Start

24 1 0
                                    


Ang kwentong ito ay nangyari noong ako ay nasa ika-apat na taon pa lamang ng haysakul. Ako nga pala si Yuri Marie S. Garcia, 17 at nasa unang taon ng kolehiyo. Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang kwento ko noong 4th year high school pa lamang ako.

Magpapasko noon kaya maaga na din ang bakasyon namin. Nag-usap-usap ang mga kaklase ko para sa Christmas vacation. Ako wala lang kasi wala akong balak sumama. Balak kasi ng klase na magkaroon ng outing sa resort ng kaklase namin na si Rica. Nakakatamad kaya wala akong balak sumama. Opo, tamad po akong tao. Wala lang, mas gusto ko pang mag-isa kaysa may mga kasamang maiingay na tao.

" Yuri, sasama ka ba sa outing-" hindi ko na pinatapos si mika magsalita, at sumagot na agad ako.

"hindi," sagot ko. Nagtinginan naman sa akin ang mga kaklase ko at ramdam kong naghihintay sila ng dahilan kung bakit hindi ako sasama.

" huwag na kayong magtaka jan kay yuri, palagi naman eh, Psh!" sabi ng Class President namin na si Maki Ashton Orikawa. Half Japanese kaya ganyan ang apilyido, pero wala akong paki. Ano naming problema ng lalaking to, ano naming pakialam niya kung ayaw kong sumama?

"Uuuyy, si maki, " sabi naman ni sef, na kabarkada nya.. problema din ng isang to?

Nakita kong tiningnan lang ng masama ni maki si sef. At ako yumuko na lang ako sa desk ko at isinalpak ang earphones ko at nakinig ng music.

Hanggang sa nakatulog na pala ako.....

Pag-gising ko, wala ng tao sa room ako na lang at si- teka, anong?

"gising ka na pala." Sambit niya.

Ano pa bang ginagawa niya dito?

"bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.

" masama bang hintayin kang magising?,"

" anong- h-hinintay? Mo ako,? " anong hinintay niya talaga ako? Bwiset, ba't nautal ako kanina?

" tama lang yan na Gawain ng isang Class President, hindi ba Ms. Garcia?"

"Psh, wala akong pake. " bwiset lang ha, bakit parang na-dissapoint ako, haha hindi naman siguro at bakit naman?

Tumawa lang sya ng kaunti bago nagsalita.

" bakit nag-eexpect ka pa ba ng iba Ms. Yuri Marie Garcia? " sabay ngisi.

Aba lang ha, ako nag-eexcpect? ASA!

" Lumayas ka nga jan! wala akong pake kung ano man yang kaepalan ang iniisip mo, ASA ka Mr. Maki Ashton Okiwara.. " sabi ko at dinaanan ko siya palabas ng room. Bwiset na lalaking yun ha, hindi ba siya aware sa kasabihang biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising. Pinapainit na naman niya ang ulo ko.

Ramdam ko naman na sumusunod siya sa akin.

" uuy, hintayin mo naman ako, ang daya lang ha ako na nga tong naghintay sa'yo iiwan mo lang pala ako." Nung sinabi niya yun napahinto ako, hind ilang ako pati siguro ang mundo ko. Sa mga sinabing yun may naalala ako.

Si Mr. President at ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon