Part 156 🎭

34 5 5
                                    

PABLO'S POV
"Hmm... Mahal, yung kurtina..." reklamo ko habang pilit na pinipikit ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na tumatama mula sa bintana. Napangiti ako nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin. Si Stell ba to?

"What the-!" Bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga, at napahawak sa ulo ko dahil sa matinding sakit. Napamura ako nang makita kung sino ang nasa kama. "Tangina! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko habang kinakalma ang sarili. Bakit si Glee ang nasa tabi ko at hindi si Stell?

"You took my virginity last night." Glee replied, biting her lower lip habang nakabalot sa kumot.

Nanlaki ang mga mata ko at agad kong sinilip ang sarili ko. "Fuck, wala akong saplot!" bulong ko sa sarili, ramdam ang kaba at inis na parang sasabog ang ulo ko. "Shit, shit! This can't be real! Glee, anong ginawa mo?!" Pasigaw kong tanong, galit na galit na.

"Wow, so you don't remember what happened?" she smirked, pulling out her phone at ipinakita ang isang picture namin- magkasama, nakahubad, at magkahalikan.

"Imposible ito, Glee!" sigaw ko habang pilit inaabot ang phone niya para i-delete ang larawan. "Ibigay mo sa akin yan!"

Tumawa siya nang sarcastiko. "Kahit i-delete mo pa, I have copies," she said, enjoying my frustration. "Gusto mo bang sabihin ko kay Dad? Ano sa tingin mo ang gagawin niya? Hmm... forced marriage?" Umarteng parang nag iisip "O mas gusto mong sabihin ko na you forced me kahit ayaw ko talaga?" She gave me a fake terrified look bago tumawa nang malakas. "But don't worry, I don't like that. Ayokong makulong ka. Mas masaya ako dahil mapapaikot na kita sa kamay ko."

"Putangina ka!" galit kong sagot.

"Relax, you enjoyed it too. You fucked me hard, and it was fun." she said with a smug smirk, acting as it she had just won a game.

Napapikit ako at pilit na huminga nang malalim para hindi siya masapak. Kinuha ko ang damit ko at nagbihis agad. Pagtingin ko sa phone ko, kitang-kita ang dami ng missed calls at messages mula kay Stell. "Fuck! Tangina talaga!" mura ko sa sarili ko, ramdam ang guilt at galit. Alam kong may ginawa si Glee, baka nilasing ako o baka may nilagay siya sa ininuman ko. Dahil hindi ko masisikmurang gawin ito sa kanya.

Tumayo ako at mabigat ang mga hakbang kong lumapit sa pinto. Bago ako lumabas, hinarap ko siya. Kita ang galit sa mga mata ko. "Mag-uusap tayo. Pero uuwi muna ako!"

"Sure, we need to talk, Babe." she said casually, bago ngumisi nang nakakaloko. "Don't forget to reply to my messages, or else... baka masend ko kay Kuya Stell ang photos and videos last night." Tumawa siya nang parang baliw.

Dahil sa sobrang inis, hindi ko na siya sinagot. Lumabas ako nang mabilis, mabigat ang mga hakbang ko, hanggang makarating ako sa parking lot. Ang tanging nasa isip ko lang-kailangan kong makita si Stell, pero paano ko sasabihin lahat? Fuck!

-

Nang makasakay na ako sa sasakyan, pakiramdam ko'y bumagsak ang langit at lupa sa akin. Doon ko lang napansin ang pasalubong ko kay Stell na nasa passenger seat-yung mga donuts at iced choco na alam kong mag papangiti sa kanya. Biglang bumigat ang dibdib ko, parang sinasakal ng konsensya at galit. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi, pero parang putol-putol ang alaala ko.

Flashback: Last Night

Malakas ang kalabog ko sa pinto ni Glee. "Buksan mo, Glee!" sigaw ko, halos mabali ang mga kamao ko sa kakakatok. Paulit-ulit akong sumigaw hanggang sa marinig ko ang unlocking sound ng pinto.

Nang bumukas ito, mag-uumpisa pa lang siyang magsalita, pero agad akong dumiretso sa loob ng condo niya. Wala akong planong gumawa ng eksena sa labas, pero hindi ko na rin kaya pigilan ang galit ko.

"Bakit mo ginawa yon, Glee?" tanong ko, pilit na pinipigil ang galit sa boses ko.

"Ginawa ang alin? Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo, Kuya Pablo..." sagot niya, nanginginig ang boses, habang nangingilid ang luha. Halata sa mukha niya ang takot, pero alam kong drama lang lahat ng ito.

"Putangina naman, Glee! Tigilan mo yang drama mo! Alam ko na! Alam kong ikaw ang nag-leak ng mga litrato namin ni Stell!" sigaw ko, ramdam ang panginginig ng kamay ko sa galit. "At alam mo ba kung ano ang epekto kay Stell? Dahil sa mga kalokohan mo, kailangan niyang mag-therapy! Therapy, Glee! Para gumaling sa trauma na ikaw ang may kagagawan!"

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Glee. Mula sa takot, nakita ko ang pag-angat ng kilay niya, parang hindi niya matanggap ang mga sinabi ko.

"Hell no! Bakit ko naman gagawin yon? Kuya Pablo, maniwala ka sa akin. Mahal ko si Kuya St-"

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya, kinuha ko ang bote ng alak na nakapatong sa lamesa at ibinalibag ito sa sahig. Tumilapon ang bote at nabasag, dahilan para manlaki ang mga mata niya sa takot.

"Sa lahat ng tao, ikaw pa, Glee?!" sigaw ko, halos mapatid ang boses ko sa bigat ng emosyon. "Akala ko iba ka sa tatay mo. Pero mukhang dumadaloy sa dugo mo ang kasamaan katulad sa tatay mo!"

"Bakit nadadamay si Dad dito?!" balik niya, nanginginig pero nagpipilit sumigaw. "Wala naman akong ginawa! Bakit sa akin ang sisi? Dahil ba baliw ka kay Stell? Ganyan ka ba katanga, Kuya Pablo?! In the first place, AKO ANG NAUNA SA KANYA! AKO!"

Sa sigaw niya, parang tumama ang boses niya sa mga tenga ko na parang sirang buzzer. Napailing ako at napamura nang pabulong, pilit pinipigil ang sobrang inis ko.

"Kahit kailan, hindi magiging ikaw, Glee," sagot ko, matigas at diretso, ang bawat salita ay parang kutsilyong tumatama sa kanya. "Kahit hindi ko makilala si Stell, hindi pa rin magiging ikaw. Glee, you're always just a little sister to me."

Nanlaki ang mga mata niya, nangingilid ang luha, pero agad ding napalitan ng poot ang mukha niya.

"Sister?" ulit niya, ang boses niya'y galit at nanginginig. "Kuya Pablo, alam mo kung gaano kita kamahal! Alam mo kung gaano kita iniidolo simula noon! Ikaw ang naging inspirasyon ko! Ikaw ang naging sandalan ko nung nawala si Mommy! Ikaw ang nandiyan nung palaging wala si Dad sa trabaho! Bakit hindi mo ako mahalin?! Bakit hindi mo kayang mahalin ako gaya ng pagmamahal ko sayo?!"

Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Ramdam ko ang pagbigat ng ulo ko sa mga narinig ko. Lahat ng ginagawa ko noon para kay Glee ay walang iba kundi alagaan siya bilang kapatid, dahil sa kakulangan ko sa sariling pamilya. Pero ang lahat ng iyon-naging maling interpretasyon sa kanya. At ngayon, she crossed the line. Putangina talaga.

Kumuha ako ng baso na may lamang alak mula sa lamesa at nilagok ito nang isang bagsakan, pilit pinapakalma ang sarili. Pero pagkatapos non, lahat ng sumunod ay hindi ko na maalala.

Back to Present..

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko, nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang nakatitig sa pasalubong ko kay Stell. Pilit kong inaalala ang nangyari pagkatapos ng gabing iyon, pero walang pumapasok sa isip ko.

"Shit" bulong ko, bago humigpit ang kapit ko sa manibela. Nangingibabaw ang galit at inis. "Putangina Glee, anong ginawa mo sa akin.."

-

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon