STELL'S POV
Mababaw lang ang tulog ko kaya nang marinig ko ang kaluskos sa may pinto, agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Mabilis akong tumayo, pero nahilo pa ako kaya napahawak ako sa ulo ko.Nakita ko si Pablo na pumasok sa condo. Suot pa rin niya ang damit na isinuot niya kahapon bago umalis papunta ng Manila. Magulo ang buhok niya, at pulang-pula ang mga mata.
Nagkatinginan kami, at bahagya siyang ngumiti.
"Welcome home" bati ko, at ngumiti, bago ibinuka ang mga braso ko para yakapin siya, pero halata sa kilos niya na parang may iniisip siya.
Nag-alinlangan siyang lumapit, pero niyakap niya ako. Naamoy ko ang halo ng alak at unfamiliar scent. "Uminom ka?" tanong ko, pero mabilis siyang kumalas sa yakap ko.
"Hmm... nag-aya kasi yung mga boys. Sorry, akala ko emergency, tapos bigla na lang nila akong pinainom. Kaya hindi ako agad nakauwi." paliwanag niya, iniiwas ang tingin.
"Sana nag-update ka... nag-alala ako, Mahal." sabi ko nang malumanay,na may halong pag-aalala.
"I-I'm sorry... tinago nila phone ko. Wala akong choice." utal niyang sagot habang nilalaro ang mga daliri niya, halatang hindi mapakali.
"Okay..." sagot ko, kahit may nararamdaman akong kakaiba. Siguro may hangover lang siya, kaya ganun ang reaksyon niya.
"Wait lang, Mahal. Maliligo lang ako." sabi niya, sabay mabilis na lumakad papunta sa banyo, kaya naiwan akong nakatayo. Nag kibit balikat nalang ako.
Habang naliligo siya, naisip kong magluto ng breakfast para sa kanya-baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya.
-
PABLO'S POV
"Shit..." bulong ko sa sarili, pagkapasok sa banyo. Tangina, gusto ko nang maiyak nang makita si Stell kanina. Halatang hindi siya nakatulog kakahintay sa akin.Binuksan ko ang shower at hinayaang bumuhos ang malamig na tubig. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. "Putangina, ang dumi ko..." reklamo ko habang pilit na kinukuskos ang balat ko, halos mamula na sa sobrang diin. Ramdam ko na ang hapdi, pero hindi ko pa rin matigil. "Paano ko sasabihin kay Stell? Paano ko aamin?" bulong ko habang pinipilit pigilan ang mga luhang tumutulo na pala.
Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat kagabi. Susugudin ko lang dapat si Glee para ayusin ang gulo, pero bakit parang mas lalo lang lumala. Putangina talaga.
Halos isang oras akong nagtagal sa banyo, pilit nililinis ang katawan kong tila iniwanan ng dumi ni Glee. Nang matapos, tumingin ako sa salamin, Checking if Glee leaves any disgusting marks on my body. Buti na lang at wala, dahil hindi ko siya mapapatawad kung meron. Nakakadiri, nakaka suka.
Paglabas ko, nakita ko si Stell sa kusina, suot ang apron at abala sa pagluluto.
"Nagluto ako ng carb and corn soup para sa hangover mo." sabi niya, nakangiti habang hinahalo ang niluluto.
Ngumiti ako nang tipid at tumango lang. Bigla kong naalala ang dapat na pasalubong ko sa kanya-yung donuts na paborito niya. Pero itinapon ko na, dahil naalala ko lang lahat ng nangyari kagabi.
Pumasok muna ako sa kwarto para magpalit ng damit. Nag-spray ako ng pabango ni Stell, gusto kong burahin ang anumang bakas ng amoy ni Glee sa katawan ko.
Paglabas ko, nakahain na ang pagkain sa lamesa kaya naupo na ako sa harapan niya. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya, kinakain ako ng konsensya.
Tahimik lang si Stell habang kumakain. Ako naman, hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung paano uumpisahan o kung dapat ko bang sabihin. Alam kong hindi pa siya lubusang magaling mula sa trauma niya, at baka mas lalo lang itong makasama.
"Ako na ang maghuhugas" sabi ko nang matapos siya kumain.
"Okay. Magto-toothbrush lang ako tapos matutulog na ako, Mahal. Hindi kasi ako nakatulog kagabi."
"I'm sorry" nakokonsensyang bulong ko.
"Hindi mo kasalanan. Ngayon lang ulit kayo nagkita ng mga kaibigan mo, kaya naiintindihan ko." sagot niya, bago ngumiti. Tangina, ang bigat sa dibdib. Naghintay siya para sa akin, pero nasaan ako? Nasa tabi ng iba.
"Okay... sunod ako. Matutulog din ako." sabi ko habang umiiwas ng tingin, pilit itinuon ang atensyon sa paghuhugas ng pinggan.
"Okay, Mahal. Hihintayin kita." sabi niya nang masaya bago pumasok sa banyo.
Napapikit ako, pinipigilang bumagsak ang luha ko. Mahigpit kong hinawakan ang mangkok, at paulit-ulit na minumura ang sarili. Tangina Pablo, tangina bakit?
Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Stell na nakahiga na, hawak ang phone habang nanonood ng kung anu-anong video. Agad niyang ibinaba ito nang makita ako at ngumiti. Pinatong niya ang kamay niya sa kama, tinapik ang space sa tabi niya.
Lumapit ako at humiga, niyakap ko siya, hinapit ang baywang niya, at isinubsob ang mukha ko sa balikat niya.
"Mahal..." tawag ko, mahina at halos pabulong, habang pilit inaamoy ang pamilyar na amoy niya. Siya ang tahanan ko. Siya ang pahinga ko. At siya lang ang meron ako, kaya natatakot ako..
"Hmmm?" sagot niya, kalmado ang boses.
"You trust me, right?" tanong ko, pinipigilang tumulo ang luha.
"Of course. I trust you, kasi mahal kita."
His words cut deep, and I bite my lower lip, desperately trying to hold back my sobs. Paano ko nagawa ito sa'yo? How could I keep hurting you when all I ever wanted was to give you everything and love you fully? Pero bakit lagi na lang ganito? I keep failing as your boyfriend. Wala akong kwenta. I'm so sorry, Stell...
"Thank you, Mahal... mahal din kita" mahina kong sagot, halos pabulong. Ang sakit sa dibdib, para akong sinasaksak ng paulit ulit. Mahal na mahal ko si Stell, sobra..
Wala na siyang sinabi, pero mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay kong nakayakap sa kanya. Tila sinasabi ng hawak niyang iyon na nag titiwala siya, at okay lang ang lahat, pero ang totoo, ako ang sumisira sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanficIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?