Chapter 4

1 0 0
                                    

"muka ka naman talagang pera,bakit itatanggi mo?"napabuntong hininga ako ng maalala ang linyang yon.

tama totoo naman,muka akong pera.

"bakit nag-deact ka ng acc?"nilingon ko si lovely na nangongopya ng assignment sa notebook ko.

"wala lang,boring ng account ko eh"sagot ko sa kanya,matapos ko kasing makita ang notification kagabi mabilis akong nag-deactivate ng account.

"tsh!magfriend request kana kasi kay Redz"umiling lang ako ska sinilip ang jacket sa loob ng bag ko,ibabalik kona yon ngayon.

"tapos nakita ko rin kagabi,yong iba mong account,naoopen mopa yong Elliryan Gomez?"napatingin ako sa kanya at marahang tumango.

"nagfriend request ako don,accept moko hah"hindi ako tumango sa kanya.

"naoopen ko pero hindi ko na inoopen"nangunot ang noo nya ng marinig ang sinabi ko,mukang tatanungin panya kung bakit kaya mabilis akong tumayo at sinabing iihi lang.

ayoko na lang magsalita hindi dahil ayokong malaman nya,kundi dahil ayokong maalala ulit yon.

Paglabas ko ng comfort room, nasalubong ko pa si Redz na mukang papunta din sa loob ng comfort room.

"hoyy good morning"nagulat ako sa lumabas sa bibig ko pero ngumiti na lang ako sa kanya para panindigan yong pagbati ko sa kanya.

Hindi nya ako pinansin kaya mabilis akong humarang sa dadaanan nya.

"dala ko na jacket mo,babalik kona thank you-"

"sayo na"nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya,hindi ko na rin sya nagawang sagutin dahil pumasok na sya sa loob ng cr ng mga lalaki.

Ngiti ngiti tuloy akong hinintay syang makalabas,gulat at inis ang bumalatay sa mukha nya ng makita akong hinihintay sya.

"ang dami mo sigurong jacket noh,kaya ibibigay mo na lang sakin yon"sinundan ko sya kahit halatang binibilisan nya ang lakad.

"hindi kaba nilagnat?kasi diba nabasa kadin ng ulan nong Friday?"hindi ko alam bakit ganon ang sinabi ko,napaka nonsense!

Hindi nya ako tinignan at nagpatuloy lang sa pagpasok sa loob ng room,hindi ko na sya hinabol dahil umupo na sya sa upuan nya katabi ang mga tropa nya.Kinuha ko naman ang jacket sa loob ng bag ko,na nakapaper bag saka naglakad palapit sa pwesto nya.

kahit sinabi nyang akin nalang,ipipilit ko parin para di naman halatang pabor sakin na ibigay na lang nya hehe!

Ngumiti ako sa harap nya at bago pa man nagsalita,inunahan na nya ako.

"sabi ko sayo na,ulit ulit"mahina ang pagkakasabi nya pero mukang narinig parin ng mga classmate naming malapit sa amin.Nagsimula nanaman silang asarin kami.

"sure ka?"kunwaring nahihiyang sabi ko.Inis syang tumango,magsasalita pa sana ako pero narinig ko na ang boses ng asawa ng adviser namin.Takot ako sa kanya lalo na muka itong badmood kaya hindi kona nagawang bumalik sa upuan ko,para akong tuod na napaupo sa tabi ni Redz.

"wala ang sir nyo,pero nag-iwan sya ng activity na gagawin nyo"iyon agad ang sabi nito matapos naming maggood morning sa kanya.

"magkapartner sa activity na toh,yong katabi nyo nalang ang partner nyo"hindi kona nasundan ang sunod pang sinabi ni ma'am dahil natuwa sa sinabi nya.

yey partner kami ni Redz.

"bro tayo partner"mabilis akong napatingin sa gawi ni Redz ng sabihin nya yon sa katabi nya sa kabilang side,teka mali!may katabing iba yong sinabihan nya kaya dapat ako ang partner nya.

"kayo ni elly ang magkatabi bro,sya ng partner mo"nanunuksong sabi sagot naman non kay Redz,napangiti ako sa classmate kong yon,pasimple naman syang nagokay sign sa akin,tumango tango ako nagmuka tuloy akong asong estatwang nagalaw ang ulo.

Chasing Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon