.

"shasha tignan mo" sabi nya habang nakangiti, ginagawa nyang milkshake yung bula sa baso, hinahalo halo nya pa gamit ang kutsara.

"milkshake bayan" tanong ko tumango tango naman sya

"tikman mo" sabi nya

"tanga" sagot ko natawa naman sya.

mabilis lang kami naghugas ang kaso ay nag lalaro kami kaya ayun nabasa ako sya naman ay maraming bula sa mukha at sa katawan.

binuhusan nya kasi ako ng tubig kaya nabasa ako.

pinahiram sya ng damit ni kuya at nagbihis narin ako, naka black t-shirt ako tapos short.

"shasha gala tayo, ang alam ko mayroong malapit na milktea-han rito sa inyo" sabi ng kumag sa tabi ko, tumango nalang ako "tyaka, libre mo ako" dagdag nya.

"baliw! may pera ba ako?" tanong ko.

"ewan ko, malay mo meron" nasampal ko nalang ang sarili kong noo, ang tanga talaga nito "wala pa kasi yung card ko nakay mama, don't worry lilibre rin naman kita! kahit ibigay ko pa sayo yung buong milktea-han na yon!" pagmamayabang nya.

"sira, sige na tara" aya ko.

"ngayun na?" tanong nya.

"ayaw mo ba?" tanong ko kaya napakamot sya at sumunod nalang, parehas naman namin gusto mag milktea kaya hindi na ako aayaw.

craving ko rin!

nangmakarating kami ay sya na ang umorder nakakahiya naman raw, wow may hiya pa pala sya?

bago yun ah!

"ito" inabot nya sa akin ang milktea na matcha flavor!

"thankyah-- teka bakit ako ang nagpapasalamat?" tanong ko natawa naman sya sa reaction ko.

"edi ako mag t-thankyou, thankyou ha" sabi nya.

"lol, parang napipilitan ka" sabi ko kaya napakamot sya sa batok nya.

"huh? hindi ah hindi kaya ako---- si damian!" sabi nya nalilito naman ako g napatingin sa tinuturo nya.

may kasama itong babae, hindi ako sure kung sino yun basta pumasok sila sa isang restaurant.

medyo naiinis ako hindi ko rin alam kung bakit

"puntahan natin malamang ay kakain sila doon kasama si heila---"

"manahimik kana nga, date nila yun wag kanang maki ano" sagot ko medyo iritable rin ang pagkakasabi ko.

"date? hindi---"

"pwede ba? uminom ka nalang, ito sayo na nawalan ako ng gana" sabi ko ngumiti naman ang kumag at kinuha ang iniinom ko.

bwisit, sino ba yung babaeng yun? bakit magkasama sila?

"nagseselos kaba?" tanong ni gaven kaya gulat akong tumingin sa kanya

"ako?" tinuro ko pa ang sarili ko "magseselos? bakit? sino ba sya? kutusan ko pa yan" sabi ko dahilan para matawa sya.

"nagseselos nga" sabi nya kaya sinipa ko sya.

"alam mo ba, palagi silang magkasama nyan ni heila, pati sa family reunion" sabi nya dahilan para kumulo ang dugo ko.

"anong pake ko?" iritang sabi ko.

"ang alam ko dadalhin nya yun bukas sa room--"

"subukan nya lang"bulong ko kaya natawa sya

"joke lang" sabi nya at nag peace sign.

"alin yung joke don?" tanong ko, pwede kasing joke na gf nya yun or joke na dadalhin nya bukas

"nadadalhin nya bukas" sagot ni gaven kaya napatango nalang ako, natapos na kami--- sya-uminom ng milktea kaya lumabas na kami

sakto at pagkalabas ay nagulat ako sa bumusina na kotse.

"hey what are you two doing here?" tanong ni damian, nasa passenger sit ang babae.

maganda rin naman okay lang.

"nag milktea kami" sabi ni gaven at inalog pa ang baso ng miktea nya.

"oh, uuwi na kayo? tara hatid kona kayo" h-hindi na sana ako ang kaso pumasok na sa loob si gaven kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.

"heila sa likod ka nalang, dyan uupo si shaine" sabi ni damian sa babae.

wait? pinag papalit nya yung babae?

"No, i want here!" sabi nung babae

"heila" may owtoridad na utos nito.

"okay lang..dito nalang kami ni gave..diba?" tanong ko kay gaven na busy sa pagkalikit ng tsokolate sa milktea nya.

choco kisses kasi ang flavor

"no, dito ka" sabi nya wala namang nagawa anag babae at bumaba, bumaba nalang rin ako at nagpalit kami ng pwesto.

naupo ako sa passenger sit at nagulat pa ako ng lumapit sa akin si damian, sobrang lapit para nya akong...hahalikan

"whats with that reaction?" natatawang sabi nito habang sini-seatbelt ang seatbelt ko.

"w-wala ako na nga dyan!" sabi ko at ako na ang gumawa, nahihiya ako sa naging reaction ko kaya hindi ko magawang tumingin sa kanya.

tangina kasi.

"bwisit.." bulong ko habang nakatingin sa gilid ko sa salamin ng kotse.

"shaine tignan mo" napatingin naman ako kay gaven.

"bakit?" tanong ko

"jokie, ang layo na kasi ng napapadpad ng isip mo, siba heila?" sabi nito at napatango naman ang babae.

okay na w-wierdohan na ako sa kanila

napatingin ako kay damian at lumapit ng kaunti bago bumulong "sino to?" tanong ko.

"she's my sister" sabi nya hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag

"ah..okay" sagot ko nakangisi sya medyo nakakainis ang ngisi nya.

lumapit sya sa akin at bumulong, ang mata  nya ay nasa daan parin nakatingin

"are you jealous?"

G-OGS7
------------
please vote!

GANGSTER! | only girl series#7Where stories live. Discover now