Supermarket flowers - :)🎵
Watching the waves dance, listening to birds sing, and being caressed by the cool wind feels comforting.
Andito ako ngayon sa tabing dagat kung saan kami natapos.
It's been five years since our last conversation. Ang hirap bumangon sa madilim na nakaraan kung pakiramdam mo lagi kang nakalibing sa nakaraan na iyon. Tang... ina, kung babae ba ako, mamahalin niya rin kaya ako kung paano ko siya minahal?
"Apo!" Napabaling ang aking mga mata sa babaeng naka suot ng bestida habang ang buhok nito ay halos mamuti na lahat.
"Bakit po, la?" Tanong ko dito habang pinapagpagan ang sarili.
Si lola lany nalang ang kasama ko sa bahay na ipinatayo ko. My parents died in a car accident. Bata palang ako no'ng namatay sila kaya lumaki akong pakiramdam ko laging may kulang sa'kin.
"Apo, ok kalang?" Malambing na tanong ni lola sa'kin...
"Oo naman po, la," pero ang totoo ay hindi ko rin alam
"Apo, 'yung totoo?" Ano ba ang totoo?
"La, may mali ba... Sa'kin?" Tanong ko habang nag-iinit na ang gilid ng aking mga mata.
Niyakap niya ako habang ang mga nag-babadyang mga luha na lumabas ay tuluyan nang pumatak sa balikat ni lola.
"Apo, walang mali sa'yo" usal niya habang hinahagod ang aking likuran.
"Pero ganon 'yung pinaramdam niya sa'kin... L-la," sumbong ko dito na parang bata.
"Pero hindi mo kasalanan kung ganoon 'yung naramdaman niya sa'yo, apo. Kasi alam ko binigay mo lahat kahit walang natira sa sarili mo." Malambing niyang bulong sa tenga ko habang patuloy niyang hinahagod ang aking likod.
Do'n sa sinabi niya ay kumalma ako ng bahagya. Pinunasan ko ang aking luha na nagkalat sa aking pisngi.
Unti-unti akong humiwalay sa balikat ni lola at tinaggap ang binigay niyang tissue.
"Apo, andito lang si lola, hmm?" Sambit niya sa malambing na tono
"Thank you, la," niyakap ko ulit siya bago pumasok sa kwarto para mag pahinga. Tang... ina, nakakapagod pala umiyak?
Nagising ako sa alarm na sinet ko kanina. Shit, may flight pa pala ako.
Agad akong bumangon at dumiretso sa bathroom. Kailangan ko kaagad bumalik sa manila dahil may naiwan akong negosyo doon.
I'm a registered pharmacist with my own drugstore.
"Gabriel, Mael Jacques V. , Rph, MD"
Hindi sa pagmamayabang pero tapos ako ng Doctor of Medicine. Wala e, iniwan ako kaya imbis na isipin siya, ay nag-aral nalang ulit ako. Mas maganda yung may mapatunayan kung... Sakaling bumalik.
"Si doc pala 'to e," hiyaw ni jasper habang papalapit ako sa direksyon nila.
Nang makalapit ako sakanila ay isa-isa silang tumayo at nakipag beso saakin.
"I missed you, bro" bulong ni Grover.
"Gago, one month lang ako nawala." Natatawa kong sabi sakanya.
Since elementary ay kaibigan ko na ang dalawang 'to. Buti pa'to hindi ako iniwan. Eh 'yung isa kaya? Ahh, nevermind... Bahala siya!
"Asan ang pasalubong ko, doc?" Tanong ni jasper nang maka-upo ako sa tabi nila.
Inihagis ko sakanya ang aking black card na kaagad niya sinalo.
"Ohoo!" Hiyaw niya. Tsk, mukang pera talaga.
"Kumusta si lola lany?" Tanong naman ni Grover.
Kung ikukumpara ko ang dalawa sa ugali? Si Grover ang mas angat. Pero kung sa itsura? Syempre ako!
"Ayos lang naman, Attorney." Sagot ko habang nilalagyan ng Cabernet Sauvignon ang sariling flauta
He nodded, taking a sip of his wine.
"Miss mo ba, doc?" Tanong ni jasper dahilan para masamid ako sa sariling iniinom. Tangina... Sino ba 'yon?
"Ano?!" Nagtataka kong tanong?
"Kilala mo naman tinutukoy ko, doc." Aba't umiisa pa eh. Painumin ko kaya ng maraming aspirin 'to?
"Patay na 'yon," talaga naman.
"Baka patay na patay sa'yo, doc?" Bakit nag hanap ng babae kung patay na patay sa'kin? Tsk!
Tumayo na ako at tinapik ang kanilang mga braso. Uuwi na ako.
"Una na ako" paalam ko sakanila sabay labas ng bar.
Habang naglalakd papunta sa parking lot ay hindi ko sinasadyang mabangga ang isang lalaki papasok sana sa bar.
"Oh, I'm sorry, dude. Are you oka-" i wasn't finished speaking when our gazes met.
Tang... Ina? Ba't andito 'to? Ba't mo naman binigyan ng second life 'to lord?
"El?" Tanong niya nang mamukaan niya ako.
Tumakbo ako ng mabilis para lang makaalis sa lugar na'to. Tang... Ina, parang sinakal ako nang sampung demonyo ng makarating ako sa aking sasakyan.
Ang hirap huminga, bwisit!