Reader POV

75 4 2
                                    

-----
New story update
Tap to read Diary ng Fapper by KadiriPad

"Shit." Nananaginip lang ba ako? O Nag iimagine? Pota. Isang bwan syang di nag upadate?! Akala ko naman patay na 'tong author na to.

Sa galak ko ti-nap ko na agad para mabasa ko na ang inaabangan kong kabanata. Pero nakakabanas. Ang buraot mo naman author. Isa lang in-update mo! Asaan ang hustisya. Hindi naman kasi kita pine-pressure para mag update uli. Sadyang natutuwa lang ako at naeenjoy ko ang pagbabasa.

Matapos kong mabasa. Napabusangot ako. Bakit isa lang? Siguro dahil busy ka? Siguro dahil nawalan ka ng plot-twist? Siguro tinatamad lang? O sadyang nangaasar ka lang sa amin dahil sa tingin mo pinepressure ka nga namin.

Bilang reader narito ako para sumuporta. Narito ako para icheer-up ka. Narito ko para mapasaya ka sa pamamagitan ng hinaing ko. Pero bakit tila walang natira? Nag aabroad ba sila?

Psh. Para naman akong gago. Ano bang pinaglalaban ko? Para akong tanga.
Wala rin naman akong magagawa kung isa lang ang update mo. Naiintindihan naman kita.

Isa ako sa fan mo. Crush kita. Kahit na di ko pa nakikita ang anino o pagmumukha mo. Ni totoo mo ngang pangalan di ko alam. Tsk. Pa mysterious ka naman.

Crush kita. Dahil sa galing mong gumawa ng kwento. Humahanga ako sa galing mong magpatawa. Lalo nat ang bait bait mo pa.

Natatandaan mo pa ba yung una kita piniem sa fb? Natatandaan mo pa ba na nagkausap pa tayo ng matagal? Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kilig. Kahit na alam kong wala ka namang na pick-up. Basta ang lakas ng impak mo sakin.

Fan nga kasi ako.
Fan nga kasi ako na humahanga sayo. Sikat ka. Kilala ka. Eh ako? Ano ba ako sayo? Ano nga ba sayo si Alyx henriezsa hoturi . Nag eexist ba sya sayo? Sa tingin ko hindi ang magiging sagot mo. Langit ka lupa ako. Apoy ka tubig ako. Positive ka negative ako. Sa tingin mo ba bagay tayo? Hindi. Hindi kita kayang maabot. Wala akong panama sayo dahil hindi ako archer sa coc.

Natatandaan ko pa na sa tuwing naririnig ko ang pagsipol ng cellphone ko gumuguhit sa labi ko ang ngiti. Lalo nat ikaw ang makikita ko sa notification. Ikaw na nag update ng bagong kabanata.

-----
New story update
Tap to read Diary ng Fapper by KadiriPad

Wow. After two months. Kamusta na? Nahirapan ka ata mag isip ng plot twist para sa new chapter. Anong nangyare sayo? Bakit ba pala-asa ka? Bakit ba palagi mo nalang akong pinaghihintay?

Gusto kong isumbat sayo yan. Gusto kong sabihin sayo yan. Gusto kong i-comment yan. Pero anong magagawa ko? Baka nga di mo pa ma-appriciate yan. Baka nga magalit ka pa at sabihin mo nanaman na. "Wag nyo ko i-presure. Mahal ko naman kayo ;)♥♥"
Baka nga di na ako makapagtype pa dahil dyan. Nakakainis. Bakit yan lagi mong reply? Bakit 'kayo? At hindi nalang 'kita? At alisin nalang ang 'ko para ramdam na ramdam
At pwede na akong mamatay.. mamatay sa kilig kung mangyare nga yun.

Naiirita ako. Hanggang kailan mo ba itatago ang sarili mo? Bakit ayaw mong mas kilalanin ka pa ng iba? Artista kaba? Poging-pogi kaba? Para magtago. Kriminal ka ata at most wanted sa pinas kaya ka nagtatago. O sadyang panget ka talaga. Bungi ka. Maitim ka. Pango ka. Mapungay yang mata mo. Makapal labi mo. Mataba ka. Mukha kang rapist.

