Kahit ganon ang sinabi nya,nagawa pa rin naming ienjoy ang birthday nya,sumakay kami sa mga rides at bumili ng mga kung ano anong kaekekan.
Late tuloy kami pareho kinabukasan,hindi kami pinapasok sa gate kaya tumambay kami sa seven eleven,nag-review kami dahil magkakaron kami ng recitation mamayang hapon.Twing magkakatinginan kami natatawa kami siguro dahil hindi kami pareho nakapasok.
Nang mag alas dies inaya ko sya sa dorm na magluto.
"mas masarap toh"sabay lapag ng niluto kong pancit canton ommelete,tinawanan nya ako ska nilapag ang niluto nya.
"mas creamy toh"natawa ako ng makitang creamy pancit canton iyon.
"nilagyan mo lang ng Nestle cream eh"pang aasar ko sa kanya,pero inirapan lang nya ako.Tinikman ko ang luto nya at nasabi ko sa sarili kong masamang manghusga.Mas masarap pa ata ang luto nya kaysa sa luto ko ah.
"tsh ano?nahiya ako sa sunog na ommelete hah"kinurot ko sya,hindi naman sunog na sunog eh,yong gilid lang,nakaka pressure kasi may time tapos kung ano ano pang sinasabi nya para lang ma-pressure ako.
Sabay naming kinain ang niluto namin at nag gayak na din para sa pagpasok ng hapon.
Nagpatuloy ang palaging naming magkasama ni Redz,pero kahit ganon hindi ako umasang magugustuhan nya ako dahil kung sakali mang mangyari yon alam kong mangingibabaw ang pangako nya sa mommy nya at pakiramdam ko kung may nararamdaman na sya sa akin ngayon mawawala yon pag nalaman nya ang nakaraan ko.
"oh"inabot ko sa kanya ang chocolate ng pagkaupo ko sa tabi nya,asa burol ulit kami ngayon,kabisado ko na sya twing di sya papasok may nangyari sa bahay nila at dito sya pupunta sa burol.
Binuksan ko ang chocolate ska pilit na sinubo yon sa kanya,natawa sya pero wala syang nagawa kundi nguyain yon.
Alas syete na ng gabi,wala ng sunset pero marami namang bituin sa kalangitan pero walang lamok hehe
"nagdala ako ng katol"sabi ko sa kanya at pinakita ang katol na may baga sa dulo,natawa sya bago kunin yon sa kamay ko ska inayos sa gilid namin.
"alam na alam mo talagang andito ako noh"mayabang akong tumango sa kanya.
"medyo nalate nga ako ng dating eh,inutasan pa kasi ako ni sir,alam mong darating ako noh,hinintay mo ako"tumango sya kaya lumaki ang ngiti ko.
Nagusap kami at nakakatuwa lang dahil nong panahong naging crush ko sya twing naririnig ko ang tawa nya natatawa ako,sa joke nya sa mga kaibigan nya non tinatawanan ko kahit corny,tas pag sa akin ang sungit nya pero ngayon ito na kami nagtatawanan sa mga corning joke namin sa isa't isa.
"sungit mo sa'kin non noh!pero alam mo bang naging crush kita dahil sa spoken poetry mo non nong first day"natawa sya sa sinabi ko,ako din lalo na ng maalala ang itsura nya non.
"dapat garod akong magpasalamat kila Jerald dahil sa dare nilang yon"sabi pa nya.
"tsh tapos sa tawa mo non lagi akong natatawa,hindi naman nakakatawa tawa mo,nakakahawa lang"sabi ko naman.
"patay na patay ka sakin non noh"pabiro akong umastang nasusuka.Ilang minuto ulit kaming natahimik bago ako nagsalita.
"Naniwala ka bang,magagawa mahalin ng tao ang isang star"sabi ko habang nakatingala sa kalangitan.
"depende, double meaning yang sinabi mo eh"natawa ako nagets nya agad yong ibig kong sabihin eh.
"have your ever tried loving a star?"tanong ko sa kanya,umiling sya sa akin kaya napatango ako.
Pumikit ako at nag-wish.
"nagwish ka?"tumango ako ska hinayaan ang sariling isandal ang ulo sa balikat nya.