Nakangiti ako habang nagluluto kinabukasan,wala syang sinabi pagkatapos kong sabihin na gusto ko sya sakto rin nabuhay lahat ng hiya ko sa katawan kaya mabilis akong nagpaalam na uuwi na ako.
Tapos ito ako ngayon,saya saya ko,diko rin alam kung bakit,siguro ganito ang pakiramdam kapag nagconfess ka sa isang bituin na gusto mo sya,yong masabi mo lang na gusto mo sya malaking achievement na yon sa buhay mo kahit wala silang isagot dapat maging proud sa sarili dahil nagawa mong sabihin at oo oomagpakatotoo,kung para sa iba siguro mahalaga ang response ng taong gusto mo pero sa akin mahalaga na alam nya ang nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi lahat ng gusto natin ay dapat gustuhin tayo,may ibat ibang uri ng pagkagusto o pagkahumaling at yong sakin pagkagustong kontento na akong alam nya ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pagkapasok ko sa school,bodega ulit ang pinuntahan ko pero wala si Redz don,kaya sa gilid ako ng hagdan nagpunta at don ko sya nakita.Tahimik na nagdo drawing sa sketch pad nya.
"ang galing mo talaga"nakangiting sabi ko,nilingon nya ako saka inayos ang gamit nya.
"tara kain na"tinignan nya ako ska marahang tumango,napatalon tuloy ako dahil sa tuwa first time nyang tumango hehe.
Sa hagdan na lang kami kumain, kinuwento ko sa kanya yong nakita ko sa grocery kahapon,yong mag ina.Ang cute kasi ng bata eh.
Todo kwento lang ako na para bang walang nangyaring sagutan sa amin kahapon.Nang matapos kaming kumain inaya ko syang mag-review para sa quiz namin sa 1st period.
Nakangiti habang pinapanood syang nagbabasa ng mga notes nya,nang may maisip akong kalokohan mas tumitig ako sa mukha nya.
"redz will you marry me?"nagulat sya sa sinabi ko at agad akong nilingon, pinanindigan ko naman ang kagagahan ko at ngumiti pa ng malaki sa kanya sabay kindat.
Kita ko ang pamumula ng mukha nya sabay iwas ng tingin,diko na tuloy napigilan tumawa ng malakas.
"oh ayan hah,sayo lang ako nag-propose"walang hiya sabi ko pa.
"asan ang sing sing?"ako naman ang nagulat ,nanlaki pa ang mga mata ko dahilan para matawa sya sa reaction ko.
shit ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganito kalapit sa akin,sarap ikiss hehe
Nagpatuloy na lang kami sa pagre-review,nagtatanungan pa kami para sigurado na alam namin ang isasagot namin sa quiz mamaya.
Umabot ng mahigit isang linggo ganon ang naging set up namin,hindi ko alam kung masyado ba kaming mabilis pero ganon pa rin naman kami tulad ng dati,sabay kakain,sabay magrereview pagmay quiz at sabay din gumagawa ng assignment,hindi na rin ako ganong nakikipag asaran sa mga kaklase kong lalaki, ngumingiti na lang ako sa kanila ska iiwas.
Nang magfriday,nagtaka ako dahil hindi sya pumasok,hinintay ko hanggang lunch pero talaga sya pumasok, pakiramdam ko tuloy ang tamlay ng buo kong pagkatao.
"Jerald alam mo ba kung san nakatira si Redz?"tanong ko dito nang mag uwian ng hapon,kahit kasi nakakasama ko si redz hindi sya pala kwento about sa buhay nya.
Nagpasalamat ako sa kanya ng sabihin nya kung saan ang address nito.
Pagdating ko sa location hindi na ako nagulat ng makita ang malaki nilang bahay,expected ko ng may kaya sila.
Lumapit ako sa guard nila at tinanong sya don pero ang sagot nito sa akin ay umalis daw.
mag six pm na hindi ko alam kung saan ko sya makikita,nagaalala din naman ako sa kanya eh lalo na at nagsummative test kami kanina tapos absent sya.
Naglakad lakad nalang ako sa gawi nila,nakaabot ako sa dulo kung saan may burol,medyo mataas kasi itong lugar nila kaya sigurado ako na pag nasa burol ka kita mo ang ibang kabahayan at lalo na ang sunset at sunrise.Naglakad ako paakyat sa burol,napangiti ako ng makita ko ron si Redz,tahimik na nakaupo sa damo at pinagmamasdan ang papalubog na araw.