Chapter 8

81 8 10
                                    



"I'm really sorry again tita if pumasok ako agad-agad sa gate niyo, naka bukas po kasi." She smiled at my mom.

"Okay lang, hija. Halika dito tabi kayo ng anak ko." My mom guided her to sit beside me sa mesa namin. "Nag abala ka pa talagang mag dala ng pagkain at mukhang mamahalin pa." Ngumiti si mama sakanya.

"It's okay tita, I bought that food for the three of you. I also didn't expect that you also have a handsome visitor." Tinignan niya si Harvey na nasa tabi ko ngayon at nginitian niya ito. Ang plastic ng mga ngiti niya, tsk.

"Ah oo nga pala, si Harvey. Manliligaw daw siya ng anak ko." Abot tenga ang ngiti ng papa ko. Napansin ko naman na nawala ang mga ngiti ni Stacey.

"Pa, hindi ko siya manliligaw." Pinagdilatan ko naman ng mata ang papa ko pero malokong ngumiti lang ito sa'kin. "Magkakilala lang kami." I added at huminga ng malalim. Ako yung na s-stress dito sa kaba eh. Bakit ba kasi andito tong babaeng to dito samin. Anong bang trip niya, alam ba niyang andito si Harvey? Sinusundan niya ba ito?

"Nag dala din ng pagkain itong si Harvey at may dala pang bagong uniform, para daw sa anak ko." Ngumiti si mama habang nilalagay ang ulam na dala ni Stacey sa lamesa.

"Oh, but I also bought your daughter a new uniform. Sayang naman, may na una na pala." Malungkot na sabi niya. Ano daw? May dala siyang uniform? tangina.

I can really feel the tension between Harvey and Stacey. "Uhm, kumain na tayo, g-gutom na ako." Utal na sabi ko at kukuha na sana ako ng kanin pero sinaway ako ni mama.

"Hindi pa nga tayo nagdadasal." Sabi ng mama ko.

"I'll pray"

"I'll pray"

Sabay na sabi ng dalawa at nagtinginan naman ito sa isa't isa. Napagitnaan nila ako kaya naman kitang kita ko talaga silang dalawa na para bang mag-aaway na kapag hindi mo pipigilan. My parents were looking at them, they're confused. Kung alam niyo lang ma, pa.

"Ako na! Ako na ang magdadasal!" At ako na nga ang nagdasal para mabasag ang tension ng dalawa.

Pagkatapos kong magdasal ay sabay kaming nag Amen. Masayang kumukuha ng foods ang mama at papa ko. It's their first na makakain ng mamahaling pagkain, diko mapigilang mapangiti dahil sa mga genuine na ngiti nila. I love them so much that I'm willing to do everything mabigyan lang sila sa lahat ng gusto nila.

"Eat this, this steak is really good, you're going to like it." Ngumiti si Harvey sa'kin at nilagay ang steak sa plato ko. Nag thank you naman agad ako sakanya.

"No, eat this. This grilled lobster is really really good, you're going to love it." Ngiti ni Stacey at inilagay ang lobster sa plato ko. Steak at lobster pa lang ang nasa plato ko ngayon, marami pa silang dinalang ulam. Gusto ko nalang umiyak at magdabog. Ano bang kasalanan ang ginawa ko dati at bakit ganito ang buhay ko ngayon. Napansin naman si Stacey na wala pa akong rice at agad naman itong nag sandok ng kanin at inilagay sa plato ko. Si Harvey naman ay kumuha ng tubig at ibinigay sa'kin.

Lord, ano bang nangyayari sa dalawang 'to? Bakit ganito sila sa'kin? Bakit parang nasapian ng good spirit ang dalawang taong 'to. Si Stacey na kaninang umaga ay demonyo, ngayon naman para na siyang anghel kung kumilos. Ano bang kinain ng babaeng 'to. Ito ba yung paraan ng pag so-sorry niya? Pero mukhang hindi naman to marunong mag sorry.

Si Harvey naman, andito para mag sorry dahil hindi daw niya ako na protektahan kanina kay Stacey. Ano ba siya? Superhero ba siya para protektahan ako? Isa din tong lalaking to eh, sobrang feeling din. Hindi ako makapaniwala na katabi ko ngayon ang mag ex, at mukhang mag-aaway pa nga silang dalawa dahil sa'kin. Lord, kunin mo nalang ako saglit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall For You Where stories live. Discover now