Psh. Di na ako aasa. Masakit na eh. Nakakasawa na rin.

------
"Aray! Potangama!" Tangna. Ang polpol naman ng geek na to!! Kalalaking tao. Napakalampa.

"May grado ba yang salamin mo ha?!" Gago pala to eh. Bunguin nya ba naman ako! At natamaan pa yung maumbok kong dibdib. Sakit nun ah?

"Sorry. Miss. Di ko sadya." Napangisi ako. Gasgas na yang dahilan na yan pota. Inayos nya ang salamin nya at pinulot ang ilang gamit ko na nahulog sa sahig. Iniabot nya sa akin at saka ngumiti. Inirapan ko sya. Pangiti-ngiti pa 'to. Oo ikinagwapo mo na yan. Tama na. Baka mapa-amo mo pa ako. Yuck!

"Meron ka ba? Haha" abat tarantado to ah?! Nagawa pang ngumisi sa akin?! At tanungin pa ako ng karumaldumal na tanong. Pinuri ko na nga.

"Wala akong pakealam sayo! Hayop ka. Maisnatch sana yang cellphone mo! Gago" tumawa lang sya dahilan ng pagkairita ko. Oo na ang pogi pakinggan ng tawa nya. Pero polpol parin sya. Lampa sya. Puro kasi text. Siguro kating kati na gf nito.

Pero sa di ko inaasahan. Napahinto ang lahat. Maging ako napahinto rin. Oo napahinto talaga. Literal. Nang sabihin nya ang katagang.

"Pinipresure kasi ako ng mga to eh" nakangiti nyang sagot habang tinuturo ang cellphone nya.

Pini-pressure'
Wow. Bigword.

Oo bigword nga kasi...
Yan ang lintanya ng paborito kong manunulat. Yan ang lintanya ng crush ko. Inaagaw nya! O nang-gaya lang sya?
Pero bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Na para bang hinabol ng asong k9. Bulldog o ng askal. Sa sobrang bilis.

Napatitig ako sa kanya..
Palapit sya ng palapit..
At bumulong sakin..

"Wag mo ako pini-pressure. Mahal naman kita"
Tinitigan nya ako ng mataman. Pagtapos nyang sabihin ang mga katagang magpapapatay sa akin.
Kinindatan ako. At muling nagbitaw ng katagang

"Heart. Heart"

Nakalagpas na sya.. sino sya?! Anong karapatan nyang agawin ang lintanya ni awtor? Anong karapatan nyang magpaka-breezy sa akin?! Shit.

Nilingon ko sya. Pero huli na. Nakasakay na sya ng fx.
Tumingin sa akin. Saka ngumiti.

Gago lang?

------
New story upadate
Tap to read Diary ng Fapper by KadiriPad

Mukhang fresh ang pag iisip mo ngayon ah? Natututwa ako dyan. Sana tuloy tuloy na yan.

Sino ba namang hindi gaganahan. Pagkauwi ko galing school ganito madadatnan ko. Nagupdate ka nanaman. Natutuwa ako dahil halos araw-araw na. Natutuwa ako dahil ikaw na ang nagsisilbing stress reliever ko. Natatanggal pagod ko kapag nakikita ko to sa notification.

Napahinto ako ng mabasa ko na ang authors note mo.

*A/N
Sorry nga pala sa babaeng chicks na nabungo ko kanina. Alam kong medyo masakit ang pagkakabungo ko sayo. Hahah alam ko rin na galit na galit ka. Dahil medyo na tadtad mo ako ng mura kanina. :) di halata sayo na badgirl ka. Ang amo kasi ng mukha mo. Hi nga pala sayo ;)

So? Sya pala ang geek na yun. Sya pala ang writer nito?

Shit. Maawa ka. Wag mo ko patayin sa kilig.♥

END

'----------------------x

Awtor! Hahah hello. Naisipan ko lang gumawa ng random story para sayo. tagal mo na kasing di nag-u-update. Nakakakamiss ka. Hindi lang ako kundi ang mga reader mo.
*pasensya na rin sa mga badword na nabanggit nila. O sa nabasa nyo*
btw. Hope you like it! ;) ♥

-chungChangCheng/tekushi-tafuto

Reader POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon