STELL'S POV
Tapos na akong maligo at nakapag-ayos na rin ng bahay, medyo magulo kasi kanina. Habang naghihintay kay Pablo, naupo na lang ako sa sofa at tinuloy ang series na pinapanood ko sa Netflix. Nang matapos ang isang episode, napansin ko ang orasan. "11:00 na, bakit wala pa siya?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa orasan sa coffee table."Baka delayed ang flight o kaya traffic." bulong ko ulit, pero hindi parin mawala ang kaba ko. Tumayo ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng mainit na gatas. Nang naupo ulit sa sofa, hindi ako mapakali. Paulit-ulit akong tumitingin sa pintuan, pero wala pa rin siya. Hindi ko na rin kayang mag-concentrate sa pinapanood ko kasi hindi siya nagre-reply sa mga messages ko, hindi narin siya sumasagot sa mga tawag ko, at malapit na ring mag-alas dose. "Saan na ba kasi iyon?" Nag aalalang tanong ko sa sarili.
-
-
-
--
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?