UNO

3 1 0
                                    

              

                        —©AEROJ

{ WHO'S ANNA? }

KAI'S POV


UMULAN ng napakalakas habang nakatayo ako sa burol ng aking mga magulang. Kasama ko sa isang payong si Lola at niyakap niya ako ng mahigpit. Patuloy naman akong nagpapahid sa aking mga luha na para bang wala na itong planong tumigil.

"Ina..ama.. bakit niyo po ako iniwan?" Humihingal ako habang pinapahid ang luha.


Namatay ang aking mga magulang dahil sa aksidenteng banggaan ng bus. Katorse ang sakay ng bus, kasama na ang aking mga magulang, at pangkinse naman kapag isali ang driver. Isa lang ang natirang buhay at ang lahat ay patay na. Sabi ng babaeng nakaligtas ay meron daw na humaharang sa daanan at iyon ay — multo.

Papunta sana sina nanay at tatay sa probinsiya upang bisitahin si lola ngunit sinalubongan sila ng kamatayan. Hindi ko alam kung totoo ba ang multo sa probinsiya ngunit marami naman akong naririnig na tsismis tungkol sa probinsiyang iyon.

Magkatabi ang burol ni nanay at tatay at agad ko namang inilagay ang dalawang bulaklak na kanina ko pang hinahawakan. Tig-iisa sila ng bulaklak. 

Nang matapos ang ulan agad na kaming umalis sa sementeryo at dumiretso na kami sa aming apartment upang kunin ang mga gamit ko doon. Kailangan kong lumipat sa probinsiya dahil si lola lang ang aking tanging makakapitan, hindi ko naman kayang ibuhay ang aking sarili dito mag-isa sa siyudad.

***

Nakarating na ako sa probinsiya kasama si lola. Medyo luma na ang bahay ni lola at nakatayo pa ito sa gitna ng gubat at walang kahit anong kabahay-bahay. Talagang hindi natatakot si lola dito sa lugar kahit siya lang mag-isa.

Nang pumasok si Lola sa bahay niya ay agad naman akong sumunod dala ang aking mga malalaking bag. Sakto lang naman ang bahay ni lola, hindi maliit at hindi din malaki, sakto lang. Nang makapasok ako ay doon naman kinalabutan ako, ang dilim sa loob at nababahayan na din ng gagamba. Tanging kandila lamang ang nagpapailaw sa loob, wala kasing kuryente dito.

"Apo, halika rito. Nandito sa taas ang iyong maaring maging kwarto" Sumunod naman ako at dala dala parin ang mabibigat na bag.

Nang marating ang sinasabing kwarto ay napatingkid nalang ang aking mga balahibo nang makita ito.


Ang luma na..

Nababahayan na din ito ng mga gagamba..

Parang wala nang nakatira dito, parang ilang years ng hindi nalilinisan.

"Pasensya na apo, wala na kasing gumagamit sa kwartong ito at hindi ko na din ito nilinisan kasi nahihirapan na ako, marami na kasi akong gagawin at wala na akong oras sa paglilinis ng kwartong iyan. Baka kung pwede lang ikaw muna ang maglilinis riyan"

Nginitian ko si lola, Oo naintindihan ko naman siya. Matanda na kasi. "Oo naman lola, ako lang bahala sa paglilinis dito"

Ngumiti si lola "Sige apo, pupunta na ako sa ibaba upang maghanda sa tanghalian natin".

Pumasok na ako sa aking kwarto at pinasok ko na din ang dala kong mga gamit. Nagsimula na akong maglinis sa aking kwarto, medyo matatagalan akong matapos dito kasi ang kakapal na ng mga dumi na dumikit sa kung saan.

Habang naglilinis ay may nakita akong isang album na nasa loob ng cabinet. Agad ko itong kinuha at dinala sa kama. Umupo ako at sinimulang buksan ang album. Mga litrato ng aking ina ang bumungad sa akin, High School student palang siya rito at nakasuot siya ng uniporme. Ang paaralan na pinapasukan niya ay ang Nightfall high, ito yung paaralan na papasukan ko ngayon, isa itong pribadong paaralan na hindi lang kalayuan sa bahay na tinirahan ko ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GHOSTWhere stories live. Discover now