HEROnimo

72 9 3
                                    

HEROnimo


Sa mga panahong naramdaman ko ang pag-iisa

Pinaramdam mo sa akin na ikaw ay aking kasama

Sa hindi inaasahang katauhan

Akin pang nahanap tunay na damayan


Sa aking unang kasawian

Sa pag-ibig na di mawari kung may katotohanan

Isa ka sa mga sumalo sa mga luhang wagas

Kalungkutan na akala kong di na magwawakas


Hindi kita tinuturing na 'BEST OF THE BEST'

Pero masasabi kong 'you put out the mess'

Sa mga panahong walang kasing gulo

Dumamay sa mga matang mugto


Sa mga panahong pinaramdam nya sa akin na ako'y mag-isa

Hindi ko maramdaman sarili kong halaga

Animo'y patapon sa basurahan ng paglimot

Isa ka sa mga lumitaw at ako'y iyong dinampot


Bagay nga sa'yo ang iyong pangalan

Bayani kang matatawag akin nang napatunayan

Kahit na sa kabila ng mga hindi mawaring pag-uugali

Isa ka sa mga tinuturing kong magigiting na bayani.



TAGA-ILOG09 7-20-2015

Para sa kaibigan kong bihira ko na lang makita. Though hindi naman masyadong close, pero isa siya sa sumasalo sa akin sa tuwing alam nyang may problema. Dati hindi ko makita ang worth nya, but this time .. parang kulang ang barkada nung nawala siya. *drama*

May isa pang chapter to bago ko tapusin tong compilation na to ... tingin ko kasi, hindi ko na mahagilap ang tamang salita para sa nararamdaman ko. Babalik na lang kaya ulet ako sa pagguhit *kahit kupas na* HAHAHA.

Bulong ng Damdamin #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon