*Pak
.
.
.
.
.
.
Isang malakas na sampal yung tumama sa pisngi ko na halos mabingi ako. Sigurado akong pulang pula ng maputi kung balat ngayon. Pag angat ko ng tingin ay masamang tingin ni Daddy ang sumalubong sa akin, nag tataas baba rin ang kanyang dibdib dala ng matinding galit."Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayusin mo ang pag – aaral mo? Alin dun ang hindi mo ma intindihan ha?". Sigaw ni Daddy sa akin. Nag buntong hininga nalang ako dahil sanay na sanay na ako sa ganitong tagpo.
"Okay naman po yung pag - aaral ko ah, pasado naman ako sa lahat ng subject ko wala naman akong failing grade ah". Mahabang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata nyang puno ng galit sa panganay niyang anak.
"Aba at talagang sumasagot kana sa akin? Maayos? Maayos na yang pag – aaral mo?". Sigaw nya muli saakin akala ko tapos na pero may kasunod pa pala. "Nakita ka ng kapatid mo na galing sa bar anong ginagawa mo dun ha. Imbes na ayusin mo yang grades mong kunti nalang ay babagsak na. Noong elementary at highschool ka naman ay hindi ganyan ah halos lagi Kang with high or mas mataas pa. Anong yayari sayo ha? Ayus ayusin mo ang buhay mo Faith". Mahabang sabi ni Daddy . You made me to be like this.
Tiningnan ko naman ang aking kapatid na si Evone. So siya pa ang may ganang mag sumbong na nakita nya ako sa bar. Eh sya nga itong halos laging nandoon at nakasuot pa ng damit o kung matatawag pa bang damit yung suot nya.
" Dad bakit hindi mo tanungin yang paborito mong anak kung bakit lagi syang wala at umaalis tuwing gabi. Bakit hindi ka nagagalit sa kanya at bakit laging ako nalang ang nakikita mo?". Tanong ko kay Daddy. Pagod na ako sa ganitong sitwasyon. Nakakapagod rin pala yung ganito akala ko sanay na ako hindi pa rin pala.
"Wag mo nga akong idamay sa katangahan mo, never akong gagaya sayo!". Sabi nung magaling kong kapatid na si Evone kasabay ng pag irap nya.
"Wag na wag mong idadamay ang kapatid mo sa katangahan mo". May pag babantang sagot ni Daddy.
"Alam mo Ate kung ako sayo mag titino na ako at susunod nalang sa gusto ni daddy na para sa ikabubuti mo". Grabe nag salita ang Santa ng bahay na ito. Susunod sa gusto ni Daddy na ano sumama ka sa isa sa kanegosyo nya? Pwes kung gusto nila ay sila nalang.
"Total ikaw ang nakaisip ikaw nalang ang sumunod. Dyan na kayo mauuna na ho ako". Tinalikuran ko na sila at hindi pinansin ang pag tawag sakin ni Daddy. Nakakapagod ang araw na ito para sa akin.
Pag karating ko sa kwarto ko ay agad akong humilata sa kama ko at pinikit ko ang mga mata ko. Tutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako binuksan ito. Nasa harap ko ngayon ang taong nag silang at ang nagiisang taong nag paramdam sakin ng pag mamahal.
"Kumain kana ba anak? May pag kain sa baba kumain kana ha wag mag papalipas ng gutom ha?". Malambing na sabi ni Mom sa akin. Buti pa sya ay may pakialam sa akin.
"Hindi na Mom busog pa po ako". Sabi ko sa kanya at ngumiti. Nag buntong hininga sya tanda na hindi nya gusto ang narinig sa bibig ko.
"Ihija hayaan mo nalang ang papa mo ha. Oh sige pag nagutom ka ay bumaba ka nalang at kumain. Ipatatabi ko yung pagkain kay Letty. Sige na magpahinga kana". Sabay halik ni mommy sa aking pisngi. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Opo, sige na mommy matulog kana. Good night". Hinalikan ko rin sya sa pisngi at nag lakad na sya paalis, kaya sinarado ko na rin ang pinto.
Nag lakad ako papunta sa banyo para mag half bath bago ako matulog. Pag katapos ko ay saka ako humiga sa kama ko at handa ng matulog.
Akala ko ay makakatulog na ako ng mahimbing at walang takot hindi pa rin pala hanggang kailan ko ba mararanasan ito.
.
.
.
.
."Mommy, tulong !! Tulungan mo ako!!". Humuhikbing sigaw ng batang ako.
"Mommy, Daddy tulong natatakot ako!!". Sigaw lang ako ng sigaw habang yakap yakap ko ang aking maliit na katawan.
"Wag, wag po!! Parang awa nyo na po!!!". Sigaw ako ng sigaw habang nag pupumiglas sa tatlong lalaking naka hawak sa akin.
"Wag po, parang awa nyo na po, wala naman po akong kasalanan". Sigaw ko. Sinuntok ako ng isa sa kanila sa sikmura kaya medyo ng hina ako.
"Ang ingay mo". Sabi nong lalaki.
"Patayin na kaya natin yan wala na yang pakinabang eh".
"Wag may pa kinabang pa yan sa atin". Sabi nung lalaking maraming tatto bago sila mag tawanan.
"Ah...wag". Tumulo ang isang butil ng luha ko.
"Paalam Bata, napa saya mo kaming tatlo, kaso kailangan ka naming iligpot eh". Sabi nya sabay ng pag putok ng baril.
*Bang
Nagising ako ng hinahabol ang hinga ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang pag tulo ng luha ko. Bakit ba hindi ako tinatantanan ng walang hiyang alaala na yan.
Pagod na ako. Gabi Gabi ganito nalang lagi ang nakikita ko. Hanggang kailan ba ako mag dudusa sa nangyari sakin sa nakaraan. Nakakadiri! Nakakadiri ako ang dumi dumi ko. Hindi ko na napigilan ang luha na lumandas sa aking mukha.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matingnan ang sarili ko sa salamamin dahil sa nangyari sakin sa nakaraan. Umiyak ako ng umiyak habang nag dadasal na alisin na ang sakit na nararamdaman ko. At sana ay makita na ni Daddy na mas na saktan ako kesa kay Evone.
Nag dusa ako sa kasalanang hindi ako ang gumawa. Nag dusa ako sa kamay ng taong halos kadugo ko na. Paano nya na sikmurang gawin sa akin yun. Kinalma ko yung sarili ko bago ako bumalik sa pag tulog at hinihiling sa may kapal na sa pag pikit ng mata ko ay wala na ang masamang alaala na yun.
YOU ARE READING
It's Never To Late
FanficLaging sinasabi ng iba na sa pamilya mo unang mararamdaman ang pag mamahal at seguridad, ngunit bakit parang sa pamilya ko ay iba? huli na ba para maranasan ko ring sumaya?