TRUE STORY #4 (from: @KennethNierra)

5.9K 130 6
                                    

Old School Building


Kenneth Nierra's POV


I'm Kenneth Nierra from Gensan. I work as a teacher sa isang private school.


Nangyari ito mismo sa school kung saan ako nag te-teach. It happened last summer since may summer class that time. Na-assign ako na magteach sa college. Sa annex ng school ako naka-assign which happens to be an old school for girls na nirentahan ng aming school since malaki na ang student population. Half lang ng campus ang nirentahan ng school namin so, pag oras na ng klase, kailangan mo pang maglakad hanggang kabilang kanto para marating ang main campus.


One day, nag decide ang admin na rentahan ang whole campus kasi nakatiwangwang lang ang buildings doon then naging mas magaan na dahil may shortcut na kami patungong main campus. Aware din ako sa mga stories sa building ng old school na nirentahan ng school.


One time, natapos ang class ko around 6:30 in the evening. Bago umuwi kailangan kong bumalik sa annex to retrieve my things. Siyempre doon na ako dumaan sa bagong renta na campus. Masyadong madilim na nun since wala pang lights na ikinabit. Nung mapadaan ako sa harap ng building, may biglang kumalabog sa loob. Kinabahan na ako dahil nakapadlock naman lahat ng door doon. Mayamaya pa mas kinabahan ako nang may biglang may sumutsot. Dahil natakot na ako, binilisan ko ang paglalakad then nangyari na ang nagpatindig ng balahibo ko. Bigla akong nakarinig ng mabibilis na footsteps na parang humahabol sa akin. Napatigil ako dahil akala ko pinagtitripan ako ng mga katrabaho ko nang biglang bumukas ang isang door at may narinig akong footsteps again na papalapit sa akin. Wala namang tao ngunit ang tunog ng footsteps ay palapit ng palapit that's why kumaripas na ako ng takbo. From that moment, sinumpa ko na never na akong dadaan sa building na iyon lalo na pag gabi. Titiisin ko pang maglakad hanggang kabilang kanto wag ko lang ma-experience ulit ang nakakatakot na pangyayaring iyon. Iyon lamang po. Salamat.



_END_

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon