CHAPTER 43: UNEXPECTED

0 0 0
                                    

Rayven's POV:

"HAHAHAHAHA If you could only see the look in your face! Priceless! HAHAHHAHAHAHAHAHA"

Malakas parin ang tawa ni Faye habang naglalakad na kami papuntang Lawton.

at ako ang pinagtatawanan niya.

Kanina pa siya ganyan mula ng maniwala ako sa sinabi niyang bj. Yun pala ay Buko Juice sa street ng Lawton ang sinasabi niya. Akala ko ay ibang bj ang inaalok niya at nagtanong pa ako kanina kung ngayon naba.

Pinagt-tripan lang pala ako nitong babaeng 'to.

"As if naman ib-blowjob talaga kita! Duh!"

Napatakip nalang ako ng mukha dahil malakas parin ang tawa at boses niya. Nagtitinginan na tuloy sa amin ang ilang matanda na nakakasabay namin maglakad.

"Tumahimik kana nga. Yung bibig mo."

Pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan at napairap naman siya habang nakatingin din sa dalawang matanda.

"Bakit ba? They're old. As if naman na hindi pa nila nagawa yon."

Baliw talaga.

"Tara na nga."

Hinila ko ang kamay niya at mabilis na kaming naglakad papasok ng Lawton. Maga-alas tres palang pero pinilit akong sumama dito ni Faye matapos niya akong pagtawanan kanina.

"Pero aminin mo, umasa ka talagang ib-bj kita kanina."

Hindi parin siya tapos.

"Sino ba kasing mag aakala na may buko juice pa ng ganitong oras?!" Galit galitan kong tanong habang namumula parin ang mukha.

"Meron kaya, duh! Hindi ka naman kasi lumalabas kaya hindi mo alam."

Sinundan ko siya ng mauna siyang pumasok sa isang mailaw na resto bar. Lumapit siya sa isang table na may tatlong lalaki.

"Oy si Faye andito na!" Sigaw ng isa.

Ngumisi si Faye at agad siyang binigyan ng isang bote ng beer na agad niyang ininom. Dahan dahan naman akong lumapit at napatingin silang lahat sakin.

"Mukhang good boy yang bago mong shota ah?"

Napangiwi ako sa lalaking kulay green ang buhok. Simpleng t-shirt lang din ang soot niya at lumang ripped jeans. Gaya ni Faye ay marami siyang piercing sa tenga. Naninigarilyo kasama ang dalawang lalaki na nandoon.

Ito ba ang mga kaibigan ni Faye?

"Gago Frank di 'ko shota yan!"

Umirap sakin si Faye at pinaupo naman ako nung Frank. Binigyan din nila ako ng beer na agad kong tinanggihan.

Bakit ba ako nandito?

"Aba good boy nga. Ayaw mag inom." Malakas na tawa nung Frank.

Sumimangot si Faye at pilit inabot sakin ang beer. Tinanggap ko pero nilapag ko lang yon sa lamesa.

"Faye, dahan dahan. Kakainom mo lang."

Bulong ko sa tabi niya pero siniko lang niya ako at nakipag kwentuhan sa mga kaibigan niyang lalaki. Pinag uusapan nila si Ma'am Moreno na ang tawag nila ay 'tanda'.

"Bwisit talaga yang tanda nayan. Panira ng buhay yung subject amputa." Malakas na sabi ni Frank.

"Kaya nga eh. Nagpapagawa pa ng report eh graduating na nga." Gatong naman ni Faye.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now