KABANATA 60

13 1 0
                                    


"Hello po! You look familiar po?" nahihiya ngunit lakas-loob na pagkausap sa akin ng isang dalaga na may iba pang kasama sa likuran niya. "Sorry po, pero you like Serena Laurel po talaga! Kilala niyo po ba si Serena Laurel?"

"Shet! Baka siya nga 'yan!"

"'Yung camera! Si Serena Laurel 'yan!"

Hindi pa man nasasagot ang katanungan ay nag-uunahan na ang mga kasama niya sa pagbunot ng mga cellphone upang itutok sa akin ang camera ng mga iyon.

Matamis akong ngumiti sa kanila. "Three years na, ah? May nakakakilala pa sa 'kin?"

"Kyaaah!!" Iyon na ang cue nila para magtilian at mag-unahan sa pagpapa-picture.

Kumpara sa bansang tsina na walang nakakakilala kay Serena Laurel, dito sa bansa ay may nakakilala agad sa akin. Hindi ko maiwasang matuwa at tanggapin ang paghingi nila ng permiso sa pagkuha namin ng mga larawan.

"Hinay-hinay lang mga sir, ma'am." Babalang pagpapaalala ni Ramil sa aking gilid. Hinaharang at sinasamaan niya ng tingin ang iba na nagtatangkang lumapit ng husto sa akin. "Mananagot tayo kay boss niya. Picture lang, walang hawak, lalo na yakap!"

Hindi ko rin inaasahan na may iba pang lalapit at mamumukhaan din ako. Nakaramdam ako ng hiya at alinlangan subalit patuloy lang ako sa pag-oo sa paghingi nila ng kuha ng larawan.

"What the heck is happening?" Nang bumalik si Ezekiel na siyang may karga-karga kay Duziell galing banyo ay nagugulat siya dahil kinukuyog na ako ng mga tao, at nahihirapan si Ramil na tabuyin ang ibang nakapag-papicture na.

Kasalukuyan kaming nasa mall, at halos kararating lang din namin kung kaya't wala pang nabibili. Sinong mag-aakalang may iilan ang nakakakilala sa akin at magkukumpulan sa espasyo ko, na siya pang nag-aagaw pansin sa ibang mga taong napapadaan.

"Magsitabi ho tayong lahat, pakiusap lang."
"Padaan ho, 'wag dumumog dito!" Tatlong tauhan ni Ezekiel ang siyang tumulong kay Ramil sa pagpapa-alis sa mga tao.

Nang mabigyan ako ng sapat na espasyo ay nagmamadaling lumapit sa akin si Ezekiel at umakbay sa akin na may pag-aalala.

"Are you okay?" sinuri niya pa ang kabuuan ko.

Hindi nawala ang matamis kong ngiti dahil sa pagkatuwa sa nangyayari ngayon. "Ayos lang ako! People still knew Serena Laurel; how fun! Laos na 'ko, pero kilala parin nila ako."

"Sabi mo hindi ka makikilala," napalabi siya. "I was right; dapat nag-disguis ka. Let's buy at least shades and a cap."

"Okay!" Natutuwa kong niyakap ang dalawa kong braso sa baywang niya.

Sa paglalakad ay nilalaro-laro ko ang kamay ni Duziell sa bisig ng kaniyang papa. Habang ang mga tauhan ni Ezekiel ay patuloy parin sa pagtataboy sa mga taong sumusunod at nakiki-isyoso sa amin.

"Gaig! Bakit may kasamang ibang lalaki si Serena Laurel!?"
"Mag-asawa na sila ni Brantley, 'di ba?!"
"Anak nila 'yon, 'di ba?!"

Patuloy na nagsisipagkislapan ang mga camera at sari-saring reaksyon ang agad naming natanggap.

"Okay lang ba na sumabak ako sa showbiz, my husband?" paglalambing ko pang tanong sa kaniya.

"Hm?" He chuckled, saka dinampihan ng halik ang aking noo. "Of course, my wife. Do whatever you want. Palagi lang akong nasa likod mo."

"Kahit na maraming mam-bash sa akin? Pa'no kapag pinagmumura ako ng mga tao at sabihan ako ng masasakit na salita? Hindi lang ako, pati kayo ng anak natin! They will surely throw us hurtful things.

Nakita ko ang pagtalim ng mga mata niya. "Then, that will be the last thing they could ever say before their lives end. 'Wag kang mag-alala, ako na'ng bahala."

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon