KABANATA 55

18 1 0
                                    

SERENA'S POV


'Ma'am Serena, kung nasaan ka man ngayon, sana nasa maayos kang lagay at isang araw ay mabasa mo 'to.'

Napaupo ako sa matigas na kahoy na kama habang binabasa ang sulat, habang si Freya, ang kapatid ni Faye ay aligaga akong pinapanood.

Sa dulo ng aking ay alaala ay natatandaan ko ngang ganito ang sulat-kamay ni Faye, madalas ko siyang nakikitang nagsusulat noon.

'Tikom ang bibig ko noong aksidente kong malaman ang plano ni Ma'am Raquel at Sir Brantley laban sa'yo at ni Sir Ezekiel. Dahil may sakit noon si mama, walang pag-aalinlangan kong tinanggap ang perang binigay sa akin ni ma'am Raquel, not even knowing her conditions and schemes. Ang akala ko noon ay nagmamagandang loob siya sa akin. No'ng araw na inoperahan ang mama ko, ang siya ring araw na inutusan niya akong gawin ang gusto niyang mangyari. Aniya'y kung magtatagumpay ako sa gagawin, magtatagumpay din ang operasyon. Kung hindi, ihanda ko na raw ang kabao ni mama.'

'Sa takot na mangyari 'yon, kahit sa kabila ng pinagsamahan nating dalawa at namin ni Sir Ezekiel, ay nagawa ko kayong talikuran. I had no other choice, dahil mas matimbang sa akin ang pamilya ko, at batid kong, hindi na rin maganda ang relasyon ninyong mag-asawa.'

'Kaya naman nilagyan ko ng droga ang inumin at pagkaing inihanda para kay Sir Ezekiel noong gabing 'yon, gaya ng nakasaad sa utos. I'd met Ma'am Marian hours before that night. She was a very mentally unstable woman. Naroon din si ma'am Raquel, inuuto si ma'am Marian na muli na silang magsasama ni sir Heskel.'

'Wala po sa katinuan ang babaeng 'yon, at totoo nga ang haka-haka noon na meron na siyang sakit sa pag-iisip magmula nang iwan siya ni sir. Kaya agad-agad siyang sumama sa akin nung sinabi na dadalhin siya sa mansyon ni sir.'

'Kung anuman ang nasaksihan niyo nung gabing iyon, lahat ng 'yon ay ako ang may gawa, dahil wala pinili kong sundin ang iniutos ni ma'am Raquel.'

'Sana mapatawad niyo ako ma'am Serena. Ang akala ko ay hanggang do'n na lang ang malalaman ko at kaya kong itago. Pero aksidente kong narinig mula sa kanila, ang planong pagpapahirap sa'yo ni Sir Brantley noong napapayag ka na niyang sumaama sa kaniya.'

'Dahil naka-plano na ang lahat, at huli na dahil nakaalis na kayo ng bansa, at sa oras na magsumbong ako kay sir Heskel ay idadamay niya ang pamilya ko, kaya wala akong magagawa, kundi ipagdasal na makarating sa inyo ang sulat at malaman ang totoo. Kahit pa sa oras na nababasa niyo 'to ay wala na ako.'

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Sa mga lahat ng nalaman dala ng kapiraggot na sulat ay para nan tinatambol ng paulit-ulit ang puso ko.

Walang kasing lamig ang mga kamay ay binti ko, halos paanginigan ako sa labis na lamig, animoy binuhusan ng nagyeyelong tubig.

I was supposed to hear Ezekiel's side regarding this matter, but I never expected I would find it this way a little earlier.

Sinabi ko sa sarili kong patatawarin ko siya, basta ba't aminin niya lang sa akin ang katotohanan, na hindi ilusyon ang nakita ko noon. Sinabi kong handa kong kalimutan ang lahat ng iyon, basta ba ipaliwanag niya lang sa akin kung bakit niya nagawa iyon.

Hindi ko lubos maisip na ganito...

May mas malalim na dahilan ang lahat.

"A-Ate Serena..."

Magkakasunod na nagsipagbagsakan ang mga luha ko na kanina pa naipon.

"My marriage... Raquel ruined me and Ezekiel's marriage!!!" nasubsob ko ang aaking mukha sa dalawa kong palad at doon humagulgol ng iyak. "W-Why... What did I do to deserve this... What did we do to you, Raquel?! Bakit kailangan mong... idamay si Faye... bakit mo siya pinatay?!"

Napasabunot ako sa aking buhok. May kung anong tinik ang agad na bumara sa aking lalamunan. Nagwawala ang dibdib ko dahil sa bilis ng dagundong ng aking puso. Hindi ko malaman ang gagawin! Para akong mawawala sa katinuan!!

"B-Bago po mawala si ate Faye... may nakukwento na po siyang ganito sa akin. Hindi ko naman alam na... ganito po kalala. I-Isang araw pumunta sa amin ang babaeng De Silva para ibalita na naaksidente si ate at binawian ng buhay. Gumuho ang mundo ko no'n... pero nararamdaman kong may hindi tama. Naghalungkat ako sa mga gamit niya, saka ko nataagpuan ang sulat na 'to. H-Hindi ko kasi alam kung saan ako magsusumbong. Dahil wala akong pagkakataon na makapasok sa mansyong 'to. Wala akong magawa lalo na't malaking pamilya ang kakalabanin namin..."

Binura ko ang mga luha sa mga mata ko, saka pilit niliwanagan ang aking paningin upang makita ang umiiyak na kapatid ni Faye.

"K-Kayo lang po ang pag-asa ko, ate Serena. Nakikiusap po ako na magkaro'n ng hustisya sa pagkamatay ni ate. N-Nakikiusap po ako na sana'y mapatawad niyo siya... 'di hamak na wala kaming laban sa kapangyarihan ninyong mga De Silva, kaya niya nagawa 'yon. Mahirap lang po ang buhay namin... hindi namin kayo kayang labanan ng patas."

Ilang ulit ko pang narinig ang pakikiusap ni Freya. Kumulang na lang ay lumuhod siya sa harapan ko.

Unti-unting namuo ang galit sa aking dibdib. Hindi dahil kay Faye, kundi kay Raquel at Brantley!!

"M-Mga hayop sila! Mga hayop sila..." muli akong napahikbi. "L-Lahat ng pasakit na naranasan ko, akala ko may galit sa 'kin ang mundo... pero putangina, mga demonyo pala ang may gawa!! A-Ano bang nagawa ko para gawin nila 'to sa 'kin? Sa amin ni Ezekiel?! Magkaibigan kaming dalawa! Halos ituring ko siyang kapatid ko dahil siya lang 'yung taong nakakaintindi sa 'kin! L-Lahat ba ng 'yon... kasinungalingan lang?"

Alam kong hindi iyon masasagot ni Freya, pero puno ko parin ng katanungan siyang tinititigan, desperada na makahanap ng sagot ngayon mismo.

Dahil hindi ko maintindihan! Kahit anong dikdik ko sa utak ko! Hindi ko maintindihan kung bakit at paano niya nagawa lahat ng 'yon!!

Mababaliw ako sa kaiisip kung para saan ang lahat ng 'to!

Raquel was a sweetheart, even the first time we ever met. Malugod niya akong tinanggap. Naniwala ako sa kabaitan niyang pinakita sa akin. At nagpapasalamat ako araw-araw na walang sawa niya akong tinutulungan!

Tapos malalaman kong... lahat ng iyon ay siyang may gawa?

Kinagat ko ng mariin ang ibaba kong labi hanggang sa maramdaman ko ang pagdudugo nito, para lang mabalik ko ang sarili sa katinuan.

Madiin akong lumunok ng ilang beses, pilit kinakalma ang dibdib ko, saka tumayo at harapin si Freya.

"K-Kahit ako walang kapangyarihan laban sa mga De Silva," kumibot ang labi ko. "Pero... Pero mahal ako ni Ezekiel, kaya alam kong hindi niya palalampasin 'to. D-Dahil alam kong... mahal ako ng asawa ko, kaya mananagot silang lahat. Sisiguraduhin kong hindi mauuwi sa wala ang pagkamatay ni Faye."

Tinatagan ko ang loob ko.

That's right. Ezekiel loves me. I know he does now. Pinatunayan niya iyon ng ilang beses.

Sa pagpapakasal sa akin, sa paghahanap sa akin, sa pagbawi sa akin, sa pagtanggap sa anak ko, at sa pag-aalaga sa akin.

Bakit ang tagal kong nagpabulag sa ibang tao para makita ang pagmamahal niyang 'yon?

Hindi man niya ako mahal sa tipikal na pamamaraan, subalit mahal niya ako ng walang kapantay.

The love I badly needed throughout my life has always been in front of me.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon