SIX

24 13 0
                                    

꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑꒷꒦꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑꒷꒦꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑꒷꒦꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑꒷꒦꒷꒦︶꒷꒦︶ ๋ ࣭ ⭑


NARRATOR


         NAGISING si Felar na mabigat ang pakiramdam ng kanyang katawan. Ramdam niya ang bawat mainit niyang paghinga. At simula nang magising ang kanyang diwa ay agad na sumakit ang kanyang ulo, inabot ng ilang sandali bago niya maunawaan na nilalagnat siya. Dahan-dahan siyang nagkamalay, napagtanto niyang may basang tuwalya na nakapatong sa kanyang noo. Marahan niya itong inabot, at bahagya pang humaplos sa tela ang kanyang mga daliri.

Ang kanyang silid ay mayroon lamang malamlam na liwanag na nanggagaling sa ilaw ng lamp sa tabi ng kanyang kama.  Sinubukan niyang bumangon, ngunit parang kasing bigat ng metal ang kanyang mga braso at binti. Sumasabay pa ang pagkirot sa kanyang ulo at paninikip ng kanyang dibdib na pumipigil sa kanyang maka-ahon sa hinihigaan, kaya napasandal na lamang siya sa headboard, habang malalim ang kanyang bawat pag hinga.

Her gaze slowly drifted to the wall clock, it was nearly 12:30 midnight.

Pagtingin niya sa bintana, ay madilim na sa labas. Lumingon siya sa paligid ng kanyang silid, at natagpuan ang sariling nagiisa. Pumupulsong kirot ang kanyang naramdaman, kaya isinandal na lamang niya ulit ang kanyang ulo sa headboard.

Then, she began to remember it all. Piece by piece. The terrifying phone call, the threatening messages from the hacker the night before,  and most of all, the "box" she got earlier this day. It was a box she wished she could forget. The horrifying thing inside it replayed in her mind, making her stomach turn.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na itinataboy ang duguan at kahindik-hindik na imaheng bumabalik sa kanyang isip.

Hanggang sa biglang nakaramdam siya ng pagsusuka, kasabay ng pagkahilo ay kumulo ang kanyang sikmura. Agad siyang napahaplos sa kanyang bandang tiyan habang sinusubukan niyang pigilan ang biglaang paghinga dahil baka ay tuluyan siyang masuka.

But no matter how she tried to control herself, her chest only tightened more as nausea overtook her.

Naduduwal, agad niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig. Kumalat ang pandidiri at takot sa kanyang buong sistema. Walang pag-agam-agam siyang napabalikwas sa kama, iniabot niya ang kanyang mga paa sa gilid ng kama, at mabilis na sinuot ang kanyang comfy slippers. Natataranta siyang tumakbo patungo sa banyo.

Tumatagos sa kanyang tsinelas ang lamig ng sahig, habang siya'y napayuko na lamang at lumapit sa lababo. Doon, siya ay nagsusuka. May kung anong pilit na kumakawala sa loob ng kanyang sikmura pero wala namang lumalabas. Batid niyang wala nga pala siyang halos nakain sa buong araw dulot nang magdamag siyang nakatulog.

Tumulo ang mga luha sa kanyang mata habang humihingal siya para huminga, at muling sumagi sa kanyang isipan ang mga madilim na alaala sa kahon na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devoured by Obsession [18+]Where stories live. Discover now